Wala sa sariling umupo ako sa silya ko, ni hindi namamalayang ilang minuto na lang ay darating na ang guro namin at magsisimula na ang final exam. Mas nangingibaw ang kakaibang nanyari sa akin kanina. Simula ng mag edad akong eighteen kung ano-anong mga nakakatakang bagay na lamang ang nangyayari sa akin.
Nakakapagtaka din ang mga sinabi at sinagot ni lola kanina. Ano ang ibig niyang sabihin sa mga binigkas niyang salita? Nagagalit ba ako kanina? ngunit bakit hindi ko ramdam 'yun at sariling katawan lamang ang nakaka alam, nasisiraan na ba ako ng ulo?
"Ashanta, are you okay?" Tanong na nagpabalik sa akin sa sarili. Tumingin ako sa kanan ko at nakita ang kaibigan na si Lary. Nagtatanong ang mga mata nito at naghihintay ng sagot ko.
"Ah oo" natatawa kong sagot dito. Parang hindi naman ito naniwala sa sagot ko dahil kumunot lamang ang noo nito. "I'm okay" dagdag na sagot ko at tumingin na lamang sa unahan. Tinignan ko ang orasan na nakalagay sa taas ng pinto at napabuntong hininga na lamang.
Kailangan kong makapasa dito para magkaroon ako ng pagkakataong makapag aral sa kolehiyo. Kung tutuusin kahit hindi na ako magpatuloy sa pag aaral ay makakakuha na din naman ako ng trabaho pero isa to pangarap ni mama sa akin ang makapasok pa sa pangatlong lebel ng pag aaral.
Ang kailangan lamang mangyari ay makakuha ng marka na tataas dapat sa 96, ang maganda pa dito kapag nakuha mo ang markang 100 makaka kuha ka pa ng scholarship ngunit bibihira lamang ito mangyari.
Kahit isa ka pang berde.
"Nag aral ka bang mabuti, Shan?" Tanong ng katabi ko at hindi na lamang pinansin ang tila pagalala niya sa akin kanina.
"Oo naman. Kailangan maipasa ko ito kaya naghanda talaga ako" Pagnakakuha ako ng mataas na marka ay posible akong makapasok sa isang paaralan dito sa bayan ng Zanphia, ang pangalan ng paaralang ito ay kinuha din sa pangalan ng bayang ito. ZanHigh Academy, isa sa magaling na paaralan at may mataas na kalidad pagdating sa pagtuturo.
"Gusto mo talagang magpatuloy sa pag aaral no?" May gumuhit na kung ano sa mga mata nito pero nawala din agad. Ano ang iniisip mo Lary?
"This is my mama's dream and I want to make it real. Pangako at pangarap ko din 'to sa sarili ko" sagot ko dito na alam kung ilang beses niya na ring narinig sa akin. "At tsaka mas mapag aaralan kong mabuti ang meron akong kakayahan. Dito kakaibang istilo na ang mga ituturo nila hindi na lang puro pang akademya. Malay mo din dito ko makuha ang mga sagot sa mga tanong ko, mga tanong na gumugulo sa utak ko"
"Ano yun Shan? Bakit hindi mo sabihin sa akin" nanghahamon na tanong nito sa akin. Hindi ko pwedeng sabihin ito sa kaniya pakiramdam ko bawal at hindi tama.
"Hindi Lary, kalimutan mo na lamang ang sinabi ko" iling ko dito at pilit na ngumiti.
"Hindi mo kailangan ilihim sa akin 'yan. Kaibigan mo ako" boses na mahina ko lamang narinig. Lumingon ako sa kaniya.
"Andiyan na si Ma'am. Goodluck" sagot nito sa akin at ngumiti na lang din. Alam ko na walang pakialam si Lary sa exam na ito dahil hindi niya nais pang mag aral sa kolehiyo dahilan niya hindi naman daw importante ito. Si Lary ay nabibilang sa kulay na berde, sobrang talino nito 'yung tipong isang basa niya lang sa aralin namin nakukuha niya agad ito. Mahilig din siyang mag imbento ng mga kung ano anong bagay. Kung pwede ko nga lang hiramin ang kakayahan niya para makakuha ng mataas na puntos dito ginawa ko na, e.
"Good morning students! Are you ready for our last and quarterly exam?" Masiglang tanong nito sa amin. Marami ang sumagot kay ma'am ng may sigla ngunit pansin pa rin ang ilang estudyanteng walang pakialam at umiiling lamang.
"I know that some of you doesn't want to get a high score because of the fact that you students has no interest to continue on college especially the green" tama si ma'am karamihan sa mga green ay wala ng pakialam at interes dito, dahilan nila aapihin lamang daw sila don ng mga mas matataas ang kulay. Ang kulay na berde kasi ang pinakamababa sa order ng colors kung saan tinutukoy ang bawat mga kakahayan nito.
BINABASA MO ANG
The Darkest World
FantasyThe moment you enter in this world is also the moment you need to fight for yourself. In this world happenings happened unexpectedly. In this world some things does exist. In this world impossible things can be possible. It's hard to believe from th...