Fierce day of School
SOFIE POV
Alas singko palang ay mulat na mulat na kaming tatlo. Nagluluto si colenn sa kusina kasama si miles, habang ako ay nakaharap sa television.
I check my phone, and inistalk ulit yung dave. H-O-T And H-A-N-D-S-O-M-E, Magiging akin kadin. Psh, Hindi pa kinoconfirm Yung friend request ko.
"Tama na kakastalk. Ang aga aga mukha kang timang na nakangiti diyan hahaha"- Saad ni miles na inilalagay yung almusal sa mesa
"Hmp"- nakabusangot na saad ko.
"Wooy, first day of school. Ngumiti ka naman diyan, at baka mahawa kami. Tamadin kami pumasok sige ka"- Saad ni colenn na nagtitimpla ng gatas
"Huwag niyo ko idahilan, sabihin niyo tinatamad talaga kayo"- Saad ko at naglakad na papuntang mess
"Hahahaha nadali mo"- saad ni miles
Pagkatapos namin kumain ay nagayos na kami para pumunta sa school. First day naman kaya civilian is allowed. Nagkanya kanya kaming sasakyan.
After 15 minutes
Unibersidad de colegio
Pagpasok namin sa gate ay samo't saring komento na ang narinig namin.
"Omy mas lalo silang gumanda"
"Ang ganda ni colenn kahit chubby"
"Astig ng buhok niya noh. Gray, bagay na bagay sa kaniya at nagpagupit na naman siya"
"Look si miles ang ganda din kahit chubby"
"Astig ng kulay na red buhok noh, paganyan din ako"
"Loka di bagay sayo. Magmumukha kalang manok"
"Sama netong baklang to"
"Ang sexy ni sofie"
"Ang ganda ng buhok oh patok"
"Bagay sa kanya. Astig din ng buhok kulay blue"
"Grabe gaganda nila"
Kaloka ang students. Bulong lang yan pero parang sinisigaw na.
"Hi Sofie"- Saad ng lalaki, Sino nga ba to? Paolo? Paul? Ay Ewan.
"Wooy guys si patrick, hinarang si Sofie"
"Waah swerte niya, ang pogi ni patrick"
Oh Patrick pala. I don't mind, mas bet ko ang..
"Hi honey"- Saad ko naman sa kaniya at ginawaran siya ng matamis na ngiti.
"You're so beautiful"- aniya tsss. Walang bago!
"Oh thank you"- Saad ko at nagpatuloy na sa paglalakad.
Asan na yung dalawang yun.
Ayon, ang mga loka. Iniwan ako at nauna sa bulletin board.
"Kamusta jowa mo for this day?"- biro ni miles
"The who?"- ani ko
"Ay kunware Hindi knows. Oh Hindi mo lang bet?"- Saad ni colenn na patuloy sa pagtingin sa bulletin
"Diko type"- Saad ko at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Pumasok na kami sa room namin. Yes, magkakaibigan, magkakasama sa bahay at magkakaklase pa. Odiba? Hindi kami nagsasawa sa pagmumukha ng isa't isa.
Puro pagpapakilala lang ang ganap sa 1st day. Luckily, mababait naman ang mga prof.
Discuss
Discuss
Discuss
And kainan na.
Nagtungo na kami ng cafeteria at umorder ng kung ano at umupo sa table namin.
Busy kami sa pagkain ng biglang may umupo sa tabi ko.
"Yes?"- ani ko.
"Gusto ko sanang maging boyfriend mo"- saad ng lalaki.
"Okay"- Saad ko
Napatingin naman sakin yung dalawa. Sanay nayan e hahaha
Ngumiti yung lalaki ng pagkalaki-laki saakin.
"Ta-laa"- Saad niya ngunit pinutol ko na din.
"Break na tayo"- Saad ko na ikinabigla niya
"H--aa? Ba-t ang bilis naman"- parang naluluhang saad niya
"Mabilis ako magsawa e"- Saad ko at pinagpatuloy na ang pagkain. Napapahiyang umalis naman siya.
"Loka loka ka. Nahurt si guy"- natatawang Saad ni miles
"Duh atleast naging jowa nya ko for just hmm"- Saad ko
"10 seconds Sofie. Hahaha juice colored, iba ka"- Saad ni colenn na tumatawa tawa pa.
"Well, Ako lang toh bessy's"- Saad ko at nagtawanan na kami habang kumakain.
"Ewan ko sayo, pag ikaw nakahanap ng katapat mo"- Saad ni miles at sinusubo ang spaghetti
"Edi magharap kami"- nakasmirk na saad ko.
Magharap kami, dahil Hindi ko siya uurungan.
BINABASA MO ANG
The Queen's Love
Teen FictionTatlong naggagandahang babae na may iba't ibang personalidad. Magkakaibigan sa hirap at saya, paano kung ang magkakaibigan na ito ay makatagpo ng kanilang mga minamahal? Ang mga lalaking ito ba ang magiging dahilan sa pagkasira ng kanilang pagkakaib...