Nilagay ko ang tainga ko sa pinto para pakinggan kung naguusap pa sila sa labas.
"Nasan na po siya?" rinig kong tanong ng babae. Ano na pangalan niya? Belen? Bilena? Ella? Hindi ko na maalala sa sobrang pagpa-panic ko kanina.
"Ay. Pumasok na sa kwarto niya. Biglang tumawag 'yung mama niya. Sa susunod niya na lang daw kayo kikilalanin. Sige. Mauuna na ako. Basta kapag may kailangan kayo, tawagan niyo lang ako ha? Elena tsaka Miko. Miko pangalan mo iho diba?" sabi ng landlady. It feels weird when someone's mentioning his name.
"Opo. Miko po." rinig ko naman ang boses ni Miko. Mas lalong weird ngayong naririnig ko ulit ang malalim na boses niya. Parang namiss ko ang boses na iyon.
"Sinasabi ko na sa'yo. Huwag ka na magpapaka-rupok sa lalaking 'yan."
Bigla 'kong naalala ang sinabi ni Kaileen. Umiling ako at umupo sa kama ko. Kinausap ko ulit si Kaileen sa cellphone at bumuntong hininga.
"He's really here, Kai. Kasama niya 'yung babaeng nakita ko rin. 'Di ko alam pero baka bago na niyang girlfriend 'yon." sabi ko. Kaya ba siya nakipag-break sa'kin noon ay dahil meron na siyang iba? Hindi ko mapigilang isipin 'yon.
"Ang kapal lang niyang lumipat sa dorm mo tapos kasama pa niya 'yung bago niyang jowa. Grabe. 'Wag na 'wag mong papansinin 'yan, Rae. Nako. Nanggigigil ako." sabi niya. Tumango ako kahit hindi niya nakikita.
"Sige na, Rae. Bye." sabi ko na lang tsaka binaba ang tawag. Namomroblema tuloy ako ngayon kung pano ako magshoshower at gawin ang night routine ko. Umiling ako at kinuha ang tuwalya. Bahala na.
Dahan-dahan 'kong binuksan ang door knob ko. Tiningnan ko kung may tao sa hallway. Nang makitang wala ay mabilis akong tumakbo papasok ng CR. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi ko nakita si Miko at Elena. Nagshower ako nang mabilisan tsaka ginawa ang night routine ko.
Pagkatapos, madaliang pumasok din ako sa kwarto ko para hindi ako makita ng dalawang bagong tenant. Naiinis pa rin ako hanggang ngayon na dito sila lumipat ng dorm. Sa dinami-dami ng pwedeng lipatan, dito pa talaga.
Sign na ba 'to para huwag ko siyang kalimutan? Charot. May jowa na pala siya.
Humiga na lang ako sa kama ko at nag-scroll sa mga social media accounts ko. Nang magsawa ay nanuod naman ako ng netflix. Ang hirap ng walang jowa. Social media at netflix na lang bumubuhay sa boring kong buhay.
Habang nanunuod ay biglang nagmessage si Robin.
From: Robin
Raelynn.
'Yan lang ang message niya. Usually, sinasabi niya agad kung anong gusto niya or kung anong sasabihin niya. Naka-kunot ang noo ko habang tinitipa ang irereply ko.
To: Robin
Yes? Ano kailangan mo?
Sinend ko ang message tsaka nanuod ulit. Tahimik ang dorm kaya sa tingin ko ay tulog na silang lahat. Dati kapag sabado, laging may umiinom dito sa dorm namin. Pinapayagan naman sila ng landlady namin kaso dapat hindi sila makakaistorbo ng iba pero minsan 'di talaga maiwasan ang ingay kapag umiinom. Malaki naman kase ang dorm namin. Malaki ang common kitchen at CR. Pati ang sala, malaki rin. Marami ring umuupa kaya sa tingin ko hindi malulugi ang may-ari.
Maya-maya, nagreply rin si Robin.
From: Robin
Busy ka ba bukas?
Napakunot na naman ang noo ko nang binasa ang message niya. Ba't niya tinatanong kung busy ako? Duh. Malamang, hindi. Kakatapos lang kaya ng exam. Naisip ko na baka magkekwento siya sa'kin about sa crush niya kaya nag-reply ako agad.
BINABASA MO ANG
Turn Back Time
أدب المراهقينWhat if the person who broke you and hurt you wants to win you back?