"Kain ka muna Alli" tawag ko kay madam habang tinatapos ko ihain 'yung carbonara na niluto ko sa breakfast table ng condo ko.
Naupo ako at sinilip si Alli, binaba n'ya 'yung pusa at lumapit sa lamesa saka umupo.
"Thanks" mahinang saad n'ya matapos ko lagyan 'yung plato n'ya.
"Did you already buy a new camera?" napailing ako sa tanong n'ya. Hindi ko pa naaasikaso 'yun dahil wala akong oras.
Madaming school papers dahil graduating na kami.
Sakto naman na hindi pa kami nags shoot ng vlogs n'ya.
"Ganun? Buti naman! May binili ako and I am planning na ibigay sayo 'yun!" excited na saad n'ya. Napakagat labi ako kasi ang cute n'ya.
"Hindi naman kailangan madam" napairap s'ya sa sinabi ko. "No! Okay lang, bigay ko na lang sayo bukas sa school" tumango na lang ako
"Saka.. diba birthday mo na next week?" muntik na ako mabulunan dahil sa sinabi n'ya.
"WOW CRUSH MO TALAGA AKO!" pang aasar ko. She got shy kaya lalo akong natawa.
"I just looked on my calendar earlier and remembered it!" umirap pa s'ya. Tumango tango na lang ako habang nakatingin sa kanya, inaasar pa din s'ya.
Napansin n'ya ata 'yun kaya pikon n'ya akong binato ng kutsara n'ya.
Ang cute pa din mapikon, kaya masarap asarin eh
"Ano ba!"
"Ano ba!" I mocked her saka tumawa ng malakas.
"What do you think? I will remember your birthday when you actually can't remember me for two years!" biglang naglaho 'yung ngiti ko dahil sa pagsumbat n'ya.
I know. I am so stupid.
She seemed feel my emotions kaya bigla na lang naging awkward 'yung atmosphere.
I fake a coughed and just focused on my carbonara.
"I.. I am sorry" mahinang saad n'ya, breaking the long silence.
"It's okay.. totoo naman" I gave her a light smile. Sabay kaming sumubo ng carbonara at sabay pa naming ininom 'yung juice na inihanda ko.
Gusto ko matawa pero wala sa sitwasyon.
Tahimik namin na tinapos 'yung dinner namin. Nag prinsinta pa s'ya na maghugas ng pinagkainan namin but I didn't let her.
Wala syang nagawa kundi ang bumalik sa living room.
After ko maghugas ay nadatnan ko s'ya na nanonood na ng TV sa sala, nakakalong sa kanya si Joy tapos nasa gilid naman si Tabbie, habang hinahaplos n'ya ang kapwa mga katawan nito. The sight of them is so cute.
Pumasok ako sa kwarto para may kuhanin at bumalik saka umupo sa tabi n'ya. Lumipat sa binti ko si Tabbie kaya hinaplos ko s'ya ng libre kong kamay.
"Alli.. I wanna give you something too" nahihiya ko pang saad. Napalingon s'ya sa akin at ibinaba ang tingin sa hawak kong photo album.
BINABASA MO ANG
haunted (sungjoy ff)
FanfictionIn which Allison Lim (psy) met a guy from a dating app and got attached by him, but suddenly he disappeared without saying goodbye at all. Is Alli ready if the ghost from the past haunt her again after couple of years of his disappearance? ••• epis...