3

0 0 0
                                    


Malalim na ang gabi ngunit gising na gising pa rin ang diwa ko. Hindi ko maintindihan si papa, naguguluhan din ako sa mga kinikilos nito.

Pagkatapos sabihin ni papa ang nakakalungkot na balita agad itong dumiretso sa pintuan at mabilis na sinara. Kahit ang mga bintana ng bahay ay sinigurado ni papa na sarado. Kung kumilos parang may pinagtataguan siya.

Niyakap ko ang isang unan sa tabi ko ng maramdaman ang lamig ng gabi. Bakit kaya ayaw ni papa na tumuloy ako sa pag aaral ko? Nakaramdam talaga ako ng pagtatampo kay papa ng sabihin niya 'yun kanina. Kasama ko si papa sa pag abot sa pangarap na ito tapos ngayon tila hindi na nito gusto. Wala akong nagawa kanina kundi ang tumango kay papa.

Sa sumunod na
oras napagisipan ko na lamang bumaba at uminom ng gatas baka makatulong na makatulog na ako.

--

"Lary handa kana ba sa graduation natin?" Tanong ko sa katabi kong may malalim na iniisip. Kanina pa ito ganito at parang wala sa sarili.

Tinignan ako ng mga mata nito na may tsokolateng kulay. "Oo" tipid na sagot nito.

"Sa sunod na araw na 'yun. Excited narin ako" ani ko. Sinusubukan ko parin ngumiti sa kabila ng lungkot na nararamdaman ko.

Katatapos pa lang ng aming practice at alas kwatro na ng hapon. Nandito kami ni Lary sa labas ng school sa may tabing tapat at kumakain. Hindi na sana ako papayag dahil sayang sa pera pero napilitan din ng hatakin ako nito. Aniya huling libre niya daw sa akin. Para bang hindi na kami magkikita ulit, iniisip siguro nito ang pagpasok ko sa kolehiyo.

"Kuwento ka naman kung anong plano mo pagkatapos nito" sabi ko para naman magsalita ito at para naman makalimutan ko kahit sandali ang malungkot na iniisip.

"Susubukan kong maghanap ng trabaho pero sa sunod na buwan pa naman. Pag wala sa shop muna ako ni papa" kuwento nito. Wala talaga siyang balak ipagpatuloy ang pagaaral.

"Sabi mo sa akin sayo na 'yung shop niyo" sabi ko pa. Ang papa ni Lary kasi nakapundar ng isang shop sa bayan. Bilihan ito ng mga piyesa ng sasakyan, kaya isa rin ito sa maganda dito, hindi na kailangan lumuwas ng bayan para sa mga problema sa sasakyan dahil meron na dito.

"Not yet" tipid ulit na sagot nito. Ano ba 'yan minsan talaga wala 'tong kwentang kausap.

Uminom na lamang ako ng tubig bilang pagtatapos sa pagkain ko. Kinuha ko ang bag sa tabi ng upuan ko at niyakap na lamang ito sa kandungan ko. Tumingin ako kay Lary para alamin kong tapos na ito para maka uwi na kami. Gusto ko na lamang umuwi at matulog pakiramdam ko kasi pagod na pagod ako. Pagod na katawan sa katatayo kanina sa practice at pagod na utak din.

"Let's go" ani Lary sa akin. Tahimik na sumunod ako dito. Isa din itong lalaki na ito na dumadagdag sa isipin ko. Hindi naman ito ganito dati. Alam ko na medyo masungit talaga si Lary pero kahit papaano naman ay nakikita ko pa rin itong tumatawa kahit isang beses sa isang araw. Ngunit ngayon kahit pag ngiti niya sa akin ay parang pilit na lamang.

Paano ko nga ba naging kaibigan ang lalaking ito? kahit na may masungit na paguugali ito. Naalala ko noong una kaming magkita magkaklase kami noon. Sa pagkakatanda ko kakatransfer ko pa lang noon dito at naging tutor ko siya sa isang subject. Ewan ko ba at bakit natitiis ko siyang pakisamahan kahit palagi niya akong sinusungitan noon. Aniya paano daw ako nakatuntung sa High School kong ang hina ko sa subject na math.

Kalaunan nasanay na din ito sa araw-araw na presensya ko. Kahit ako nakasanayan ko na rin ang pagiging masungit niya hanggang sa namalayan ko na lang palagi na kaming magkasama at naging kaibigan ko na siya.

"Sandali ang bilis mo naman" paghabol ko dito at napahawak sa braso niya. Naramdaman ko na natigilan ito at napatingin sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 30, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Darkest WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon