Chapter 1 : Can you be my partner?

353 6 8
                                    


Loving him is like driving a new Maserati down a dead-end street. Faster than the wind. Passionate as sin. Ending so suddenly..


Ayanna's POV

Hinihingal pa ako ng makarating sa hallway ng school. Late ako nagising dahil napuyat ako kakapanood sa youtube ng Red tour concert ni Taylor swift sa Manila kaya naman malala ang pagmamadali kong makapasok.

Sabagay, sino ba naman kasi ang matinong magpupuyat kahit may pasok kinabukasan? simula sa bahay hanggang sa school ay tinakbo ko lang ng halos wala pang limang minuto kaya naman hingal na hingal ako.

Inilabas ko mula sa pulang bag ko ang pulang tumbler na iniregalo sa akin ng aking mother noong birthday ko. Mabuti na lang at Hindi ko nakakalimutan mag baon ng tubig, sa sobrang init ba naman ng klima ng ating bansa eh sino ba naman ang hindi makakaramdam ng pagka uhaw?

Umiinom ako habang patuloy na naglalakad sa hallway. Napansin kong medyo nakagilid ang mga studiyante pero hindi naka tingin sakin kaya lumingon ako. Lumaki at nag hugis puso ang mga mata ko sa nakita ko.

Oh! What a Bad Boy! Shet ang gwapo! He's a goddess!

Naka sunod parin ang tingin ko ng lagpasan ako nito at pumasok sa loob ng classroom.

Ang gwapo niya talaga, always..

Natauhan ako sa pagkakatayo ko sa labas ng classroom ng mabangga ako ng isang estudiyanteng natakbo. Ano ba yon? Bulag? Hindi man lang ako nakita? Psh! Pumasok ako sa loob at hindi pa man ako tuluyan nakakapasok eh nakita kong nasa katabing arm chair ko naka upo ang gwapong estudiyante.

Nahihiyang naglakad ako palapit saka naupo sa tabi nito. Araw araw Taimtim akong nagdadasal na wag sana akong maging clumsy dahil nakaka hiya sa gwapo kong katabi. Hindi rin naka ligtas sa pang amoy ko ang pabango nitong para bang may halong cherry? Sa isang gwapong lalaki, napaka unusual ang amoy na yon.

Pansinin mo na kasi ako..

Hayss..

His name is Tristan, My highschool crush since first year. Fourth year na kami pero parang hangin padin ako sa kanya kahit pa magkatabi kami ng upuan. He's a campus heartthrob, of course maraming nagkakandarapang babae at isa na ako don. Madalas nag ddaydream ako na crush niya din ako pero hanggang pangarap na lang yata yon. Ilang linggo na lang at gagraduate na kami pero parang Hindi naman ako nag eexist sa mundo niya.

Sabagay, sino ba naman ako para mapansin niya? Simpleng nilalang lang ako, Hindi palaayos at halos minsan nga hindi ko pa magawang mag suklay ng sarili kong buhok.

Magkatabi kami ng upuan pero never niya ko hiningian ng papel tuwing may quiz or never nag tanong sakin. Hays! He's damn Handsome and at the same time Genius so bakit niya kakailanganin akong tanungin at pansinin?

Minsan napapatanong na ako kung may alam ba siya saken kahit konti? Or alam ba niya kahit Pangalan ko lang?

"Aya.." Narinig kong tumawag saken ang boses ng apat na taon ko ng pinapangarap.

Shet! Oo nga, Kilala niya ko! Kyaaaah! Nag eexist ako sa mundo niya! I need Air please! Pwede mo na ko kunin Lord!

Nalunok ko ang sariling laway bago ito lingunin.

"Huh?" Yun lang ang nasagot ko dahil shock ang buong pagkatao ko. Nilingon ko ito at masasabi kong kumpleto na ang araw ko dahil tinawag nito ang Pangalan ko. Pwede na ko kunin ng liwanag anytime!

"May partner ka na ba sa Prom?" Tanong nito habang hinahangin hangin ang buhok nitong nasa noo niya.

Damn! Ang Hot! Isn't the world too unfair? Bakit ba kasi hindi ako maganda? Kahit yung gandang papantay man lang sa itsura ng nilalang na ito.

RED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon