BRRRRTT!!! BRRRRT!!!
Nagising akong may naririnig na parang nakukuryenteng ingay.
'Tss.'
Aga aga eh. Nasaan ba si ate? Wala pa ba siya? Ano ba naman yann. Pag dilat ko ng mata ko, ansakit ng katawan ko. Andito pala ako sa sala nakatulog, tangina. Para akong nakipaglaban ng karate sa sakit ng katawan ko
d-____-b
No choice. Tumayo na ako para tignan ko kung saan ba nanggaling ang vibration na yun na yun na sumira ng walang hiyang tulog ko.
'Peste! Sino ba tong tumatawag na to.'
Roe Calling!
67 Missed Calls.
dO___Ob
Huh?!! Bat andami missed class ng isang to? Ano bang meron. Gabi na pala, alas nyeube na. Napahaba ata tulog ko, sabi ko kanina isang oras lang eh. Naging tatlong oras na.
"Oh?" sabi ko, pagkasagot ko sa tawag niya.
"ANO BA LYI KANINA PAKO AKO DITO ANO BA NAMAN YAN—-
Anak ng! Halos matakpan at mailayo ko ang cellphone ko, sa ingay at lakas ng boses niya. Aray! Tangina naman eh. Sumigaw kana sa party wag lang sa taong kagigising dahil baka pasabugin ko bunganga mo ng wala sa oras.
'Peste naman to!'
d-____-b
"Tss. Ano nga?" naiiritang tanong ko hamay hinihimas ang tenga kong muntik ng pumutok sa ingay niya.
"Andito ako sa harap ng condo niyooo!!! Ilang oras nakong anditooo!! Jusko marimar naman!!" Mahahalata mo sa boses niyang galit na galit na siya at iritang irita, saka ko naalalang sinabihan ko nga pala siyang sunduin ako dito sa bahay. Napaka tanga pero sadyang nakalimutan ko din at natulog. HAHAHAHAHAHA! Panigurado umuusok na ang tenga netong kupal na to.
"Sige palabas na." sabi ko tyaka pinatay ang tawag. Umakyat muna ako sa taas upang magpalit at pumasok sa banyo upang maghilamos. Tangina eh, wala pa akong hugas hugas, kadire namang lumabas ng ganon.
Binuksan ko cabinet ko, saka nagtingin ng masusuot. Wala naman ibang andito kundi t-shirt at pantalon o kaya shorts na hanggang sa tuhod. Tibo na kung tibo pero di ko trip ang mga showy na damit.
Binilisan ko na magbilis dahil baka inaamag na ang babaeng yun. "Oh ano?" bungad ko sakanya ng nasa baba nako sa main lobby at nakita siyang nag aantay habang naka busangot at bagot na bagot.
"Bwisit ka! Muntik na akong anayin sa bilis mo!! Halika kana." nangigil na sabi niya saka tumalikod, rinig na rinig ang takong niyang kulang nalang maging tunog ng paa ng kabayo sa kakataktak.
"San ba tayo pupunta?" kako.
"Basta. Wag kana matanong. Pucha!" sabi niya at tinulak ako sa kabilang parte ng kotse niya saka siya sumakay para mag maneho. Natawa naman ako, ang lutong mag mura ah. Isang beses lang naman to mairita eh, kadalasan kasi ako eh.
Pero maganda rin na maranasan niya para naman alam niya.
Habang nasa byahe kami, walang umiimik. Tanging naririnig lang namin ang hangin na sumasagupa at mga huni ng mga sasakyan.
San ba kami pupunta? Parang siraulo kasi, hindi pa sabihin. Ano nanaman bang naisip nitong trip ngayon.
Alas nyuebe ng gabi oh, andito kami sa daan nag d-driving lesson, charot!
BINABASA MO ANG
The Girl He Left Behind
Novela JuvenilBattle of the exes comes around as karma punishes me for dragging my past every day. I used to care until my reason for everything vanished. I used to smile until he left. I used to have hope until he let me down. I used to have the world until...