Chapter 2

89 16 15
                                    


Chapter 2

“What the? Shanaya stop what you are doing! I'm warning in you!” Asar na saad ko at lalong niyakap ang comforter habang ang mga mata ay pikit pa rin.

Hindi niya ba alam ang salitang respeto? Kanina niya pa kasi kinikis-kis sa akin ang binti niya, eh naka talikod ako sa kaniya, edi sa likod ng hita ko kumikis-kis!

“Hmm. . .” agad akong nag-taka sa ina-asta nitong si Shanaya, bigla niya na lamang akong ni-yakap sa likod ng sobrang higpit at ibinaon ang kaniyang ulo sa aking batok pero hindi ko na lamang pinansin pa sapagkat sobrang antok pa ako! For pete’s sake three am na ako naka tulog kagabi at ang aga pa akong ginising sa bahay dahil lamang gusto nila ay sabay-sabay kaming kumain sa umagahan, tapos ang ka-kalabasan? Awayan? Tsk, pathetic!

“Hmm, you smells so good. . .”

I shook my head on what I suddenly felt. Nakikiliti ako sa paraan ng pag amoy niya sa batok ko.

Naramdaman ko naman maya-maya ang kamay niya sa may tiyan ko habang marahan niya iyon pina-paikot duon.

“Damn! Can you please stop that?” I annoyingly hissed. Gosh, hindi ko manlang mabuksan ang mata ko sa sobrang ka-antukan. Maya-maya ay nararamdaman ko naman ang labi niyang hinahalikan ang batok ko. Seriously? Tomboy ba 'to?

Ngunit kahit anong gawin niya ay hindi ko pa rin magawang mapansin dahil antok pa 'ko. Bwisit kasi si Dad, bigyan ba naman ako ng madaming works. At talagang may deadline pa!

Kung hindi ko lamang talaga Ama yuon, aakalain ko na talagang pinapahirapan niya ako dahil ayaw niya akong pahawakan sa kumpanya nila.

Then don't! I can stand alone!

Afterwards, naramdaman ko naman ang marahang pag kalas ng kamay nito sa katawan ko, sunod nito ay ang pag alis niya sa kama habang ako ay antok na antok pa ring lupay-pay sa kama.

Rinig kong may sinasabi siya sa akin kaso hindi ko na narinig pa dahil nga natutulog akong may suot na earpods.

Maya-maya lamang ay ang pagtulog ko muli ng tahimik, Argh! I really love to sleep peacefully!

“Hoy babae, gising!”

Agad akong na alimpungatan nang biglang nag salita si Shanaya at marahas na inalis ang pagka kabalot ng comforter sa katawan ko.

Hindi ko pa rin minumulat ang mga mata ko. Bigla namang hinigit nito ang earpods na nasa tenga ko.

"Isa pa, Leyan huh! Hahampasin na kita!" Pagba-banta nito.

Asar akong tumayo mula sa pagka kahiga habang ang diwa ko ay tulog.

"Ah at talagang hindi ka babangon diyan?"

Dali-dali kong minulat ang mata ko.

"Here na nga diba?! You know what, Shanaya ang istorbo mo!" Asar na sabi ko sabay kusot ng mga mata ko.

Wala talaga akong laban diyan kay Shanaya, sa rahas ako nilalabanan eh.

"Ay sorry naman po, Señorita huh?! Istorbo ba ako sa tulog niyo huh?"

Taka akong napa tingin sa kaniya habang kinu kusot pa rin ang mga mata.

"Niyo? You mean tayo?" Pabalik kong tanong, humikab ako at namumungay rin ang aking mga mata.  Tinaasan niya ako ng kilay na para bang hindi makapaniwala sa aking sinabi.

"At bakit tayo? Katabi ba kita matulog huh?" Kulang na lamang ay pukpukin niya ako sa aking ulo dahil gigil na gigil na siya.

"FYI, Shanaya huh, katabi kaya kitang natulog. Binu-bulabog mo pa nga ako. 'Yang kamay mo ang likot-likot kung saan-saan napupunta!" Asar kong saad sa kaniya. Lalo namang napataas ang kaniyang kilay sa akin.

Beautiful Perfidious (Él Friegó Paisans' #1)Where stories live. Discover now