Jhessa(POV)
Mag isa lang ako ngayon. Si Jenny naman umalis at inutusan kasi sya ng manager naming masungit. Kaya mag isa lang ako ngayon na nagpupunas punas ng mga lamesa. Wala pa naman kasing masyadong costomer. Maya maya, lumapit saakin si Mara. Kasamahan namin sya sa trabaho. Mabait rin naman sya. May pagkachismosa lang at madaldal rin parang si Jenny.
"Uyy! Jhessa! Alam mo bang may bagong boss na raw ulit tayo," anya ito.
"Ha? Sino raw? Bakit?" tanung ko.
"Anak raw yun ni Mr. Thomson yung may ari nitong restaurant. Si Mr. Thomson kasi nagbakasyon muna sa ibang bansa. Alam muna magrerelax relax muna. Kaya mga anak muna raw nya ang mag aasikaso nitong buisness nya. At may sabi sabi na istrikto raw yun at matapang. Sabi naman raw dalawa raw silang magmamanage nitong restaurant. Ewan ko lang kung anung ugali nung isa wala pa akong balita e. Naku po! Nakakatakot," saad nito.
"Ano? May bago na tayong boss?" Bigla naman sumingit sa usapan namin si Jenny. Nakabalik na pala sya.
"Oo, sabi nga raw, masungit raw yung isa, Ewan ko lang yung isa," anya ni Mara.
"Hayy... sana naman hindi totoo yung sabi sabi. At sana parehas silang mabait," napabuntong hinanga na lang ako.
"Sana nga!" sila Mara at Jenny.
"Hoy! Kayong lahat magsibalik na nga kayo sa trabaho nyo. Puro kayo Chismisan ng chismisan dyan. Ayun ohh! May bagong dating na costomer. Asikasuhin nyo na agad. Bilis!" Utos naman sa'min ng masungit naming manager na si sir Dominic.
Napakasungit talaga kahit kailan. Simula ng dumating kami dito ni Jenny. Ni isang beses hindi ko pa sya nakitang ngumiti. Gwapo pa naman sana. Sayang! Masungit lang. Nagsibalikan na kami sa trabaho namin.
*After a few hours*
Nag aayus na kami pauwi. Maya maya, paalis na sana kami. Biglang naman nag anounce si Sir Dominic.
"Guys! Wala munang uuwi at makinig muna kayo sa sasabihin ko," anya ni Sir Dominic. Kaya nagsitigil kami at nakinig muna.
"May ipapakilala ako sa inyo. Sya si Estone Skyller Thomson. Anak sya ni Mr. Rodrigo Thomson. At sya na ang bago nating boss," anya nito. Umalingaw ngaw ang bulungan sa buong paligid. Kesyo ang pogi raw, matakad, matipuno, maputi, mukha nga lang raw masungit dahil hindi manlang ito bumati o ngumiti manlang nung ipakilala sya ni sir Dominic. Hayst! Ewan ko sa kanila. Hindi ko naman kasi makita. Nasa bandang likuran kasi kami ni Jenny kaya hindi namin ito makita.
"Tara, Jhessa, dun tayo sa unahan, curious ako sa lalaking yun e.." hinila naman ako ni Jenny sa may bandang unahan.
"Anu ba Jenny!, Akala mo naman may artista kung makahila ka saakin eh!" sigaw ko kay Jenny.
Hindi ko naman batid na napalakas pala ang sigaw ko.
Halos makaladkad kasi ako sa paghila nya saakin. Natanggal tuloy yung sintas ng sapatos ko, Kaya inayos ko muna. Maya maya, nagtaka naman ako, dahil parang nagsitahimakan ang lahat. Pagkatapos kong ayusin yung sintas ng sapatos ko tumayo na ako. Pagkatapos, Inilibot ko ang paningin ko sa buong paligid. Sa hindi inaasan nasa pinaka unahan pala ako at napapalibutan ako ng lahat.Hayst! Nakakahiya lahat sila nakatingin saakin.
Kaya patungo na lang ako ng bahagya. Dahan dahan kong inihakbang ang paa ko patalikod, para mapunta ako sa tabi. Patuloy lang ang paghakbang ko ng biglang...
"Ayy! Kalabaw aso unggoy!...."
May natungtungan kasi ako.Dahilan ito para mawalan ako ng balanse. Tuluyan na sana akong mahuhulog sa sahig ng may biglang kamay na humawak sa bewang ko at sinalo ng braso nito ang likod ko, Pero nawalan rin ito ng balanse, kaya napapikit na lang ako. Pareho kaming bumagsak sa sahig. Nasa ilalim sya, habang ako naman nasa ibabaw nya. Dahan dahan kong iminulat ang mata ko. Pagmulat ko ng mga mata ko, Isang pamilyar na mukha ang bumungad saakin. Kaya napabalikwas agad ako sa pagkakadagan ko sa kanya. Nakita ko rin naman na mabilis rin syang tumayo.
BINABASA MO ANG
THE COLORS OF LIFE
Genç KurguIsang lalaking tarantado, gago, makasarili at walang pakialam sa mundo. Magbabago dahil sa kakaibang babaeng kanyang makikilala. "KALABISAN BA KUNG HIHILINGIN KONG BALIKAN NYA AKO? MAHAL NA MAHAL KO SYA, HINDI KONA KAYANG MABUHAY NG WALA SYA" Estone...