Prologue

106 27 37
                                    

Maingay ang paligid at puno ng tao ngayon dito sa hall. Malapit na kasing mag start ang program.

"THIRDY!"

Mabilis ang lakad ko habang nakasunod sa kanya. Kanina ko pa s'ya tinatawag pero hindi manlang n'ya ko tinatapunan ng tingin kahit alam kong naririnig nya ang sigaw ko.

Marami akong nakakasalubong at marami na rin akong nababangga dahil sa pagmamadali.

Napansin ko pa ang pagbubulungan ng ilang mga tao sa paligid pero wala akong pakialam sa kanila, inirapan ko nalang ang iba at nag-lakad nalang ng mas mabilis, wala akong oras para patulan sila dahil mas importante ang makausap ko ang lalaking 'to.




Lumabas sya ng hall at nakita kong pumasok sa isang kwarto kung saan nakalagay ang mga donations. Wala ni-isang tao dahil ang lahat ay abala sa program na magaganap sa hall.

Lakad takbo ang ginawa ko para ma-abutan s'ya. Ang bilis kasi mag-lakad. Nakakainis!

"Thirdy sandali! Ay put--ing kabayo!"


Muntik na 'kong masubsob dahil natalisod ako sa mga nag-kalat na box.
Hindi ko napansin agad dahil nakatuon ang atensyon ko sa pag habol sakanya. Nagsisimula na kong mairita nang tumigil sya sa pag-lalakad at tumingin sakin.


"Anong nangyari? Ayos ka lang ba?"


Lihim akong napangisi nang daluhan n'ya ko, sabi ko na nga ba hindi mo rin ako matitiis eh wahahaha.

"Ikaw ang ayos lang ba? Bakit ba 'di ka namamansin?"


Matagal niyang itinikom ang kanyang mga labi habang nakatingin sa sahig, tinignan ko naman sya gamit ang mapanuring mga mata.

"Bakit mo ko iniiwasan?" seryosong tanong ko.

Huminga muna sya ng malalim bago diretsong tumingin sa'kin. Sari-saring emosyon ang nakikita ko ngayon pero hindi ko mabasa ang tumatakbo sa isipan nya sa mga sandaling ito.







"Daniel, ipapaalala ko lang na seminarista ako."


Malumanay ang kanyang pag-sasalita gaya ng dati pero mababakas ang pag-iingat sa kanyang tinig.


"Alam ko, hindi ko naman nakakalimutan."

At hinding hindi ko makakalimutan, dahil 'yan ang dahilan ng lahat, kung bakit ko ginagawa ang lahat ng 'to.





"Mag-papari ako---"

"Hindi, hindi ka mag-papari, hindi ako makakapayag."

Seryoso ko siyang tinignan, pinapaalam na ang gusto ko ang masusunod, na hindi niya pwedeng baliin ang desisyon ko.

Halos mag-iisang taon na nang simulan ko ang plano kong 'to. Hindi naman sya bobo kaya alam kong batid nya ang balak ko. Hinahayaan lang naman n'ya kong gawin ang gusto ko at ngayon lang ako kinompronta tungkol dito.

"Hindi naman ako humihingi ng pahintulot mo, matagal ko na 'tong desisyon at ito talaga ang gusto ko, kaya pakiusap itigil mo na 'to Daniel, nararamdaman ko na ito talaga ang plano---"

Napatigil siya sa pagsasalita ng tumawa 'ko. Napapailing-iling pa ko habang malademonyong tumatawa.





"Thirdy...Thirdy...Thirdy" mabagal kong tawag sa palayaw niya.


Nakita ko ang mariin niyang pag-lunok. Napangisi ako at saka humakbang papalapit sakanya. Nakatingin lang ako sa mata n'ya, malakas ang kabog ng dibdib ko pero hindi 'yon halata. Tumigil lang ako ng sobrang lapit na namin sa isa't isa, tila naman sya natuod sa pagkakatayo. Inilapit ko ang muka ko sakanya saka marahang bumulong sa tenga n'ya.


"Parang hindi mo naman ako kilala, alam mo namang hindi ako napipigilan,"

Mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi at umatras para makita ng buo ang maamo n'yang muka na nagsisimula nang mamula. Hinaplos ko ang pisngi kung saan ko s'ya hinalikan at saka ngumiti ng pagkatamis tamis.





"I'll see you again tomorrow, okay."

Nakatulala pa rin siya nang mag simula akong maglakad paalis. Malaki ang ngiti ko habang iniisip ang mga nangyari.


"You'll fall for me Third Leviticus, I'm sure of that."


Sumakay na ko sa sasakyan namin at nagpahatid sa bahay.





There's nothing I can't get it this world, you're no exception Thirdy. I want you badly and I'll make sure to get you by hook or by crook.

BY HOOK, BY CROOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon