Prologue

452 30 81
                                    

"PRIM, OKAY ka lang?"

Marahang hinihimas ni Shaine ang likod ko habang sumisingha ako sa tissue na hawak. Wala ring tigil sa pagbuhos ang mga luha mula sa mata kong namamaga na kakaiyak. Nakaupo kami ngayon sa kama dito sa loob ng room ko. Kalong-kalong ko ang tissue box habang nagkalat naman ang mga nagamit kong tissue sa buong kama. Sunday ngayon kaya wala kaming pasok sa trabaho.

"How can he dump me like I am just no one? He was my ultimate crush since college!" hagulgol ko at tinapon ang tissue na hawak ko sa sahig. Kumuha ulit ako ng tissue at pinunasan ang sipon ko.

"Prim, 'di ba sinabi ko na sa'yo na wala ka nang pag-asa kay Cedrick." sabi nito at kinuha ang baso ng tubig na nasa side table saka ibinigay ito sa akin. Inabot ko naman ang baso at uminom mula rito. Dahil sa sobrang frustration, naubos ko agad ang tubig saka inilapag ko ang baso sa side table at humarap kay Shaine.

"Alam mo, 'di ka nakakatulong. Kung hindi lang kita kaibigan, sinipa na kita eh." simangot ko sa kanya.

Bumuntong-hininga ito at mahinang hinampas ang braso ko. "'Yang pag-asa mo kasi sa crush mo, parang Scarlet Heart season 2— malabo."

"Dinamay mo pa ang series." suminghot ako at muling kumuha ng tissue para punasan ang ilong ko. "Eh kasi naman! Para akong tanga na umasa kay Cedrick. Nagpapakita rin kasi sya ng interes eh!" humikbi ako ng mahina habang nakayuko.

"Interes? Bakit? Sino ba sa inyo ang nagsulat ng isang daang tula na pinamagatang 'Poems for My Love' at pina-bookbind pa?" tanong ni Shaine sa akin habang nakapamewang.

Humikbi ulit ako at pinaglaruan ang tissue na hawak, "Ako,"

"Sino sa inyo ang nagsulat ng story na kayong dalawa ang bida at happy ending pa?" muling tanong nito.

"Ako," simpleng sagot ko habang nakayuko at kinakagat ang labi para mapigilan ang hikbi.

"Sino sa inyong dalawa ang nagpapadala ng one-stanza poem araw-araw?"

Hindi ko na napigilan pa ang pag-iyak at tuluyang humagulgol. "Oo na, ako na! Ako na 'tong desperadang tanga sa kanya!" wika ko. Dumapa ako sa kama at isinubsob ang mukha sa unan at doon umiyak nang malakas. Pinagpapatid ko rin ang mga paa ko na para ba akong batang pinagbawalang kumain ng candy.

"Prim, ang sinasabi ko lang naman, kung hindi nakikita ni Cedrick ang mga efforts mo towards him, eh 'di hindi s'ya ang right guy para sa'yo," sabi ni Shaine. "he's jerky and proud. Ano bang nagustuhan mo dun?" dagdag pa nito habang hinihimas ang buhok ko. "You know what, Prim, you are beautiful. Ang daming magkakagusto sayo, and someone out there might be the right one for you."

Bumangon ako at humarap kay Shaine. Suminghot ako at pinunasan ang ilong gamit ang kanang kamay. "But Cedrick was my first love." mahina kong wika.

I saw Shaine rolled her eyes up and heaved a deep sigh. "Sabi nga nila, mahirap bigyan ng advice ang marupok na kaibigan."

"Hindi ako marupok!" Kinuha ko ang unan na nasa tabi ko. Itinapon ko ito sa kan'ya at saktong nasapol s'ya sa mukha. Bago n'ya pa ako magantihan ay mabilis akong tumaya at lumayo sa kama nang makita ko s'yang dumampot ng unan.

Habang naghahanap ng ipanghaharang sa pagbato ni Shaine ng unan, ay nakita ko ang isang folder na may lamang mga papel. Ang makapal na pinagpatong-patong na mga papel ay ang mga pahina ng aking manuscript na ilang beses ko nang pinapasa sa iba't-ibang publishing houses. Prenteng nakapatong lang ito sa study table ko, katabi ang laptop. Hinawakan ko ang front cover nito kung saan nakaprint ang title ng novel na isinulat ko, 'Ink Bloods'.

Naramdaman ko ang pagtama ng unan sa likod ko at ang pagtawa ni Shaine pero hindi ko na ito pinansin pa, nakapako lang ang mga mata ko sa manuscript. Muli akong sinalakay ng kalungkutan habang nakatingin sa manuscript. Hindi ko na napigilan pa ang mga mahihinang hikbi na kumakawala sa bibig ko. Naramdaman kong lumapit sa akin si Shaine at hinawakan ang aking likod.

Distance Between HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon