Seduce 1

559 0 0
                                    

Chapter 1

JFM

"Jen kakain na!" sigaw ni nanay na nasa kusina.

Anong akala niyo sa baba? Wala kaming baba mahirap lang kami, nakatira lang kami sa isang maliit na apartment ni nanay sampong taong gulang ako simula nung umalis ang tatay ko papunta sa ibang bansa nang walang pasabi.

Naging stress si nanay nun at hindi kumain laging kulong sa kanyang kwarto umiiyak, Hindi ko pa alam ang gagawin ko nung mga oras na nun dahil bata pa ako lagi ko siyang kinakatok sa kanyang kwarto upang kumain ngunit ayaw niya talagang lumabas.

Mayaman kami dati nung nandito si papa kinuha nga lang nang bangko ang aming tirahan nung hindi na talaga bumalik si papa umalis na rin ang mga katulong dahil wala nang nag s-sweldo, hanggang sa pinaalis na kami sa dati naming bahay.

Ano bayan nauna pa ang pag kwento ko sa buhay ko ako nga pala si Jane Francine Montecillio kilala bilang Jen pwedeng Jane.

"JANE KAKAIN NA ANO BA!" Sigaw ni mama sa baba napahaba ata ang kwento ko sainyo.

"Andiyan na po ma!" Sigaw ko naman.

Lumabas na ko nang kwarto at dumiretso na sa hapag kainan.

"Kamusta pag aaral mo anak?" Tanong ni mama sa kabila nang katahimikan.

"Okay naman ma..." Sagot ko.

"Mabuti naman pasensya ka na kung ganito na ang buhay natin ngayon wag mong papabayaan scholarship—-" agad ko namang pinutol ang sasabihin ni mama.

"Ano ka ba ma? Okay lang yun wag kang mag alala sanay na ko at opo hindi ko po papabayaan."

Agad naman ngumiti si mama.

"Sobrang swerte ko talaga sayo an—-" agad naputol ang sasabihin ni mama ng bigla siyang nahimatay.

"Ma!" agad ko namang inalalayan si mama.

"Ma." Tinatapik ko ang kanyang mukha. Nang hindi ko talaga magising si mama ay lumabas ako at humingi ng tulong sa aming mga kapit bahay.

"Mga kapit bahay tulungan niyo po ako ang mama ko!" Sigaw ko. Agad namang lumapit si aling nena.

"Anong nang yari sayong mama iha? " nagpapanik na tugon nito.

"Nahimatay po siya tita."

"Pedring! Ang iyong tricycle bilis!"Sigaw nito sa kanyang asawa na kakalabas lang galing sa kanilang bahay.

Agad naman nitong pinaandar ang kanyang tricycle.

"Pedring kunin mo si Vivian sa loob bilis!" utos ni aling nena.

"Maraming maraming salamat po aling nena tatanawin ko po itong utang na loob maraming salamat po talaga." Sabi ko habang hawak hawak ang kamay ni aling nena.

"Walang ano man hala sige larga na!"

Sumakay na ako nang tricycle at umalis na kami.

Seduce me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon