UNSPOKEN FEELING NO.26: MARUPOK

103 31 16
                                    

Marupok, marami ang tumatawag sa kanya ng ganyan
Kahit ang lalaking minsan nang bumiyak sa kanyang puso ay kanya pa ring pinagbibigyan
Nang dahil sa kagagawan ng pag ibig, pagmamahal niyay kanya pa ring ipinaglalaban
Kahit na ang kapalit nito'y ang pagkadurog muli ng kanyang puso dahil sa lalaking labis niyang kinababaliwan.

Siya'y kasing rupok ng kahoy sa may lumang bahay
Isang ngiti lang ng kanyang iniibig, puso niya'y kumakaway
Walang sinasayang na minuto makatitig lang kahit na tumulo man ang kanyang laway
Hindi niya alam na ginagamit lang nito ang kanyang itsura para saktan siya nang walang kamalay-malay.

Ang gusto niya lang ay ang magmahal
Kahit na ang tingin ng ibang tao sa kanya'y isang tanga at napakahangal
Kahit alam niyang masasaktan lang siya ay pilit pa rin siyang sumusugal
Iaalay niya nang buong buo ang kanyang puso sa lalaking kanyang labis niyang minamahal.

Tanong ng mga tao sa kanya'y bakit siya nagiging marupok
Sagot niya'y kahit na anong bagay man sa kanyang ulo ang ipupukpok
Ay hindi na niya maaalis sa kanyang puso't isipan ang tingin ng kanyang iniibig ay sa kanya lang nakatutok
Ay may biglaang nasamid na isang di pangkaraniwang damdamin na aniyay yoon palang niya naramdaman na sa katawan niya ay pumasok.

Hindi niya intensyon na maging baliw sa pag ibig
Dahil ang puso lang niya ang siyang nagtulak na iyon ang sasabin ng kanyang malikot na bibig
Kaya sa araw araw ng kanyang pag gising ay yoon lang kanyang naging hilig
Na kahit makasulyap lang siya sa kanyang iniibig ay maranasan man lang niyang makaramdam ng kilig.

Oo nga't naging marupok siya
Ngunit hindi iyong sapat na rason na siya ay husgahan pa
Dahil ang babaeng siyang tinutukoy nitong tula
Ay ako mismo na minsan nang naging marupok sa taong kailanman ay hindi ko naangkin at nakuha.

- HEL -

A Writer's Unspoken FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon