UNSPOKEN FEELING NO.7: PAMILYANG DUKHA

229 85 23
                                    

Ako'y nagmula sa mahirap na pamilya
Na ang tanging pagkain lamang ay ang panis na ulam na napulot ng aking ama
Araw-araw kaming palakad-lakad at nanghihingi sa may kalsada
Upang may magkalaman naman ang aming tiyang gutom na gutom na.

Ang aming bahay ay gawa lamang sa sako
Na nilagyan ng dingding na gawa lamang sa yero
Kahit ang aming bahay ay hindi pang ordinaryo
Ngunit ito'y itinuturing namin na isang palasyo.

Kahit saang sulok ay aming tatahakin
Kahit na anong trabaho ay papasukan namin
Kahit mamulot lang ng basura ay kakayanin
Kahit pagtawanan man kami ng mga mayayamanin.

Kahit isang sentimos ay pinagkakasya
Kahit walang ulam,kung may asin lang ay sapat na
Magkalaman lang ang aming sikmura
Ay hindi na maghahanap ng mas isasarap pa.

Paa namin ay nasa hukay
Buhay nga pero mukhang patay
Dahil sa aming pamumuhat kami ay naging alalay
Sa mga may masaganang pamilya kami lamang ay kumakaway.

Natutulog minsan na walang laman ang sikmura
Tubig lang maibsan lang ang pagdurusa
May panahong kami ay nababalisa
Yan ang buhay naming mga dukha.

Sa mundo kami ay pinagkaitan
Sa mga tao kami lamang ay nararapat lang na tapak-tapakan
Pilit na ibinabaon hanggang hindi makabangon mula sa putikan
Hindi talaga pwedeng manatili sa palasyo ang mga dukha kahit kailan.

Sadyang pinaglaruan kami ng tadhana
Dahil kami ay palaging talo sa pananaw ng ating bansa
Bali baliktarin man ang mundo'y kami pa rin ang nasa ibaba
Dahil isa lamang kaming hamak na dukha.

HEL —

A Writer's Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon