Kabanata 4

30 0 1
                                        

Jhessa(POV)

Hanggang ngayon iniisip parin yung nangyari kanina. Hindi ako makatulog kakaisip kung saan ulit kami maghahanap ng trabaho ni Jenny. Dahil panigurado tinanggal na kami ng halimaw na yun.

"Jhess! Gising kapa ba?." Hindi rin siguro sya makatulog. Double deck ang higaan namin ni Jenny. Ako sa baba sya sa taas. Sinilip naman nya ako.

"Mmm... Bakit?" Anya ko.

"Jhess, anu nang gagawin natin? Babalik pa ba tayo dun? Uuwi na ba tayo ulit sa probinsya?," anya ni Jenny.

"Hindi! Hindi na tayo babalik dun, pero hindi parin tayo uuwi sa probinsya. Subukan na lang muna ulit nating maghanap ng bagong trabaho. And then, kapag wala na talaga tayong mahanap, saka na lang tayo umuwi," anya ko.

"Sige, Sa totoo lang, kailangan ko talaga ng pera ngayon. Tumawag sa'kin kanina si nanay. Sinugod raw nila kanina si Maxine sa Hospital." May bahid nang lungkot at pag aalala sa boses nya. Bunsong kapatid nya si Maxine.

"Bakit anung nangyari kay Maxine?" Napabangon ako sa pagkakahiga ko. Nakita ko naman na may luhang pumatak sa mga mata ni Jenny. Pinahiran nya naman agad ito.

"Okay ka lang ba Jen?" Nag aalala kong tanung rito.

"O-okay lang ako. Nag aalala lang ako sa kalagayan ngayon ni Maxine. Simula kasi nung tumawag kanina si nanay, hanggang ngayon wala parin ako balita sa kanila," anya nito. Habang patuloy parin ang pagbuhos ng mga luha nya. Mahal na mahal nya kasi talaga ang pamilya nya. Kaya nga sya nagtrabaho dito, para sa kanila. Malapit rin kasi sa kanya si Maxine. 4 years old pa lang si Maxine. Umiiyak nga ito nung paalis na kami ni Jenny, kasi nga nahabol ito sa kanya.

(Flash back)

"Che! san... ka punta?" Medyo bulol pa itong magsalita kasi nga 4 years old palang ito. Ibinaba naman ni Jenny ang dala nyang bagahe. Umupo sya para mapantayan nya ang taas ng kapatid nya.

"May pupuntahan lang si ate ha? Para may pangbili kana nang maraming pagkain at mga bagong damit," anya ni Jenny. Bakas sa mukha nito ang lungkot. At halatang pinipigilan nya lang umiyak.

"Che! S-sama ako," Gusto nitong sumama. Naiyak na ito dahil nararamdaman na yata nyang paalis na si Jenny.

"Pero... Max, hindi ka pwedeng sumama dun. Bawal ang bata dun. Tinuturukan sa sa pwet ang mga bata dun. Gusto mo bang maturukan sa pwet?" Umiling naman ito. Pero patuloy parin ito sa pag iyak.

"Max!... halika kana. Kailangan nang umalis ng ate mo," anya ng nanay ni Jenny, pero ayaw ni Max. Niyapos pa nito si Jenny. Tila nagmamakaawang isama sya. Naiiyak narin si Jenny. Pinilit naman kalungin ng nanay nila si Maxine. Ayaw pa nga nitong bumitaw sa pagkakahawak nya kay Jenny. Pero wala narin itong nagawa. Iyak ito ng iyak at nagpupumiglas, kaya nahihirapan sa pagkalong dito ang nanay ni Jenny.

"Anak, mag iingat ka dun ha?" Anya ng tatay ni Jenny.

"Opo, tay," niyapos nya ang tatay nya.

"Sige na, umalis kana kayo. Baka tanghaliin pa kayo sa byahe nyo," anya ng nanay ni Jenny.

"Sige po! Tita, tito. Ako na po ang bahala kay Jenny. Kila tita Mildred naman po kami tutuloy eh. Mabait naman po yun," anya ko sa nanay at tatay ni Jenny.

"Sige, salamat ha? Ikaw na bahala dyan. Medyo matigas lang ang ulo nyan, pero mabait at masipag naman yan," anya ng nanay ni Jenny. Kaya medyo napangiti ako nang bahagya.

"Nay, naman... wala naman pong taong malambot ang ulo e.." anya ni Jenny. Naiiyak ito habang natatawa.

"Sige po, nay, tay," nagpaalam na si Jenny. Hinalikan nya muna sa noo si Maxine bago kami tuluyang umalis.

"Bye! Maxine," anya ko, pero patuloy parin ito sa pag iyak.

"Sige! anak, Basta! Tumawag kayo kapag nakarating na kayo dun ha? Ingat sa byahe" anya ng nanay ni Jenny. Naluluha rin ang nanay ni Jenny.

"Sige po! Nay," anya ni Jenny.

Sumakay na kami ng tricycle papunta sa sakayan ng jeep.

*End of Flash back*

"H'wag kanang masyadong mag isip dyan. Magiging okay rin si Maxine" anya ko. Kinuha ko naman yung konting naipon ko sa ilalim ng unan ko.

"Oh! Tanggapin mo ito. H'wag kang tatanggi ha?" Iniabot ko sa kanya yung konting naitabi ko mula sa sweldo ko. Hindi ko naman kasi ipinapaladala lahat kay nanay. Nagtitira ako ng konting panggastos ko sa sarili ko. Yun rin kasi ang bilin sa'kin ni nanay.

"Uyy! Bruha! Anu kaba h'wag na. Sayo yan," Ayaw parin nya tanggapin yung ibinibigay ko sa kanya.

"Hindi! Isa! Please!... tanggapin muna. Nag iinarte ka pa dyan. Anu kaba? Anu mo ba ako? Hindi ba kaibigan mo'ko? So kung kaibigan talaga ang turing mo sa'kin tatanggapin mo ito," Para lang tanggapin nya yung binibigay ko.

"Walang hiya ka talagang bruha ka! Yung friendship pa talaga natin ang ipinagsangkalan mo ahh... Ay! Sya! Sige na, tatanggapin kona yan, pero hindi yan bigay ha? Utang ko yan sayo," kinuha na nya yung ibinibigay ko sa kanya.

"H'wag munang bayaran. Bigay kona yan sayo. Hindi yan para sayo para yan kay maxine. Alam ko kasi naman na kapag ako naman ang nangailangan ng tulong tutulungan mo rin ako e.." Anya ko.

"Salamat! Talaga... Jhes, kung wala ka. Hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa'kin ngayon," anya nito.

"Hayst! Ang drama mo naman. Sige na, Matulog na tayo at bukas maaga tayong gigising. Maghahanap pa tayo ng bago nating trabaho." Pagkatapos natulog na kami ni Jenny. Nakaramdam narin kasi ako ng antok.

Note: Thanks for reading! Don't forget to vote and comment.😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

THE COLORS OF LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon