"Happy Birthday Sweetie!" Niyakap ako ni mommy. "Halikana, naghihintay sa iyo ang mga tao sa labas."
I smiled and nodded at her. It's my 10th birthday, and my parents made a simple party for me, of course, hiling ko ito sa kanila. Nagmamadali akong lumabas upang tingnan ang mga taong pumunta ngayon sa bahay namin, for sure they brought gifts for me.
"Oh ayan na pala yung Birthday girl." It's uncle Ben, kapatid ni mommy. "Happy Birthday, Steffi!" Bati niya sa akin.
"Thank you, uncle." Ngumiti ako sa kanya. "Where's my gift?"
He chuckled. "Makakalimutan ko ba iyan?" Lumapit ito sa isang mesa at kinuha ang isang malaking box na nakabalot sa isang gift wrapper. I smiled upon seeing his gift, napakalaki nito. "Here's your gift, baby girl." Iniabot niya sa aking ang box.
"Yehey! Thank you uncle." I hugged him and kissed his cheek. "Can I open it now?"
"Sure." Kinuha niya ulit ang box at tinulungan akong buksan ito, it's a doll.
"Yes, another doll." Hinablot ko sa kanya ang napakalaking manika at agad ko itong pinulupot gamit ang mga kamay ko. "Thank you so much uncle!"
"Ohh nandito ka lang pala, iha." Lumapit sa amin si dad. Halatang naghahanap ito sa akin.
"She's getting older Bryan." Sabi ni Uncle kay dad nang nakangisi.
"Yeah, pero she's still my baby girl." Sagot ni dad at bigla akong binuhat. "You're getting heavy as well Steffi."
I just smiled at them.
"Anyway, Garry, tinatawag ka pala ng asawa mo. Mukhang galit na naman." Usal ni daddy. Nakita kong parang nag-aalala si Uncle Garry.
"I bet I'll got to hell, again." He uttered. "Pupuntahan ko lang misis ko. Happy birthday again Steffi." He waved goodbye to us. Sinundan ko nalang siya ng tingin hanggang sa makalabas siya ng mansyon.
"Sweetie, sumama ka muna sa akin, may gustong makita ka." Dad said. "Let's go?"
Ibinaba na niya ako at nagsimulang maglakad papunta sa fountain. At ako'y nasa likod, sinusundan siya.
"Bryan." Tinawag siya ng lalaking nakasuit. May kasama itong batang lalaki na sa tingin ko'y kasing-edad ko lang.
"Tristan." Usal ni dad habang papalapit sa kinaroroonan ng dalawa. Sumunod naman ako sa kanya.
"Is this your daughter?" Tanong ng lalaki. He smiled at me. "She's beautiful."
"Yes, she's the birthday celebrant." Sagot ni dad.
"Can we talk for a while?" Usal ng lalaki. Seryoso itong nakatingin kay dad. Lumapit ito at may ibinulong sa kanya.
"Hey sweetie, dito muna kayo ha? May pag-uusapan lang kami saglit ni Tito Tristan mo, okay?" I just nodded at him. "Magkwentuhan nalang muna kayo ng anak niya." Ngumiti ito sa akin.
Inilipat ko ang tingin ko sa batang kasama ng lalaki. I smiled at him. His eyebrows narrowed when he look at me. Inirapan niya pa ako. Aba, suplado ba siya o sadyang bakla lang ang batang ito? Ginawa ko rin ang ginawa niya at hindi na pinansin.
My dad just laugh at us. "Diyan muna kayo ha?" Nagsimula nang maglakad si dad at ang lalaki palayo sa amin, mukhang seryoso yung pag-uusapan nila.
"Ampangit ng doll mo." Biglang usal ng batang lalaki.
"What did you say?" Nagpukol ako ng masamang tingin sa kanya. "Baka ikaw, pangit!"
"Sinong pangit? Ako? Para malaman mo, ako yung pinakagwapo sa school namin." Pagmamayabang nito.
"Tsee, eh kasi, yung school niyo paaralan ng mga pangit." Sumbat ko sa kanya.
Pulang-pula na ang mga pisngi niya ngayon. He's surely now mad at me, good for him!
"I hate you!" Sigaw niya.
"I hate you more, pangit!"
Bigla nalang nanubig ang mga mata niya. Iiyak na siya, iyakin naman pala eh. Pero hindi ko inaasahan na hahagulhol pala siya sa pag-iyak. Nakuha niya ang atensyon ni dad at ng ama niya, dali-dali itong bumalik sa lugar na kinatatayuan namin.
"Sweetie, what happen---"
Hindi na natapos ni dad ang pagsasalita dahil may biglang sumabog sa loob ng mansion namin. Nagtaka ako kung ano iyon. Ilang saglit lang ay may pumasok sa gate namin, mga armadong tao!
"Steffi, come here!" Hinila ako ni dad. "Tristan, your son, get him para makapagtago tayo."
Tumango si Tito Tristan. Pero bago pa niya nakuha ang kamay ng kanyang anak ay nakarinig kami ng putok ng baril. Where did that come from?
I was shock when I saw tito Tristan stumbled down on the ground. "Shit, Tristan!" Sigaw ni dad. Lumapit ito sa kanya. Sunod-sunod ang putukang naririnig namin, nagkagulo-gulo na ang mga tao ngayon, sigaw dahil sa takot at putukan ang mga tunog ang ingay na bumabalot sa lugar.
"Umalis na kayo, iligtas mo ang anak ko." Hirap na hirap na si Tito Tristan sa pagsasalita. Nagdurugo ang dibdib nito, may tama ba siya? "Hindi na ako maliligtas Bryan. Kaya't umalis na kayo!"
Tumango nalang si dad sa kanya.
"Let's go! Magmadali kayo." Hinila niya ako at ang batang lalaki na anak ni Tito Tristan. Iniwan namin ang tatay niyang nakahandusay dun malapit sa fountain.
"Tito, what happened to daddy?" Umiiyak na ang batang lalaki.
Hindi ito sinagot ni dad. He's looking for a place na pwede naming mataguan. Kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon, halos maiyak na ako sa mga nangyayari ngayon.
"Dad, si mommy? Where is she?" Agad kong tanong nang nakahanap na kami nag pagtataguan namin, dito sa bodega.
"Sssshh, be quite okay? Pupuntahan natin ang mom mo pagkatapos nito." Pinahiran ni dad ang mga luha ko gamit ang kamay niya. Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako.
I just nodded at him.
Ilang oras kaming nanatili dito sa bodega, at nang mapansin ni dad na tahimik na ang buong paligid, lumabas agad ito.
"I'm scared." Usal ng batang lalaki. Hindi lang naman ikaw eh. Dad told us to stay here because we don't know if those armed men are gone already, sino kaya sila? They ruined my birthday!
"Celine!" Sigaw iyon ng dad ko. Ano kayang nangyari? Hindi ko na nakayanan pa, dali-dali akong lumabas sa bodega at tumakbo patungo sa kinaroroonan ni dad. Nakatalikod siya sa akin.
"D-dad?" I mumbled.
Nilingon niya ako. "Steffi." Buhat-buhat niya ang duguang katawan ng isang babae. "Your mom."
"W-what happened to her?" Hindi ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko, dahil to sa pinapakitang emosyon mi dad eh.
"She's dead, sweetie." Humagulhol sa pag-iyak si dad. "They're all dead!"
No... That's not true! Buhay silang lahat, niloloko lang nila ako. Humagulhol narin ako sa pag-iyak. This can't be happening. Inilagay ni dad ang katawan ni mom at lumapit sa akin at niyakap ako.
This isn't true, they're not dead. Mom's not dead!
BINABASA MO ANG
LOVE, MY SAVIOR
Teen FictionSteffi Lyle Romero Dela Costa, daughter of a senator, is a 21 years old girl whose life is always in danger. But with the help of a man who love her purely, her journey towards the future became smooth. But how long will it last for him to protect h...