Jungkook's POV
"Thank you so much for coming" pag papasalamat ni namjoon hyung sabay yuko "we love you aaaallll armyyyys!"
"We purple you!" Sigaw naman ni taehyung
"Ginagawa nyo?" Tanong ko habang kumakain ng sandwich sa lapag ng practice studio namin
"Nag papractice lang bago tayo mag debut" sagot ni Namjoon at tumabi sakin "kinakabahan ako. mag sheshades nalang ako this whole era"
"Ako din kinakabahan. Pano kung walang mag punta sa mini concert natin?" Tanong ko sabay marahan na nakatanggap ng hampas kay Jin
"Jungkook. Wag ka mawalan ng pag asa. Hindi pa nga tayo nag sisimula at hindi pa Natin sinusubukan ganyan ka na mag isip" pag papagalit nya "meron yan. balang araw Tayo ang magiging pinaka sikat na kpop group."
"Oo nga kookie, ako nga kinakabahan din pero wag mo iisipin yan" sabat ni Jimin na nakasandal sa salamin
Natigilan ang lahat nang bumukas ang pinto ng napakalakas
"Ay hala sorry" gulat na sabi ng babaeng pumasok "sorry po di ko sinasadya"
"Krianaaaa" agad syang sinalubong ni Hoseok at niyakap "napa dalaw ka?"
"May bago ba don. syempre hyung gusto nya makita si-" napatigil si Taehyung nang hampasin sya ni Kriana
"Akala ko may photoshoot ka ngayon?" Tanong ni hoseok
"Kuya kakatapos lang po" sagot ni kriana at inabutan sya ng lunch box "ayan syempre gumawa ako ng carbonara madami yan kasya yan lahat sainyo sarili kong recipe yan"
"Oh? Pahinge ngaaaa" agad na tumayo si Jin at kinuha ang lunch box kay hoseok habang si kriana naman ay naghanda ng mga plato na pag kakainan ng lahat
Tumayo ako para tulungan si kriana
"grabe nag abala ka pa ha" panimula ko "favourite ko din yung carbonara mo" sabi ko.
Pansin ko na nag pipigil ng ngiti si kriana pero ngumiti nalang sya at nag bow saakin sabay abot ng "chocolate?"
"Napansin ko lang. Tatlong beses na kita nakita na kumakain neto. Favourite ko din kasi to, bigyan lang kita" sabi ni kriana
"Talaga? Hahaha shhh wag mo sabihin kay pd nim. Bawal kasi kami kumain masyado ng sweets ngayon. Pero salamat" ani ko at hindi mapigilan na ngumiti ng sobra
Ang thoughtful naman ni kriana. isa pala syang model pero hindi pa ganon ka professional. Sana nga maging professional sya balang araw dahil mala professional na din syang kumilos
Isang taon lang ang tanda ko Kay kriana. 18 ako at 17 sya. Oo ang bata pa namin diba.
Buong 4 years ng training namin na pansin ko ang pag dadala nya ng pagkain samin at pag pipigil ng ngiti lagi pag kausap ako. Sa palagay ko normal na ata nyang manner yon?
Hindi ko namalayan na nag sandok na sya at kumuha na sa tinidor at naka amba na susubuan ako
Hindi naman ako makatanggi kaya kinain ko and ibinigay nya, tinaasan nya ako ng kilay kaya't napangiti at tango ako
"Masarap?" Tanong nya
"Sobra" sagot ko naman
"Syempre kapatid ko gumawa nyan kaya masarap na masarap yan" singit ni hoseok. Natawa naman si kriana at umiling
"Mga gutom lang kayo jusko kuya haha" sagot ni kriana tsaka binigay sakin ang plato na may carbonara "eat well"
_______________________
Medyo maikli pero author will try to publish long ones okayyyy
YOU ARE READING
Moments with you | BOOK 3 of MOMENTS INTO MEMORIES
Fanfictiegusto nyo ba'ng malaman kung paano naging si Abrielyn Kim at Jungkook Jeon? this book contains the story before AbKook's lovestory on the story "Moments into memories" not pretty much gonna make you curious since alam nyo na ang nangyare kay abby at...