Chapter 02

25 6 0
                                    

Dedicated to marmalaid_13

Nasa labas ng gate ng bahay sila Tianna at hindi mapakali, hindi ko alam kung galit ba o nag-aalala.

Hinatid ako nila Tito at Tita pauwi, sila mismo ang may gusto na personal akong ihatid para masigurong ligtas akong makakauwi. Hindi na kasama si Third dahil babantayan niya pa si Fourth, ang wierd nila dahil kanina lang iniwan nila mag-isa yung bata eh mas safe nga sa bahay nila compare sa labas ng school.

Huminto na ang sasakyan at nauna ng lumabas sila Tita kaya sumunod agad ako. Nakatingin lang sa'kin sila Tianna habang nag-lalakad palapit.

"Ma!" salubong ko kay Tianna, napansin ko ang pag-taas ng kilay nya at masuring pag-tingin sakin.

Alam kong iniisip nya na may ginagawa na naman akong kalokohan kaya bumaling nalang ako sa likod para mag-pasalamat kila Tito Flynn.

"No big deal hija, we're happy na matulungan ka. Buti nalang talaga at malapit ang bahay ng classmate mo sa school ni Third, thank God hindi ka napahamak."

Pinapasok na 'ko ni Tianna sa loob ng bahay, naiwan naman sila sa labas na nag-uusap. Gusto ko pa sanang makinig sa pag-uusapan nila pero tiwala naman akong hindi ako ilalaglag nila Tianna.

Umakyat na ako sa kwarto para makapag-pahinga. Naghalf bath muna 'ko at nag-palit ng pantulog bago nahiga at pumikit.



Today was such a tiring day

But

It is fun.

It really is.


I woke up early feeling excited kaya bumaba agad ako para mag-breakfast.


"Naholdap ka o ikaw ang nang-holdap?"


"Excuse me Tianna? bakit naman ako manghoholdap kung pwede naman akong mangupit nalang."


Tinaasan lang ako ni Tianna ng kilay, halatang hindi naniniwala sa sinabi ko.


Grade 4 ako nang matuto akong mangupit, gusto ko kasing bilhin yung sapatos na kaparehas ng sa kaklase kong sipsip sa teacher namin kaya lang ayaw nila Tianna dahil kabibili lang daw namin ng sapatos. Inggit na inggit ako sa kaklase kong 'yon kaya naisipan kong mangupit nalang para makabili. Sa simula kabado pa 'ko pero dahil magaling akong mag-sinungaling hindi nila ako pinaghinalaan, ang buong akala rin nila iyong kasambahay namin ang salarin. Naulit nang naulit yung pagkupit ko, malapit ko na sanang makumpleto yung perang ipangbibili ko hanggang sa isang araw nahuli ako mismo sa akto ni Tianna.

Simula ng araw na 'yon ipinangako ko na hinding-hindi na ulit ako mangungupit. At saka isa pa, I hate doing the same mistake twice. Marami pa namang ibang kasalanan, try ko naman yung iba.


"We both know na---"


"It's because I don't have to Tianna... 'cause you'll still buy me the things I want," I smirked.

The only good thing that happened that time is binili ni Tianna yung gusto kong sapatos kinabukasan. At the end of the day, I won. I still got what I want.


Napabuntong hininga nalang si Tianna at tinuloy ang pag- kain ng almusal.


"So anong ginagawa mo malapit sa school nila Third?"


BY HOOK, BY CROOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon