1

0 0 0
                                    

Ashanta pov

Agad napamulat ang aking mga mata pagkarinig ko sa tilaok ng manok na alaga ng kapitbahay namin. Tinignan ko ang orasan sa kaliwang parte ng kwarto ko at pasado alas kwatro na ng umaga. Dali dali akong naghilamos at bumaba para alamin kung gising na si papa.

Bumaba ako sa hagdanan namin na may limahang baitang at nagtungo sa kaliwang parte ng bahay papunta sa kusina. Nadatnan ko dito sa papa na magsisimula atang magluto na.

"Good morning pa" bati ko dito sabay agaw sa mga hawak niya. Napalingon ito sa akin at kunot noo akong tinignan.

"Ang aga mo Ashanta" sagot muna nito sa akin bago ako binati din.

"Papa diba sabi ko ako na ang bahala palagi sa pagluluto ng pagkain natin" sagot ko kay papa. Hinanda ko na ang kawali at nilagay ito sa kalan namin na may kokonting baga na malamang gawa ni papa bago ako dumating.

"Pero alam ko late kana natulog dahil nag aral ka pa kagabi tapos papasok ka pa mamaya konti pa lang ang tulog mo. Ang kulit mo talaga" sagot nito na may pag aambang pipitikin ako sa noo. "Ako na nito. Matulog kana ulit anak" at inaagaw sa akin ang sandok na hawak ko.

"Papa ikaw ang makulit, tulong ko din po ito sa inyo. Nagtatrabaho po kayo maghapon para sa atin ni lola at para sa pag aaral ko. Papa ito man lang magawa ko sainyo at saka papa half day lang kami ngayon dahil sa exam so matutulog na lang ako pag uwi ko mamaya" may ngiti kong saad kay papa. Tinalikuran lamang ako ni papa habang umiiling, nag tungo ito sa pabilog na mesa namin at umupo. "O siya kung iyan ang gusto mo. Mana ka talaga sa nanay mo pipilitin at pipilitin ang gusto"

Napangiti na lamang ako sa tinuran ni papa. Sigurado ako hanggang ngayon sobrang nalulungkot pa rin si papa sa pagkawala ni mama. Hindi ko sinasabi na hindi ako nalulungkot pero siguro talagang kailangan lang nating gawin minsan ay tanggapin yung mga bagay na hindi natin inaasahan, kung ayaw natin na makulong sa lungkot at sakit habang buhay.

Apat na taon na ng mawala si mama dahil sa isang kaguluhan na nangyari noon naganap sa sentro ng bayan na ito. Pauwi na sana si mama galing sa pagtitinda ng mangyari ang gulo. Sobrang sakit sa amin noon ng malamang napagbintangan si mama na nagnakaw daw ng pera sa isang mayamang tao. Hindi kami naniniwala syempre dahil alam namin na hindi kayang gawin iyon ni mama. Oo, mahirap lang kami na walang kaming maraming pera at magagarang kasuotan ngunit wala sa bokabularyo namin ang gumawa ng masama makamtan lang ang mga bagay na wala kami.

Malaking kaguluhan iyon lalo pa't sinubukan ni mama na talikuran iyon at tinangkang tumakas pero hindi dahil sa ginawa talaga ni mama. Hindi alam ni mama na ang mayamang taong 'yun pala ay nagtataglay ng kapangyarihan na nabibilang sa kulay na asul.

Asul, mga taong tuso. Mga wala silang puso dahil ginagamit nila ang mga kakayahan nila upang mapasunod ang mga ibang tao para sa kasakiman nila para sa mga masasamang hangarin nila. Hindi ko man nilalahat ngunit mas nangingibaw pa rin para sa akin na mas lamang ang masasama sa kanila.

Ang mayamang tao na 'yun ay nagtataglay ng kapangyarihang apoy. Tinangka nitong patamaan si mama ng tinalikuran niya ito ngunit dahil sa kakayahan din si mama ay naka iwas siya dito. Sumunod na nangyari tumama ang pinakawalang apoy sa mas maraming tao.

Nanlalaking mata na napatingin si Miranda sa mga taong naapektuhan sa pinakawalang apoy. Naluluhang tumingin ito sa harapan niya. Kung hindi siya umilag hindi sana madadamay ang ilan sa mga tao ngunit pano naman ang kaniyang sarili.

"Pakiusap wala akong kinukuhang pera sa inyo. Itigil mo na ito" nagsusumamong pakiusap ni Miranda. Natatakot siya sa posible pang mangyari lalo pa at hindi basta basta ang taong kinakaharap niya.

"Kung ganun titignan ko ang laman ng bag mo" seryosong sagot nito.

"Wala akong kinukuha!" Mabilis na kinuha ni mama ang bag at tinapon ito sa harap ng taong nambibintang sa kanya.

The Darkest WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon