1.

37 3 0
                                    

Hallie POV

Hayysss! Nakakapagooddd! Patapos nako sa trabaho, at gusto ko ng umuwi agad. Eh ang kaso mukang mallate pako ng uwi neto.

Tinapos ko lahat ng kailangan kong tapusin dahil closing shift ako ngayon. Mas bet ko din namang mag closing shift kesa opening, bangag ako sa umaga eh. At hindi enjoy mag trabaho sa umaga. Pangit pa ng mga customers, mga "karen" kung tawagin nila.

"Tapos kana ba?" napalingon naman ako. Si ricky, kakataas lang dito sa office.

'Isa ding atat umuwe!'

"Oo, ito nalang isang papel. Tas baba na ako pagkatapos." sagot ko.

'Tss. Hindi makaantay naman to, napaka aga pa naman. 9:30 ang tapos naming pareho, at 9:10 palang.'

Natapos kong iprint lahat ng paperworks, nilagay ko na siya sa drawer at saka ako nagbihis para maka baba nako. Medyo natagalan ako sa pag pprint dahil sa printer na bulok na to, na kulang maging kaedad na ni Queen Elizabeth. Pwede naman kasi silang bumili ng bago pero dahil cheap ang may-ari, tag tipid ang peg niya. Tss.

d-____-b

Sinarado ko ang pinto, na kung tutuusin pwede namang gibain kasi kahoy lang naman to hindi naman screen door o ano mang door na inaakala niyo. Nilagay ko ang susi sa ikalawang kaha saka nagpaalam sakanya.

Si Ricky nga pala ang manager sa grocery department dito, closing shift kaming pareho ngayon actually parang parati naman.  Dito kami sa Super Smart Supermarket nagtratrabaho, pero hindi ko siya kaano ano ah. Nakilala ko lang siya dito.

Napakadaldal nyan, kung ano ano sinasabi. Minsan nga lalapit nalang yan kahit di mo naman kinakausap. Kakausapin ka ng wala sa topic o kaya naman para mag reklamo tungkol sa mga customers namin o kaya about sa politics na wala naman akong pake. Kadalasan pinapabayaan ko lang siyang magsalita lalo pag wala ako sa mood sumagot sa tanong o reklamo niya. Yung tipong I always listen nalang kasi non-stop bunganga nyan pag sinabayan ko pa eh. Halos araw araw ba naman kaming magkasabay na nagsasara ng tindahan kaya sanayan nalang yan.

At ito ako ngayon naglalakad papunta sa hintayan ng bus. Hays! Same old shit! Ang ganda talaga mabuhay.

'Napakatagal naman ng bus, lakarin ko nalang kaya?'

Tanginang bus naman kasi sa area na to, halos 30 minutes kada bus. Bwisit, daig pa pa-vip sa mga concert kung napakapag antay tong mga bus na to. Habang naglalakad, napansin kong madaming tao ngayon hindi naman sabado at linggo. May mga nag j-jogging, walking o pasimpleng tambay lang.

Mukhang nagsawa na siguro tong mga taong to sa mga lungga nila. Hahahaha! Kung makalabas sila akala mo nabilanggo sila ng ilang linggo.

Brrrrrt!!!Brrrrrt!!!Brrrrrt!!!

Roe calling!!
d-___-b

Matic na napataas ang kilay ko, sa dami naman kasi ng pwedeng tumawag, ito pang kutong lupa na to. Bakit naman tumatawag ito ngayon?

"Oh?"

"Antaray ng hello!" sagot niya.

'Tss. As if di kapa nasanay'

"Ano nga?" tanong kong muli.

"Nom-nom mamayang 10 dito sa bahay." sabi niya.

Perfect timing talaga to. Alam na alam kung sino ang aayain.

"Pass ako." sagot ko tyaka naman siya gumawa ng nakaiiritang ingay sa kabila. Lintik, sakit sa tenga. May lahi ata tong taga mental eh.

The Girl He Left BehindTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon