At Mall
MILES POV
On the way na kami sa mall at gamit namin Ang kotse ni colenn.
Busy si colenn sa pagdadrive habang si Sofie naman ay abala sa pagkutingting ng cellphone niya. Malamang busy yan sa pagstalk sa next target niya.
"Ano na sofie. Kamustaa na yang next target mo? Nakuha mo na ba?'- ani ni colenn
"Kaya nga. Ano na't para kang tulig diyan na ngumingiti iw"- ani ko na umaarte na nandidiri
"Well, Ito na ang nalaman ko Cally Dave Chua his name, 19 years old, Hobby niya playing guitar,piano at magaling kumanta waaaaah, 4th year college and business ad ang course just like mine. Tapos Isa rin ang pamilya nila sa pinaka mayaman dito, mahilig din mag party"- ani niya at kinikilig pa
"And then?"- bored na saad ni colenn
"Well, I think I'm in love"- ani niya at nangingiti pa
"Ano teh? Araw araw inlove? Parang kahapon iba ah, e ano ba name nun? Jayson? Julio? John? Ano ba name nun coleen?"- ani ko
"James at--a? Wait James nga ba yon sofie?"- ani nya
"I forgot na eh, Hindi ko tinatandaan mga pangalan ng jinojowa ko. Sakit lang sa ulo pangalan nila hahahaha"- ani ni sofie at tumatawa tawa pa
"Ano pa nga ba, Si Sofie Alexa paba?"- ani ko
"More boy's more fun"- sabay sabay na Saad naming tatlo at sabay nagtawanan.
"Magsijowa na din kasi kayo, para more fun"- Saad niya at humalakhak pa
"In right time"- Saad ni colenn at natatawa pa
"Kailan yon aber?"- Saad ni Sofie sa kanya
Nagkibit balikat nalamang si colenn bilang sagot.
"Oh e ikaw naman Miles Marie?"- Saad naman saakin
"Madami akong jowa noh"- Saad ko
"Saan? Sa mga pinapanuod mo? Ewan ko sayo"- Saad ni Sofie at naglilikot muli sa cellphone
After 30 minutes narating nadin namin ang mall.
Pagbaba palang namin ay nakuha na agad namin ang atensyon ng mga nakakasalubong namin. Ang ilan ay lumilingon pa, we are not actress but the way they stare to us it's look like na artistahin kami. Creepy stare!
Pumunta kami sa iba't ibang sikat na brand At bili lang ng bili. Pagkatapos ay pumunta kami ng Jollibee, para lumapang. Oo paborito namin yung Jollibee hehe.
Umorder si sofie at kami naman dalawa ni colenn ay waiting sa foods.
"Ate pahingi barya"- saad ng batang lalaki na madumi ang suot at kinakalabit pa ako
"Nasaan magulang mo?"- tanong ni colenn
"Eh nasa bahay po eh. May sakit po kasi si itay at binabantayan po ni inay, Wala po kasi magbabantay kay itay at maliliit pa lang po ang mga kapatid ko kaya po nanlilimos po ako para may mauwi mamaya sa kanila na pagkain"- mahabang Saad nito
"Pst bata. Lumabas ka dito! Nakakaabala ka ng customer, napakadumi mo"- Saad ng babaeng customer na tila nandidiri sa bata
"Hayaan mo yan toy. Dito ka sa tabi ko bilis, Kain muna tayo, mamaya bibigyan ka namin ng pera, ano nga pala pangalan mo?"- Saad ko at pinaupo Yung bata sa tabi ko
" Earl po,Ah e nakakahiya po ang dumi ko po"- nahihiyang saad nito
"Umupo kana earl,hayaan mo yang mga yan, sagot ka namin. Ako nga pala si ate colenn"- ani ni colenn at nakangiti sa bata
"At ako naman si ate miles"- nakangiting usal ko
"Hello po ate colenn at ate miles"- Saad ng bata at umupo na sa tabi ko
Maya-maya lang ay dumating na si Sofie kasunod ang dalawang crew. Madaming binili ang loka, mabuti naman.
"Oh who's that kid? Hi kid"- aniya sa bata at kumakaway pa
"Si Earl nga pala, Earl siya si ate sofie"- pakilala ko sa bata kay Sofie
"Hello po ate sofie"- nakangiting saad nito
"Hi Earl, take your sit na. Kain na tayo"- ani ni Sofie at sabay sabay kaming kumain.
Magana kumain si earl, at halatang gutom na gutom.
Matapos kumain ay ipinagorder muli namin siya para sa magulang niya.
"Earl oh. Dalhin mo sa magulang mo at sa kapatid mo para makakain din sila ha"- ani ko sa kaniya
"Tanggapin mo Ito Earl oh, pambili ng gamot o kahit anong pangangailangan niyo"- ani ni colenn at nagbigay ng 5k
"Ito pa kid. Gamitin mo yan sa mabuti ha, at itabi mo agad o siya hatid ka nalang namin at baka maharang ka sa daan mamaya"- ani ni Sofie na nagbigay ng 5k din.
"Mabuti pa nga, lets go girls"- ani ko.
Tinuro ng bata ang bahay nila. Delikado ang tinitirhan nya sapagkat tagpi tagpi lang Ang bahay nila. Bago bumaba ay tumingin siya saamin na tila naiiyak pa
"Maraming salamat po talaga ate colenn, ate miles at ate sofie. Sobrang malaking tulong po ito saamin. Maraming salamat Po talaga"- aniya
"Magiingat ka earl ha"- ani naming tatlo
After 30 minutes ay nakabalik na kami sa bahay. Time check: 5pm, ilang oras din pala kami sa mall. What a tiring day, nagkanya kanya na kaming pasok sa kwarto namin at ZzzzzZzzzzZZzzzZzzz
BINABASA MO ANG
The Queen's Love
Teen FictionTatlong naggagandahang babae na may iba't ibang personalidad. Magkakaibigan sa hirap at saya, paano kung ang magkakaibigan na ito ay makatagpo ng kanilang mga minamahal? Ang mga lalaking ito ba ang magiging dahilan sa pagkasira ng kanilang pagkakaib...