Chapter Thirty four

58 7 1
                                    

Lucky pov:

Hahahahahahahahahahahaha!

Biglang humalakhak si kuya ng parang nababaliw na. Anong ibig sabihin nito? Nakatingin akong nanginginig ang aking mga mata.

"Kasalanan ko ba kung mahina kayo! Isa pa hindi ako ang pumatay sa mga kasamahan mo. Gusto ko silang tulongan kaso huli na ako. Natagpuan ko nalang sila na nabalutan na ng dugo ang katawan at may white card."
Sabit nito.

"Sinungali ka!"

"Binalaan ko na kayo pero matapang ang mga aso mo Dylan. Bakit ganyan ka kung makitingin? Sa phantom ka magalit hindi sa akin."

"Kuya?" Tawag ko sa kanya.

Nagsimula na itong humakbang paalis kahit ilang beses ko na s'yang tinawag ay hindi nakinig he only waves his hand in the air.

Hindi na kami bumalik sa loob naisipan nalang namin umuwi.

"Ito." Inalok ni Bryan ang bisiklita n'ya kay Bryan.

"Sa akin na umangkas Lucky." Sabay na saad ng dalawa sa akin. Hindi ako makasagot ng diritsyo dahil sabay din nilang hinawakan ang kamay ko.

^_^!

Hangang si Dylan nalang ang nag paubaya. Kaya si Bryan ang nagmaniho ng bisiklita ko at nasalikod ako naka angkas. Medyo nakakailang man isipin.
Si Dylan nakasunod lang sa amin kung makatingin s'ya ay para n'ya na kaming kakain.

Tsk! Napangiti nalang ako sa usad n'ya na mapansing tinignan ko s'ya.

Problema n'ya!

"Lucky humawak ka bibilisan ko ang pagbabayo." Sabi nito.

Ako naman ay nahihiya at di ko alam kung hahawak ba ako o yayakapin s'ya. Para gusto kung bumuga ng usok sa taenga sa hiya ko. Napakagat labi nalang ako. Feeling ko nakikipag date na ako sa ginagawa namin.

Hahawak na sana ako sa t-shirt n'ya ng mafefeel ko si Dylan. Na nakatitig sa amin na nakakatakot ang expression n'ya.

Ehh!

Sa takot ko ay bigla kaming nagka out balance ni Bryan hangang sa bumagsak kami sa lupa.

"Lucky!" Dinig ko ang boses ni Dylan na sumigaw.

Napapikit nalang ako ng mata naramdaman ko nalang ang isang makisig na braso sa uluhan ko. Napatingin ako sa gilid si Bryan hinarang n'ya pala ang kanyang braso upang ma protektahan ang ulo ko sa lupa.

Ahhh! Ang bango ni Bryan amoy na amoy ko ang perfume na ginamit n'ya. Nakakabaliw ang amoy naku baka mamaya maging sunodsunuran na ako nito hahaha.

"Are you ok?" Tanong ni Bryan sa akin.

"Ahh oo naman, thank you dapat ako nga magtanong sayo n'yan. Ok lang bang braso mo." Pag alala ko sa kanya. Ngumiti lang ito nagsasabi na ok lang s'ya.

Kasalanan to nang mukong na ito ehh kung makatingin kala mo naman serial killer!

Tingin ko sa kanya na naasar ngunit dinilatan lang ako ng mata. Anong problema n'ya! Grrrrrrrr pangigil ko sa isipan.

Winston Residence

Nasa bahay na kami ayon pa rin walang pinagbago. Nakakailang pa rin lalo na nandito si Charlie. Pero himala ang tahimik ni Shovel nasa malayo ang isip n'ya.

"Naka uwi na pala kayo." Ani ni Calvin sa amin.

"Ahh Oo." Ngiti kong sagot sa kanya.

Fabulous Flowers [Season 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon