CHAPTER 36: The Prom

13 0 0
                                    

CHAPTER 36: The Prom

Yoona's POV

"Sobrang ganda naman ng anak ko dalagang dalaga na" puri sakin ni Mommy

Nakaharap ako sa full body mirror dito sa kwarto ko. Ilang oras na lang ay nalalapit na ang prom namin

"Thanks Mommy" nakangiting sabi ko

"Smile anak"

Pinicturan pa ko ni Mommy. Suot ko ang kwintas na bigay sakin ni Raylie, umikot ikot pa ko sa salamin para siguraduhing maayos na ang suot kong dress.

Mahirap na baka di pala bagay sakin ang suot ko mamaya maturn off sakin si Honeybabe.

Ilang sandali ay biglang tumunog ang fone ko..

Si Raylie nasa labas na daw sya.

"Mommy andyan na ang sundo ko"

"Ah ganun ba? Oh halika na bumababa na tayo"

Lumabas na kmi ng kwarto para puntahan si Raylie sa labas.

"Oh anak mag-ingat ka ah! Uwi agad ng 11pm para di magalit si Daddy" sabi ni Mommy habang binubuksan ang gate namin.

"Yes Mom!"

Agad na kong lumabas. Nasa tapat na pala ng gate namin si Raylie. Suot ang tuxedo niya.

Grabe! Lalaking lalaki sya tingnan. Tapos ang bango bango niya rin.

"Oh hijo ingatan mo ang baby girl ko ah, uwi agad" sabi ni Mom

"Opo Tita"

Nagpaalam na kme kay Mommy at pumasok na kmi sa loob ng kotse niya.

"Ang ganda ng Honeybabe ko, lalo tuloy akong naiinlove" sabi ni Raylie habang nagdadrive.

Agad akong napangiti sa sinabi sya. Syempre kahit sino naman gusto makarinig ng papuri. Lalo pa kung galing sa pinakamamahal mo.

"Ikaw din.. Lalo kang gumwapo" sabi ko

"Talaga?" Tanong niya.

"Oo nga!"

"Salamat Hon, alam ko namang gwapo ko matagal na"

Tch! Nagyabang na naman. Sa bagay totoo naman.

"Tingnan mo Hon oh suot ko" tukoy ko sa kwintas na bigay niya

"Ang ganda, bagay nga sa dress mo eh"

"Shhh!! Syempre ikaw may bigay eh" sabi ko

Malamang sabihin niyang maganda. Sa kanya galing to eh.

Nakarating na kme ng school.

Dumaan kme sa red carpet kasabay ng lovesong na kanta.

Nakakailang! Lahat sila nakatingin samin ni Raylie habang naglalakad.

Patuloy lang kami sa paglalakad na kaangkla pa ako sa braso ni Raylie.

Hanggang sa makarating na kme sa pwesto namin.

Grabe ang ganda ng mga songs.

Maraming ininvite na banda ang school. At may mga production number din.

Naghihiyawan na ang mga students ng magsimula ng tumugtog ang bandang Urbandub..

Akala mo mga dubista ang mga students dito! Yung mga boys nagsslaman sa rock na kanta.

Habang kmi ni Raylie ay nakatayo lang at magkahawak ng kamay habang nag heheadbangs.. Yung moderate na headbangs lang ah hehe. Hindi yung OA tulad ng ginagwa ng mga students dito.

Pagtapos ng banda.. Ay napalitan ng lovesong ang kanta..

Shit!!!!! Hulaan niyo kung ano????

ALL OF ME

My God! Our themesong. Sweet

A/N: now playing... ALL OF ME.

"Can I dance with the love of my life" sabi ni Raylie pagtapos ay kinuha niya yung kamay ko.

Shit! Kinikilig ako.. Sabayan pa ng sweet music.

Dinala niya na ko sa gitna ng stage. Lahat ng nagsasayaw na couple ay nagsitabihan at kaming dalawa lang ang nasa gitna.

Nakahawak sya sa bewang ko at ako naman sa balikat niya. Sobrang lapit ng mga mukha namin.

"Di ba sabi mo gusto mo ako ang first at last dance mo?" Tanong niya habang patuloy pa rin kami sa pag sayaw.

Tumango lang ako.

"Kaya eto tinupad ko yung gusto mong mangyari"

Ngumiti lang ako at niyakap sya inilapat ko ang ulo ko sa balikat niya. Ramdam ko yung heartbeat niya at sa tuwing mararamdaman ko yun doble yung tibok na nafifeel ko.

Mahal na mahal ko tong lalaking to. Yan ang tanging nasasabi ko sa sarili ko.

"Thank you" bulong ko

"Higit pa dyan ang gusto kong marinig" sabi niya.

"Ha? Ano?" Tanong ko

"Gusto kong marinig kung gano mo ko ka mahal"

Ayiieee. Seryosohan magsalita!

Inaangat ko na ang ulo ko sa balikat niya at saka tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Mahal na mahal kita sobra pa sa inaakala mo" seryosong sabi ko

Napangiti ko sya ng marinig niya yung mga salitang yon.

"Kinilig ka noh?" Pangaasar ko

"Oo na! Pero mas mahal kita tandaan mo yan"

Shetee!!!! Kilig much. Sure ako nagbblush na ko!

Imagine That I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon