CHAPTER 3

214 29 0
                                    

Lumabas na yung results ng exam namin. Kinakabahan ako na baka 'di ako makapasa sa Criminal Justice System na subject namin kasi sobrang hirap kahit sila Well nahihirapan doon.

Habang nag-aantay kami ng results sa gc ay nandito ako sa library nagbabantay sa mga gumagamit ng computer. Dalawang sector kasi tong malaking room ng lib kaya siguro dito na rin nilagay yung computers.

"Yes! Nakapasa ako!" sigaw ni Duke. Biglang nagulat ang lahat dahil sa loob pa naman kami ng library at maraming taong nagbabasa.

Napatakip ito ng bibig habang tili nang tili papalapit sa'min. Mabilis na lumapit si Well sa paroroonan ni Duke. At tama nakapasa kaming tatlo. Tapos ang kalbaryo namin sa subject na iyon.

Kinabukasan ay lumabas na ang lahat ng results pero hindi ko pa kita yung akin dahil mahina ang signal sa amin kaya agad ko na tinawagan si Roswell.

Phone Calling...

"Hello Well!" bati ko sa kaniya.

Hindi ko rin maintindihan yung sagot niya dahil chuppy na at siguro nagbyahe na ito papuntang school.

Kaya agad ko na lang binabaan ng tawag at nagbihis na.

Nagpop-up yung message sa phone ko nang makarating ako sa library.

"Emergency Meeting today. See you at OSA."  galing ito kay Ma'am Laurista which is head of Publication namin.

Dahil wala naman akong pasok at vacant namin agad na ako nagtungo sa meeting area.

Habang naglalakad ako ay nakasabayan ko si Kuya Ronni is one of the writer of our Publications. He is very smart when it comes to writing articles and he is Veterinary Student.

Kaya nagkakasundo kami dahil sa tandem naming photographer and article writer. Sa mga events ako yung taga pictures at siya naman ang taga gawa mg articles kaya mabilis kami makapag-update sa page lalo na't busy ang ang chief of editorial namin dahil thesis na nila kaya siya yung sumasalo sa mga gawain.

Pagpasok namin sa room. Bumungad sa'min si Ma'am Laurista. "Good morning, Ma'am!" bati ko sa kaniya. Ngunit ngumiti lang ito dahil may ginagawa sa laptop.

Hindi natagalan at nagdadatingan na yung ibang member ng publication at nagsimula na ang meeting.

"Good morning, students! "Pangunang bati ni Ma'am Laurista. "Our intramurals will be next week. I would like to assign all of you to the area na kung saan may mga sports na dapat nating ma-documents. Due to a lack of photographers, we should help them capture all the sports." mahabang sabi nito.

Magandang mungkahi ang inihatid ni Ma'am kaya sang-ayon ako doon. Bukod sa nakakapagod maging photographer every event, malayo pa ang mga place kung saan gaganapin ang mga palaro.

Sa organization na ito lima lang kaming photographer at hindi pa masyadong active yung iba.

"Tomorrow is Teacher's Day. I would like to open this opportunity to create a plan." sabi ng class leader namin sa classroom."

Nagpaplano sila para bukas kaya nakinig na lang ako. Katabi ko si Well sa kaliwa ko at sa kanan ko naman si Duke na naglalaro ng ML.

Napagkasunduan ng buong section na mag-ambagan na lang para sa magiging surprise namin kay Ma'am Torres. Ma'am Torres is our class advicer, she is very kind and one of the  young teacher sa campus namin.

Nagising ako sa dabog ng pusa namin sa bahay. I checked my phone and it's already 6:50 in the morning. Goooshhh! I'm lateee na!

Agad akong tumayo at nagtungo na sa kubeta para maligo. Mabilis akong nakapagbihis dahil na-una na sa'kin yung mga kasamahan ko papuntang campus.

I checked my camera if full ba battery nito. Kaya dali dali na akong umalis sa bahay at pumara ng bus. Malayo ang bahay namin sa campus kaya dapat maaga ka talaga, kung di ka mal-late sa oras ma-late ka naman sa sobrang puno ng bus.

Pagdating ko sa event kung saan may nagaganap na program. Hindi ako na inform na may misa pala ngayon. Maraming studyante ang uma-attend ng misa kaya mahirap kumuha ng picture. Nakita ko si Lawrence, isa sa mga photographer ng organization ay kumukuha ng camera kaya nag umpisa na rin ako mag-document.

Pumunta ako sa harapan para kumuha ng close-up shot sa event at umupo sa bakanting monoblocs. "Hi Eli!" boses ng babae sa left side ko.

Nilingon ko ito. Nagulat ako dahil nakita ko si Ate Jessa, same school ko noong high school pero ahead siya sa'kin isang grading. "Hindi ko ini-expect na nandito ka pala. How's life?" tugon ko.

Hindi na siya sumagot dahil nagsasalita na yung pare.

Habang abala ako sa pagdo-document. Chineck ko yung picture na nakunan ko if blur ba o hindi. Nahagip ng camera ko ang isang babae na may dala dalang offering na ibibigay sa pare. Agad ko na tiningna kung nandoon pa siya kung saan ako kumuha ng litrato.

Biglang sinumpong ng katahimikan ang buong event nang makita ko siya na parang wala akong marinig na kahit anong salita dahil naka-focus ako sa kaniya. Nag-slowmo ang paligid habang naglalakad ito papalapit sa table kung saan doon nilalagay ang mga offerings.

First time ko maramdaman yung ganitong pangyayari kaya nagtaka ako bakit biglang nabuhayan ako na parang may kakaibang nangyari.

"Eli-!"

"Eli--"

Napukaw ang attention ko sa kalabit ni Jessa sa'kin. "Tinatawag ka ni Ma'am Laurista." sabi nito at sabay turo kung saan nandoon si Ma'am Laurista.

Wala namang sinabi si Ma'am bukod sa nag sign ito na kunan ng picture yung nangyayari sa event.

"Do you know her?" tanong ko kay  Jessa.

Nagtaka siya sa tinanong ko na parang nagugulohan ito. "Saan?" mausisang tanong nito.

Tinuro ko nang bahagya yung babae sa ibabaw kanina na bumaba na rin kalaonan.

Tumingin ito sa'kin na parang mang-aasar. "Si Thalia Chua, president ng student counsil dito sa campus natin. Siguro may gusto ka sa kaniya 'no?" gaya ng inaasahan ay nag-umpisa na itong mang-asar.

"I like her."

Ewan ko bakit lumabas iyan sa bibig ko. I really attracted to her but... Goshhh!

Pagkatapos ng misa ay nag-umpisa na ang program ng teacher's day. Bigayan ng award, gift, at bulaklak ang ganap sa event. Kumuha lang ako ng mga kaunting litrato sa mga reaction ng mga guro para mayroon akong i-post sa page ko.

Pag-uwi ko tintry ko na e search yung name niya sa Facebook at lumabas naman ito. In-add ko siya nagbabakasali lang na ma-accept niya.

"Eli! Akyat ka kakain na." tawag ni Rocky sa'kin. Agad naman ako na umakyat dahil kanina pa ako nagugutom sa klase.

Pagkatapos namin kumain ay agad na ako nagligpit at naligo na rin para makapagpahinga.

Nangtumunog yung phone ko at nag pop-up yung name niya. 'Thalia Leona Chura accepted your friend request'

SHUTTERED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon