CHAPTER 4

7 2 0
                                    

"Iha naghihintay na sa iyo si Anita." Usal ni tita.

It's my first day of school here in Pangasinan, at pareho kami ng University na papasukan ni Anita. Xhanon University ba ang pangalan nun? I forgot, ang alam ko lang is isa ito sa pinakaspecial na school, at syempre malaki rin ang tuition fee.

"Okay po tita." Sagot ko. "I'm almost done."

Nagmadali na akong tapusin ang pagkain ko. Umakyat ako sa kwarto ko upang maglagay ng kaunting make up, to be presentable naman. Liptint ang blush on will do.  Pagkatapos ko ay bumaba na ako at hinanap si tita. Nasa labas na pala siya.

"I'm done." Lumapit ako kay tita, kasama na pala niya si Anita. "Tara na?"

"You're already late, first day of school mo eh late ka na, iha." Sumbat ni tita. Five minutes late lang naman ako eh. "Sumakay na kayo at nang maihatid na kayo ni Peter. Oh, Peter pala ang pangalan ng driver ni Tita Martha.

Sumakay na kami sa sasakyan. "Bye tita." I waved my hand bago ko isinara ang bintana nito. And as expected tahimik lang si Anita sa byahe namin. She didn't say any words, even once. Sasanayin ko na ang sarili ko nito.

Naabot na namin ang school, it took only 10 minutes. So ibig sabihin hindi ganun kalayo ang school sa bahay namin. Bumaba na kami sa sasakyan. Agad na bumungad sa akin ang isang malaking gate ng school.

"Mauna na ako sa inyo maam." Sabi ni Mang Peter. Tumango lang kami sa kanya. Ibinalik ko ang toon sa gate ng paaralan.

"XHANON UNIVERSITY." Bulong ko sa sarili ko. Ang laki pala talaga ng school na ito. Mas malaki ito sa pinapasukan ko dun sa Manila.

"Tara na Steffi?" Biglang usal ni Anita. Nakalimutan kong magkasama pala kami. Tinanguan ko siya at pumasok na sa loob.

"Ihatud mo muna ako sa room ko, Anita." Hawak-hawak ko ang kamay niya habang nakikiusap. "Hindi ko pa alam ang room ko eh."

Anita laughed. "Oh ano ba yung room mo?"

"Section A-3B"

"Hmm, nandun sa third building iyan." Itinuro niya ang building na nasa likod namin. "Halikana."

Naglakad na kami patungo sa building. Nasa second floor pala ang room ko. "Kita mo yan? Yung nasa pinakadulo? Iyan yung room mo."

Tumango ako kay Anita.

"Mauna na ako Steffi, late na late na ako eh." Alalang sabi ni Anita. "Malalagot talaga ako nito."

"Sorry talaga ha? Maraming salamat rin Anita."

Nagpaalam na siya sa akin. Nasa isang building kasi yung room niya. Damn. Bakit pa kasi hindi pinaglapit ang room namin.

Pumunta na ako sa itinurong room ni Anita. And as what I've expected, may professor nang nasa harapan.

I sighed.

"Excuse me sir." Pagkuha ko ng atensyon sa lalaking nasa harapan. "Is this Section A-3B?"

"Ohh, the transferee's here." Usal ng professor. "Bakit ka late iha?"

"Ahh ehh.... Traffic sir, sorry."

"Okay, pumasok ka na dito. "I entered the room. Napakaganda ng room na ito, yung design, it made me comfortable. Agad na akong umupo.

"Halika muna dito iha." Pinalapit ako ng professor namin. Agad naman akong tumayo at tumungo sa kanya.

"Introduce yourself to your new classmates." He said.

"Uhh hello, I'm Steffi Lyle Romero Dela Costa. Glad to meet you all." I flashed a smile after uttering those.

Binati naman nila ako. Sa tingin ko magiging maganda ang pag-aaral ko dito.

Bumalik na ako sa upuan ko. Nagsimula naring magdiscuss ang professor pero kahit anong gawin ko ay hindi ko talaga maintindihan, nasa kalagitnaan na sila ng topic eh. I sighed. Hindi nalang muna ako makikinig, sasakit lang ang ulo ko.

"Hi." Nilingon ko ang babaeng nasa gilid ko.

"Ohh, hello." Nginitian ko siya.

"I'm Claire." Abot-tenga ang ngiti nito. "Nice to meet you."

I smiled at her.

"Pssshh no talking please." Biglang sabi ng professor, pero nakatalikod naman ito. Hindi nalang muna kami nag-usap. Patatapusin nalang muna namin ang klase. Pero naubos halos tatlong oras ay hindi pa natapos ang professor sa kakadiscuss. Isn't he tired? Ako kasi pagod na pagod na sa pakikinig eh.

"Okay cla--"

Biglang tumunog ang bell. Hays sa wakas. Natapos narin.

"So, I think we don't have enough time. Let's just continue this tomorrow." Pinulot ni Sir ang mga gamit niya sa mesa. "Goodbye class."

Namalaan rin kami sa kanya. It's almost 12 o'clock. Lunch time na! Dali-dali kong ipinasok ang mga gamit sa bag ko at lumabas ng room.

Damn! Hindi ko pala alam kung nasaan ang school canteen. Paani na ito?

"Guys, can you please move fast? Nagugutom na ako eh." There's a group of students in my front. "Sa canteen nalang natin ipagpapatuloy iyan."

Ayos! Pupunta silang canteen, susundan ko nalang sila. Naglakad na sila at nandito ako sa kanilang likod sumusunod para matunton ko rin ang canteen. Honestly, nagugutom na rin ako.

Tumigil ang grupo ng mga studyate sa harap ng isang gate. I look at it. I'm pretty sure na ito na yung canteen. Andaming studyante na dito, halos lahat ay may kasama. Nag-order na ako ng aking makakain at naghanap ng mauupuan, and unfortunately, walang bakante para sa akin. Ang saklap naman!

"Hey Steffi." I heard someone calling me. Her voice is familiar. I look at the circle of friends where the voice is coming from. Ohh, it's Claire, one of my classmates. "Dito kana sumabay sa amin!" Sigaw niya.

As if I have another choice. Bumuntong hininga ako at pumunta sa kinauupuan nila. I don't know the other so I felt awkward being with them.

"She's Steffi, my new classmate." Pagpapakilala ni Claire sa akin.

"Hi, I'm Louise, pleased to meet you." The guy who's wearing an eyeglass said. I don't know pero naweweirdohan ako sa kanya. Ang laki laki ng katawan pero may eyeglass?

"If you'll ask me kung bakit may eyeglass ako, well, hindi ganun kalinaw ang mata ko." He added. Nakita niya sigurong nagtataka ako. Ngumiti nalang ako sa kanya.

"I'm Anzhelah and she's April. We're twins." Sabi ng isang babae. Apat silang nandito kasama si Claire. Pero ano yung sinabi niya? Kambal? Eh bakit magkaiba ang mukha nila?

"Yeah, we're twins." Usal ni April. "Pero parang hindi no? Ampangit kasi niya, tapos ako, maganda."

"Ambisosyang tipaklong." Sabi ni Anzhelah. Napatawa nalang ako sa pinagsasabi nila. If they're going to be my friends, then magiging masaya ito. Umupo na ako sa tabi ni Claire.

"Guys, kumain na kayo." Claire uttered. We nodded at her. Gutom na gutom na rin ako.

Tapos na kaming kumain, pero sila nandito parin sa canteen, nakatambay. Sa tingin ko'y dito na nila uubusin ang natitirang oras bago kami pumasok ulit sa mga room namin. I don't want to leave, wala akong ibang mapuntahan eh. And besides, ang saya nilang kausap. Hindi ka talaga mabobored.

I roamed my eyes to random places here in school. Napakalinis talaga dito, organized lahat ng places at mga bagay-bagay. This school is indeed a perfect school. At ang mga studyante, they're responsible in terms or school policies and regulations. Tumingin-tingin ako sa mga studyanteng nakauniform. They're obedient. Pero teka, that student who's standing right beside the washing area. He's posture is very familiar. Nakatalikod ito kaya hindi ko makita ang kanyang mukha. At nang lumingon ito sa kinaroroonan ko, nakonpirma kong siya talaga yun!

He's the guy who helped me and Anita from those hold uppers!




LOVE, MY SAVIORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon