Enjoy reading!😊
Nakaupo ako sa isang bench sa park. Umiinom ng alak, Nang bigla na lang akong nilapitan ng matandang babae. Marungis pananamit nito at mayroon rin itong tungkod na kahoy.
"Lola! wala akong barya pasensya na, Sa iba na lang kayo mamalimos," anya ko.
"Iho! Hindi ko kailangan ng barya dahil hindi naman ako namamalimos. May nais lang sana akong ipabatid sayo." Nagulat naman ako nang bigla kinuha nya ang kamay ko at tila masuring pinagmasdan ang aking mga palad. Pagkatapos, nakangiti itong tumitig sa'kin. Agad ko rin namang binawi ang kamay ko sa kanya. Dahil bigla akong nakaramdam ng kaba sa ginawa nya.
"Anu ba yon?," bulyaw ko.
"Iho! May isang babaeng makapagpapabago sa lahat ng pananaw mo sa buhay at makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo akalain na magagawa mo. Nang dahil sa labis na pagmamahal mo sa kanya," anya ng matandang babae. Na tila siguradong sigurado ito sa kanyang mga sinasabi.
"Ho!? Anung pinagsasabi mo dyan?! Kalokohan! Alam mo kahit kailan hinding hindi yan mangyayari!," bulyaw kong mulu rito.
Alam kona yan mga padali yung yan! Mga budo budol kayo. Hindi nyo ako mauuto.
Lumagok muli ako ng alak. Napansin ko naman na hindi parin sya umalis.
"Pwede ba! Umalis kana sa harapan ko! Alam kona yang mga strategy nyong mga budol budol kayo. Iba na lang ang budolin nyo dahil ako wala akong pera, Alak gusto mo?!" Nagtaka naman ako ng nginitian nya lang ako.
"Oh! Ano pang ngini ngiti ngiti mo dyan! ALIS!" Tinitigan ko pa sya ng masama.
"Iho! Nararamdaman ko malapit muna syang makilala at malapit narin magbago ang takbo ng buhay mo," muling nitong sambit.
Medyo nakaramdam naman ng kaba sa sinambit nya. Hindi ko alam kung bakit basta bigla lang bumilis ang tibok ng puso ko.
"PWEDE BA! WALA AKONG PAKIALAM SA SINASABI MO! KAYA ALIS!!!" sinigawan ko syang muli at wala akong pakialam kahit pagtingian ako ng mga tao. Magmukha man akong masama sa mga mata nila, wala akong pakialam!.
Sa sobrang inis ko sa kanya, Hindi ko sinasadyang naitulak sya, kaya natumba ito. Nagulat rin ako sa nagawa ko. Sa gulat ko, sa halip na tulungan ko syang makatayo ay natitigan ko lamang sya. Habang hirap na hirap naman itong tumatayo. Dahil siguro sa mahina na ang mga tuhod nito. Maya maya napagtanto naman kong tulungan na itong makatayo. Ilalahad na kona sana ang kamay ko sa matanda. Nang biglang may sumuntok sa'kin. Halos mawalan ako ng balanse sa lakas ng impact ng suntok nito. Napadura naman ako nang masalasahan ko ang dugong dumaloy mula sa labi ko.
"Aaaaw!... Sinu kabang babae ka?!" Bulyaw ko sa babaeng nasa harapan ko. Oo, babae ang sumuntok saakin, pero parang hindi sya babae sa lakas ng suntok nya. Ngunit hindi nya ako pinansin. Bagkus tinulungan nya muna yung matanda na makatayo.
"Lola, okay lang ba kayo?" Nag aalalang nitong tanong sa matanda.
"A-ayus lang ako iha!" nakangiting tugon ng matanda. Inalalayan nya itong at pinaupo.
"Hoy! Sinu kabang babae ka ahh... bakit mo ako sinuntok?" Bulyaw kong muli. Hindi nya parin ako pinapansin kaya sa inis ko. Hinawakan ko sya sa kanang balikat nya at pwersahang iniharap ko sya sa'kin. Ngunit mabilis naman nyang napilipit ang kamay ko at inilagay sa likod ko. Kaya hindi na ako makagalaw.
"Hayst! Anu bang klaseng babae toh? Babae ba talaga ito?"
"Anu bang problema mo? Bakit mo yun ginawa sa matanda Ha?!" Bulyaw nya sa'kin.
"A-anu bang pakialam mo?! Kaano ano mo ba sya?! At pwede ba bitawan mo nga ako," sigaw ko sa kanya. Hindi parin ako makagalaw dahil hindi nya parin ako binibitawan. Maya maya naman binitawan narin naman nya ako. Pagkatapos, Sinipa pa nya ako sa pwet ko. Naout of balance naman ako at natumba ako.
"Kahit hindi ko sya kaano ano may karapatan parin akong ipagtanggol sya sa katulad mong malaking halimaw!" bulyaw nito ulit sa'kin.
"Budol budol kasi yang matandang yan. Kaya tama lang ang ginawa ko sa kanya," sigaw ko sa kanya. Habang dahan dahan naman akong tumatayo.
"Pasalamat ka hindi lang kita pinapatulan dyan," singhal ko.
"Tss! Sige nga! Kung matapang ka talaga patulan mo'ko!" sigaw nya saakin. Pinagkakaguluhan na kami ng mga tao, Pero wala akong pakialam.
"Oh! Anung problema rito?" anya ng pulis na lumapit saamin.
Nagulat naman ako ng makita ko sya ang mukha ng pulis na ito.
"Oh! Ikaw na naman!" bulyaw sa'kin ng pulis.
Hayst! Bw*st! Nalintikan na! Anung gagawin mo ngayon Estone?" anya ko sa aking sarili.
Oo, kilala ko sya. Kanina lang kasi hinabol nya ako dahil napatrouble kasi ako sa isang food court kanina. Hindi ako ang nagsimula ng gulo pero ako ang sinisisi nila. Kaya tumawag sila ng pulis at pinapahuli ako. Sa totoo lang, hindi lang ngayon ito nangyari. Madalas itong mangyari pero nalulusutan ko naman. Ewan ko lang ngayon kung malulusutan ko ang isang toh.
"Hayst! Hindi nya akong pwedeng mahuli. Ayaw kong makulong" anya ko sa'king sarili.
Nginitian ko muna yung pulis. Pagkatapos, Dahan dahan akong umatras at saka ako kumaripas tumakbo. Hinabol rin naman ako ng pulis na tabatchoy na yun. Hehe... Mananalo ba sya sa'kin eh... pambato kaya ako sa track and field nung nag aaral pa ako.
"Hoy! Halimaw bumalik ka dito!" sigaw sa'kin ni amazona.
Nang malayo layo na ako sa pulis na tabatchoy na yun. Lumiko ako sa isang maliit na eskinita nagtago naman ako. Nakita ko naman na lumapas na sya. Hehe... ang galing ko talagang man ligaw ng baboy ramo.
Hayst! Bw*st! yung amazona na yun. May araw rin yun sa'kin.
Note: Thanks for reading! Don't forget to vote and comment.😊
BINABASA MO ANG
THE COLORS OF LIFE
Teen FictionIsang lalaking tarantado, gago, makasarili at walang pakialam sa mundo. Magbabago dahil sa kakaibang babaeng kanyang makikilala. "KALABISAN BA KUNG HIHILINGIN KONG BALIKAN NYA AKO? MAHAL NA MAHAL KO SYA, HINDI KONA KAYANG MABUHAY NG WALA SYA" Estone...