CHAPTER 4

183 25 0
                                    


Nasa event ako kung saan birthday ng client ko. Gaya ng inaasahan ako ay naging photographer sa event na ito.

Habang patuloy ako sa pagkukuha ng litrato sa okasyon na ito ay may napansin ako. She is so familiar to me. Hindi ko lang masabi kung saan ko siya nakita pero familiar talaga siya sa'kin.

Nagsimula na ang 18th roses kaya nagtatayuan na yung mga lalaki na kasama doon. Still hindi ko pa rin maalis yung tingin ko sa kaniya dahil patuloy ako sa pagtukoy kung saan ko siya nakita.

"Hey! Eli, ikaw ba iyan?" boses ng lalaki na nasalikuran ko. Hindi ko agad natukoy kung sino dahil naglilitrato nga ako sa sumasayaw.

It's Erickson, one of my batch mate during senior high-school. "Hey, Kamusta kana? I didn't expect na dito pa tayo magkikita." sabi ko.

Ngumiti ito. "Kaya nga e', saka nga pala; kilala mo ba yung debut dito?" tanong ni Erickson.

"Actually, hindi. She dm me kagabi na need daw niya ng photographer sa birthday niya kaya pinaunlakan ko na." paliwanag ko rito.

"Erickson Romero!" tawang ng MC.

Nagpaalam na sa'kin si Erickson at nag-umpisa ka itong lumapit doon sa harap para maisayaw yung babae. Kinunan ko na rin ng litrato.

Binalik ko yung tingin ko doon sa babae kanina na patuloy na naging katanongan sa isip ko kung saan ko iyon nakita.

"Someone wanted to give her speech to her sister. Please welcome the sister of our debutant. Thalia Leona Chua!" magarbong boses ng MC.

Nagulat ako sa pangalan na tinawag ng MC kaya pumasok agad sa isip ko na siya nga. Siya yung babae na nasa campus. Wait, kapatid niya yung may debut?

"Congratulations on your debut, my amazing younger sister! Today marks the start of a new and exciting chapter in your life, and I couldn't be prouder of the person you've become. I am here to support you every step of the way, cheering you on and celebrating your successes. Keep reaching for the stars, sis!" Thalia said.

Muntik ko na makalimutan kumuha ng litatrato dahil natutulala talaga ako sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit pero yung kagandahan niya ay nang-aakit.

Natapos ang celebration at unti unti nang nag-aalisan yung mga tao sa event. Yung iba naman ay nagpapalitrato pa sa debutant. Kan'ya kaniyang picture na sila.

Lumabas si Thalia mula sa comfort room. Nagkatinginan kami at tila parang nalulusaw na naman ako sa tingin niya. Sa halip na lumaban ako sa tingin ay pinilit ko pa ring umiwas.

"Hey! Are you the photographer in our school, 'di ba?" tanong ni Thalia sa'kin.

Ngumiti lang ako. Natural ayaw ko magpahalatang nanginginig ako. "Hey, Ma'am Thalia. Yes po." tugon ko.

Bahagyang natawa ito sa sinabi ko. Wala namang nakakatawa sa sinabi ko pero gano'n yung reaction niya.

"Masyadong pormal naman yung 'Ma'am', Thalia na lang." sabi nito at nakipagkamay sa akin. "Wait, kumain kana ba?" kasunod na tanong nito.

Hindi ko alam ano maging mararamdaman ko pero i felt the butterfly inside my tummy! Gosshhh!

"Mauna kana Ma'am. Busog pa kasi ako." palusot ko sa kaniya pero yung totoo kanina pa ako gutom dahil pagkatapos ng klase ko ay agad na ako dumiretso rito.

Nakakahiya naman kapag sasalohan ko siya kumain. Hindi pa naman gano'n ka kapal ang mukha ko para humarap sa kaniya.

Buti hindi niya naalala na in-add ko siya kagabi. Titiklop talaga ako na wala sa lugar.

"Kumain ka, mamaya na iyang ginagawa mo tsaka tapos na naman ang okasyon kaya wala ka nang trabaho." sabi nito.

Nagdadalawang isip pa rin ako sa paunlak niya. Pero gutom na rin naman kasi ako kaya mas nakakahiya sa mga bulate sa tiyan ko kung magdusa sila.

"Huwag kang mahiya ha, kumuha ka lang nang gusto mo." sabi nito.

"Wala bang Thalia?"

"Huh?"

"I mean, wala ka bang pasok bukas, Thalia?". Muntikan na ako doon ah.

"Friday tomorrow, wala akong pasok pero babalik ako for those papers na kailangan gagawin. Ikaw ba?" abala ito sa pagpili ng pagkain.

"Meron." tipid ko na tugon.

Na-una na siya sa pumunta sa table na hindi naman kalayuan kung saan kami kumuha ng pagkain. At sumunod naman ako.

I didn't expected yung pangyayari na ito. She's very kind, maybe hindi lang sa'kin for sure sa lahat naman siguro.

"My sister told me na kumuha siya ng photographer and ikaw pala iyong sinasabi niya." sabi niya.

Tumango tango lang ako. Kaharap ko siya na siguro nasa limang pulgada lang yung layo niya sa'kin.

"How's being SC President?" tanong ko. Wala na talaga akong maiisip sa maitanong sa kaniya. Nakatingin ako sa kaniya and i really love her eyes lumalabas yung pagiging brown eyes niya lalo na kung natatamaan ng ilaw.

Tinaasan lamang niya ako ng kilay. "Sa dami dami mong itanong iyan pa talaga ha. Ayon sobrang stress sa daming ginagawa. Feel ko nga hindi ko kayang taposin yung term ko na ito." sabi niya at bahagyang natawa ito.

Goshhh! Damnnn bro! Her smile!

"Kaya mo iyan. Ginusto mo iyan kaya panindigan mo." pabiro kung sabi at mahinang natawa.

Natawa naman ito. "Wow ha! Hindi ko ito, sadyang wala lang talaga akong choice kaya pinatakbo ako." paglilinaw nito.

Nagtaka ako sa sinabi niya. "Pinatakbo? So, it means hindi mo gustong tumakbo at napilitan ka lang?" usisa kong tanong sa kaniya.

Uminon muna ito ng tubig bago nagsalita. "Siguro, pero nasanay na kasi ako. Na-e-enjoy ko naman yung position ko kaya okay lang." paliwanag niya.

"Ikaw? Anong bukod sa pagiging photographer ano pa pinagkakaabalahan mo?" usisang tanong ni Thalia sa'kin.

Bro! She's interested to me. I can't handle this kind of situation. Sasabog na ata ako.

"I am a published author, a photojournalist, sometimes i go to firing range." sabi ko.

Tumango tango lang ito. Hindi ko pansin na ubos na pala yung kinakain niya habang ako parang hindi pa bawas.

Nagligpit na yung mga staff sa loob ng event ng mga dekorasyon, bukod sa mga staff ay kami na lang pala dalawa sa table na iyon. Pumasok na kasi yung iba sa mismong bahay at doon nag sasayawan.

Na-una na rin si Thalia pumasok dahil hinahanap na ito ng Mom niya. Ako naman ay nag-umpisa na ligpitin yung mga gamit ko para makauwi na rin.

Habang nagliligpit ako ay biglang tumunog yung phone ko.

Thalia Leona Chua sent a message.

Agad ko naman itong binuksan.

FROM THALIA:
"Ayaw mo bang sumabay sa'min?"

TO THALIA:
"Gustohin ko mang sumabay pero kailangan ko na umuwi e'h. Maaga pa kasi ako bukas. Enjoy Thalia 🫶🏼"

Tinapos ko na ang magligpit ng gamit at nagpaalam sa parents nila Thalia para makaalis na ngunit wala si Thalia doon.

Bakit ko ba kasi hinahanap si Thalia?!

Lumabas na ako ng event. At biglang nag pop-up sa homescreen ko yung name niya.

Thalia Leona Chua sent a message.
"Ingat, Mr. Photographer."

SHUTTERED HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon