08/27/16 00:14
Madaling araw na ngunit gising ka pa
Madaling araw na ngunit iniisip mo pa rin siya
Madaling araw na ngunit mulat na mulat pa rin ang iyong mga mata kaiisip kung kumusta na siya
Madaling araw na ngunit hindi mo magawang magpahinga, dahil mas inaalala mo ang kalagayan niyaHanggang kailan ko iisipin ang taong matagal ka nang kinalimutan?
Hanggang kailan mo pag-aaksayahan ng oras ang taong kailanma'y hindi ka nagawang pahalagahan?
Hanggang kailan mo balak saktan ang sarili mo kaiisip —
Kaiisip kung gaano siya kasaya mula nang nawala ka sa buhay niyaHanggang kailan?
Hanggang kailan mo iindahin ang sakit?
Hanggang kailan mo titiisin ang hapdi at pait?
Hanggang kailan mo paniniwalain ang sarili mo sa bagay na hindi naman totoo?
Hanggang kailan mo ipagpipilitan ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto?Hanggang kailan?
YOU ARE READING
Manunula(t)
LosoweIsa akong Self-proclaimed na Writer at Poet. Ay lahat ng naririto ay mga tulang ako mismo ang nagsulat. Hindi man kasing galing ng ibang manunulat, pero patuloy akong natututo at pinagyayaman pa ang talentong ito. ♡