Anibersaryo

17 0 0
                                    

5/7/19 23:50

alas onse na
ngunit ikaw pa rin ang nasa isip sinta
hindi mapakali dahil gusto na kitang muling makita
pabilis nang pabilis ang tibok ng puso
sa pag-iisip na bukas, ngiti mo na naman ang muling masisilayan ko
ang mga ngiting nagbigay sa akin ng pag-asa
pag-asa para sa buhay kong patapon na

ikaw;
ikaw ang nagsilbing liwanag sa mga gabing madilim
ikaw;
ikaw at ang yakap mo ang nagsilbing kumot ko sa gabing malamig
ikaw;
ikaw ang nagsilbi lakas ko sa mga panahong ayoko na
ikaw;
tanging ikaw, ikaw lang ang nakaintindi sa mga panahong lugmok ako
tanging ikaw ang nasa aking tabi sa mga panahong durog na durog ako

kaso huli na pala nating pagkikita ang araw na iyon
iyon na pala ang huling pagkakataon
iyon na pala ang huling pagkakataon nasa akin ka pa
iyon na pala ang huling sandaling ang mga ngiti mo'y masisilayan ko pa
iyon na pala ang huli...
dahil kinuha ka niya sa akin

anibersaryo
nandun ako sa lugar kung saan ang ating mga puso'y unang nagtagpo
ilang taon na nga ba ang dumaan?
isa?
dalawa?
baka tatlo? o lima?
lima...
limang taon na pala magmula nang ika'y mawala
limang taon na pala magmula nang ang puso ko'y iwan mong nag-iisa
limang taon na ang nakalipas ngunit ikaw pa rin ang nag-iisang laman,
laman ng puso kong tanging pangalan mo lang ang alam

aksidente,
yun ang kumuha sa akin sa'yo
sa mismong araw ng ating anibersayo
habang patungo ka sa lugar kung nasaan ako
sa lugar kung saan una tayong nagtagpo
masakit pa pero makakaya pa
masakit pa pero yun ang katotohanan--
ang wala ka na
mahal, mahal na mahal kita
pangako mag-iingat ako
at katulad ng huling habilin mo
magiging masaya ako
para sa'yo
at para sa supling na iniwan mo

~~

This is inspired by December Avenue's song: Huling Sandali.

Manunula(t)Where stories live. Discover now