CHAPTER 35: Cindy & Nick

9 0 0
                                    

CHAPTER 35: Cindy & Nick

Cindy's POV

Hi! I'm Cindy Lopez...

Ako lang naman ang nag-iisang taga pagmana ng Lopez Real State Company, short for Loreal State Company..

Actually I'm a happy go lucy girl, 20 years of age. At graduate ako ng Business Marketing.

Parents ko are in abroad. Si kuya Ethan ko ang nagpapatakbo ngayon ng company namin. At after 3 years ibibigay niya na sakin ang term ko para imanage ang company,

Gusto niya na din kasing mag settle kasama ang family niya sa France.

But for now waiting muna ko! Sila Dad at kuya Ethan ang nagbibigay sakin ng allowance monthly.

Oh db?? Ang sarap ng buhay ko? Shopping dito shopping don! Clubing dito clubing don..

Marami na din akong naging boyfriends pero pass time ko lang yung mga yon! Siguro ang pinaka matagal kong nging bf ay nag last lang ng 1 wk.

Sawain kasi ko. I mean! Madali akong magsawa. Pero may aaminin ako sa inyo. Maniwala man kayo sa hindi.

I'm still a virgin! And I'm proud of it.

Sabi ko kasi igigive up ko lang ang virginty ko sa taong mamahalin ko! Yung taong papakasalan ako.

And I think nakita ko na sya...

Nagpapasalamat ako kay Stacey dahil kundi dahil skanya di ko sya makilala.

Si Stacey kasi long time girlfriend ko yun.. Kilala ko nga kung sino yung first love niya.

Pero sabi niya nag momove on na daw sya kay Raylie kasi may gf na daw yung tao. At eto pa si Raylie pala ay pinsan ni Nick.

Kaya si Stacey nakikipagdate na ngayon.. Kilala ko nga din kung sino yung dinedate niya ngayon.

Si Rafael Rosales isang business man, nakilala namin siya sa club. May ari kasi sya ng isang malaking club sa may Makati.

Pero sa totoo lang wala akong tiwala sa lalaking yon! Kaya nga sabi ko kay Stacey ingat siya.

--

On the way ako papunta sa condo ni Nick. Di ba nga sabi ko gagawin ko lahat para magustuhan niya ko? Kaya eto!

Eh kasi naman tinamaan na talaga ko sa lalaking yun eh. Kahit na super suplado niya.

Nagpark na ko ng kotse sa may lobby tapos umakyat na papunta sa floor ng condo ni Nick.

Its already 6pm ng makarating ako. Pinindot ko na yung buzzer.

Ang tagal naman. Naka ilang ulit ako ng pindot sa buzzer pero walang Nick na lumabas tiningnan ko ang wrist watch ko at 30 minutes na pala kong nakatayo dito.

Tingin ko wala nga sya dito. Naisipan ko ng bumaba. Naglakad na ko ng lobby para sumakay sa kotse ko ng biglang may humawak sa braso ko.

Laking gulat ko dahil isang holdaper pala ang humila ng braso ko. May takip ang mukha niya ng black na bonet at naka lether jacket pa. Yung itsura mismo ng holdaper na napapanuod sa tv.

Nagpupumiglas ako, pero super duper lakas niya. Feeling ko madudurog yung buto ko sa sobrang lakas ng pagkakahawak niya.

"BITAWAN MO KO ANU BA!!" Sigaw ko

"Ibigay mo sakin ang susi ng kotse mo kundi papatayin kita" mahinahon na sabi niya.

Shit! Naiiyak na ko sa takot dito wala pa namang katao tao dito.

"WALA AKONG KOTSE! PLS PAKAWALAN MO KO"

Agad niyang nilabas ang patalim galing sa pants niya. At don sobrang lumakas ang kabog ng dibdib ko! Eto na ba ang katapusan ko?

"Nakikita mo ba to? Ibabaon ko to sa laman mo pag hindi mo ginawa ang gusto ko" sabi niya

"NO PLS.. NO!" pag mamakaawa ko

Umiiyak na ko.. Grabe! Mamatay na ko eto na ang katapusan ko.

Akmang sasaksakin niya na ko ng may biglang humawak ng kamay niya.

Oh my god my Hero!

Agad niya binali ang kamay ng lalaki dahilan para mahulog nito ang kutsilyo niya, pagtapos ay malakas na suntok sa mukha. Maya mayay mag biglang sumipol na mga guard at agad kaming pinuntahan.

Ngayon pa sila dumating!!! Samantalang kanina muntik na kong mamatay..

--

"Ok ka lang ba?" Tanong ni Nick

Pinapasok niya ko sa condo niya pagtapos ng nangyari kanina. Napansin niya sigurong umiiyak na ko sa takot

Nanginginig pa rin ako hanggang ngayon.

"O-oo" mahinang sabi ko

Magkatabi kaming nakaupo sa couch

"Eto tubig oh" inabot niya sakin ang baso ng tubig. kinuha ko pero nilapag ko lang muna sa mesa

"Salamat sa pag save mo sakin kanina" sabi ko

"Anu ba kasing ginagawa mo dito ng ganitong oras" inis na sabi niya

Ayan na naman sya! Akala ko mabait na sya sakin eh!

"Binibisita lang naman kita eh"

Masama bang makita sya!

"bakit may sakit ba ko? Ok naman ako kaya di mo na ko kailangang bisitahin"

"Bakit may sakit lang ba ang binibisita?" Tanong ko.

"Wag ka na ngang mamilosopo! Tingnan mo muntik ka ng mapahamak. Panu kung di ako dumating don?"

Sounds like may pakelam sya sakin! Yehey!

"Concern ka sakin?"

"Responsable ako sa ginawa mo! Kasi ako yung pinuntahan mo! Anu nalang sasabihin ni Stacey pag nalaman niyang pinabayaan kita?"

Bwiset! Akala ko concern na eh! Sana hinayaan niya nalang ako. Makakaya ko pa ang sakit ng mga saksak ng holdaper na yun kesa malaman na wala pala syang pakealam sakin!

Iiyak na ba ko? It hurts inside kasi eh!

Imagine That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon