"Bobo ka sa English"
"bobita wala kang mararating"
"You can't speak better than me"
"Useless Moron"Maaring Ingles nga ang sukatan ng katalinuhan,
O isang asignaturang ginamit nya upang ako'y tapakan,Ano nga ba ang laban ko?
Sa Panitikang wikang Ingles laging sya ang Panalo,
sa pag sambit ng tulang Ingles madali nyang nasasaulo,
Pero ako? Isang nilalang na tinatawag nyang bobo.Ano nga ba ang aking halaga?
Sa kanyang mga salita,
Unti unti kong pinapaniwala,
Ang sarili ko na wala akong kwenta.Ngunit binulong ko sa sarili,
"Payag kabang ginaganyan ka?"
"Bakit di mo atupaging pag aralan yan sa umaga?
At maging sa gabi iyong ipakita,
sa harap ng salamin ay kaya mong isalita,""Na sa pag dating ng araw,
Sa harap mo sya'y muling lumitaw,
Hindi para gumanting pasigaw.
Ikaw na bahalang gumalaw"Pinang hawakan ko,
Pinag igihan ko,
At heto ako,Sa harap ng isang batang edad walo,
Na anak ng babaeng nabigo
Sa binitawang salita sa aking "bobo"
Na ngayo'y isang balo,
"Maari bang maging Iskolar mo ang anak ko?"
Banggit nyang may kasamang luhang tumutulo,
"Ako sana'y patawarin mo,
Ako'y nagkamali sa iyong pag katao."At ang ganti ko bilang isang Guro
Na sa Ingles ay nag tuturo,
"Sa isang kundisyon,
Hayaang mong turuan ko ng leksyon,
Ang iyong anak na gamitin ang salita
Sa pag tulong sa kapwa""Na kung ano ang kanyang kalakasan
Ibabahagi nya sa nangangailangan
Upang kung sino man ang may kahinaan
Mabibigyan nyang kahalagahan."#01TulangPasalaysay
©ttroOfthePic.
BINABASA MO ANG
The house of poetry (English&Tagalog)
PoesíaMga tulang layuning sisirin ang kaisipan ng tao. Lalim ng pag unawa at paniniwala ang punto. Halika, pumasok kayo.