Ikaanim

3 0 0
                                    

"Thank you." sambit ko nang makarating na kami sa tapat ng dorm ko. Ngumiti siya at niyakap ako ulit. Bumilis ang tibok ng puso ko nang naramdaman kong hinahaplos niya ang buhok ko.

"Andito lang ako. I'm one call away. You know that. Okay?" sabi niya tsaka ako tiningnan sa mata. Binalewala ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko at nginitian siya.

"I know." ngumiti ako at lumayo ng konti sa kanya. "Umuwi ka na. Dumidilim na. Thank you for today." giit ko. Ngumiti siya at lumakad na palayo.

Dahan-dahan akong umakyat at pumasok ng dorm. Nag-enjoy ako ngayong araw pero at the same time, napagod din. After namin pumunta sa burnham, naglakad lakad lang kami sa legarda at session road. Kung ano-anong napagkwentuhan namin ni Robin. About school and other stuff. He never mentioned about Miko kaya nag-enjoy ako. Nag-arcade rin kami sa SM tsaka kami umuwi kaya medyo nagabihan kami. Pagkapasok ko ng dorm, nakita ko si Elena na nagaaral sa sala. Nang makita niya ako ay tumayo siya.

"Hi! Ikaw 'yung dapat ipapakilala ng landlady natin diba? I'm Elena nga pala." sabi niya tsaka inabot ang kamay niya. Napatingin lang ako doon. Hindi alam ang gagawin. Naalala ko na magkasama sila ni Miko kanina sa burnham. Girlfriend niya nga ata talaga 'tong si Elena. Ang bilis naman niyang makahanap ng iba.

Mapait akong ngumiti at tinanggap ang kamay niya. Hindi ko pa nababawi ang kamay ko sa pagkakahawak ni Elena ay biglang lumabas sa kwarto niya si Miko. Nagtagpo ang mga mata namin pero mabilis akong umiwas. Nang mapansin ni Elena si Miko ay hinatak niya ako palapit sa kanya. Shit. Hindi ko mabawi ang kamay ko kay Elena dahil mahigpit ang hawak nito sa kamay ko. 

"Eto pala si Miko." pakilala ni Elena tsaka hinawakan ang braso ni Miko. Kilala ko siya. Mula ulo hanggang paa. 

"I'm ----"

"R-raelynn." 

'Di ko pa tapos ipakilala ang sarili ko ay binanggit na ni Miko ang pangalan ko. Nakita kong nagulat si Elena nang marinig ang pangalan ko. Bakit? Kilala ba niya ang ex ng jowa niya? Ang kapal naman ng mukha ni Miko kung kinekwento niya ako sa bago niyang girlfriend. 

Nanatili akong tahimik hanggang sa naramdaman kong dahan-dahang umalis si Elena sa pwesto niya samantalang ako hindi makagalaw sa kinatatayuan ko lalo pa ngayong narinig ko na naman ang boses ni Miko. Huminga ako ng malalim at inipon ang buong lakas ko para tingnan siya sa mata. Pagka-angat ko ng tingin, para akong nahuhulog sa lalim ng mga mata niya. Nanatili lamang siyang nakatitig sa'kin at pawang hinihintay akong magsalita. Bakit parang natutuwa siyang makita ako? Bakit ganoon ang pagtitig niya sa'kin? Parang nasasabik siya nang makita ako.

"Excuse me." sabi ko. Hindi pa ako nakakalayo ay hingit niya ang braso ko. Tiningnan ko siya. "B-bakit?" tanong ko. 

"K-kamusta ka?" 

Pagkatapos mo 'kong hindi kausapin tapos hiwalayan? Okay naman ako. Okay lang talaga. 

"Okay naman ako. Ikaw? Kamusta ka naman? Long time no see." sarkastikong sabi ko. Humarap ako sa kanya at binawi ang braso ko. 

"I'm sorry." sabi niya at sinubukang hawakan ang kamay ko pero nilagay ko ito sa likuran ko. 

"Bakit ka nagso-sorry? Kakakita pa lang naman natin ulit. Wala ka pa namang ginagawa."

"Sorry sa nagawa ko dati. Things are just hard. I'm sorry kung bigla na lang kitang hindi kinau-"

"Ano ka ba. Okay na 'ko." Lie. Hindi pa ako okay.  "Matagal na 'yon. Mag-move on na lang tayo. Okay?" Hindi pa rin ako maka-move on. 

"Pero-" 

"Tama na, Miko. Past na 'yon. Kalimutan na lang natin pwede?" sabi ko tsaka pumasok sa kwarto ko. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. "Matatag ka Raelynn. Pagsubok lang 'to. 'Wag kang magpapaapekto. Dito mo lang naman siya makikita sa dorm at hindi sa school. Focus. Umpisa na ng second sem bukas. Okay? Focus." sabi ko at pinat ang shoulder ko. Nagpalit ako ng damit at ginawa ang night routine ko. Nahiga ako sa kama at mabilis rin lang akong nakatulog. 

----

"GAGA!!!!" nasa malayo pa lang, ay rinig ko na ang sigaw ni Kaileen sa'kin. Tumatakbo siyang lumapit sa'kin at naupo sa harap ko. Kasalukuyan kaming nasa canteen at kumakain ako ng breakfast. Dito na ako kumakain ng breakfast sa school dahil tinatamad akong magluto sa dorm atsaka iniiwasan ko rin na makita si Miko. 

"Ano na naman? May nasagap ka na naman na chismis, ano?" sambit ko nang makita ang nakakaloko niyang ngiti. 

"May new student daw na lilipat today. And guess what?" tanong niya at tumili-tili na parang bata. 

"Ano?" tanong ko at patuloy na kumain. 

"Exchange student daw from United States!" sabi niya at kinikilig na naman. Napangisi ako. Kapag si Kaileen nakakasagap ng tsismis, it's either 80% fake or 80% half true. Never nagiging tama mga tsismis 'yan. Kaya nga tsismis, baka kani-kanino na nakarating at hindi na alam kung may naidagdag na info o wala.

"Sana true. Pag hindi totoo iyan, libre mo kong milktea sa Gong Cha ha." sabi ni Cathy. Natawa ako nang biglang umayaw si Kaileen. Alam niya sa sarili niya na hindi rin siya sure kung totoo ang tsismis na nasagap niya. Gaga talaga.

Maya-maya ay pumasok na kami sa room. Hinihintay lang namin na may pumasok na teacher at magpakilala bilang bagong adviser namin. Kada sem, laging nagpapalit ng adviser ang kada class. Either hindi na namin magiging teacher ang adviser namin na 'yon or magiging teacher na siya ng lower grades.

Hindi rin nagtagal ay may dumating na na teacher. Umayos na ng upo ang lahat pero ang ibang babae ay nagbubulungan pa at pawang kinikilig. Baka totoo nga ang tsismis na may exchange student at mukhang sa klase pa namin maililipat.

"Good morning, class. May bago tayong student starting today." panimula ni Ma'am. Biglang nagbulungan ang karamihan pero dahil wala akong pakialam ay hinintay ko na lang na pumasok ang sinasabing bagong student.

"Come inside, Mr. De Guzman."

Napalingon agad ako nang marinig ang sinabi ni Ma'am. Nakita ko sa peripheral vision ko na lumingon din si Kaileen sa'kin.

"Good morning, Ma'am. Good morning, classmates. I am Miko De Guzman. I hope we will all get along. Thank you."

Oh shit.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 11, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Turn Back TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon