Loving him is like Trying to change your mind once you're already flying through the free fall Like the colors in autumn, so bright. Just before they lose it all..***
And as usual, Kulay pulang gown ang suot ko. It's a Red wine elegant off shoulder gown bagay na bagay sa Apple cut Hair style ko! Bongga! Pinaghandaan ito ng aking mahal na ina at hindi niyo naitatanong isa siyang kilalang Fashion designer dito sa lugar namin. Isang beses lang ito sa buong buhay ko kaya naman tinodo na naming mag ina. Malay ba naten kung ligawan na pala ako ni Tristan mamayang alas dose?
Hay! Excited na ko! Sana lang hindi mamawis ang mga kamay ko.
Gaganapin ang Ball sa isang mamahaling Hotel sa Manila. Ang bongga ng school namin at medyo umaray ang mga magulang dahil sa presyo ng binayaran nila para makasali ang mga anak sa prom. Maski ang nanay ko eh umaray lalo na ng magbago ang isip ko at bigla akong sumali. Nawindang hindi lang ang pagkatao niya maging ang wallet niya.
Don't worry, Ma. Tinutupad ko lang ang matagal ko ng pangarap at yun ay si Tristan. Maging proud ka sa akin!
"Aya! bumaba ka na diyan, alas siyete na!" Sigaw ng nanay ko sa baba.
"Okay na ba? Maayos na? Pretty na?" Tanong ko sa make up artist na nag ayos sa akin.
"Yeah, Of course! Go girl! You look very beautiful! Hindi na ko magtataka kung ikaw ang mag uwi ng korona ngayong gabi!" Pumalakpak pa ito ng sabihin iyon saka muling binrush ang pisngi ko.
Kahit hindi na siguro ako ang maging Prom Queen. Ang maalala kong si Tristan ang partner ko eh para na akong naging Prom queen! Sapat na yon sa ngayon.
Hindi ko ipinahalata ang gulat sa mga mata ko ng makababa at makita kung sino ang nasa sa sala namin. He's so handsome in his tuxedo, it has a combination of white turtleneck and a red velvet biker blazer. His looks is daring and elegant. He really is a beautiful man. Tugmang tugma ang suot nito at ang suot ko.
Destiny ba 'to?
Tumayo ito at ngumiti ng matamis sa akin. Pakiramdam ko nag init ang buong pisngi ko dahil sa gandang lalaki nito.
Ano bang ginawa ko bakit nangyayare ito sakin? Ito na ba yung bunga ng apat na taon kong pag titiis na mahalin siya ng patago? Or baka naman gusto niya ko? Dumadamoves lang ito sa ngayon at humahanap ng tiyempo para ligawan ako?
Swear! Hindi talaga ako tatanggi! No more pakipot!
"Let's go?" Yaya nito sakin saka nilahad ang palad. Nagpalit palit ang tingin ko sa palad nito at sa maganda nitong mukha.
"Mag iingat kayo ha? Hoy Aya! Umayos ka. Napakaganda mo ngayon pero hindi ibig sabihin pwede ka na maglikot! Baka makabasag ka doon ha? Naku! Disgrasiyada ka pa naman!" Bilin nito saka bumaling kay Tristan. "Bantayan mo itong batang ito ha? Madalas makabasag yan ng mga bagay bagay." Dagdag nito na ikinalaki ng mga mata ko.
"Ma naman eh!" Kainis! Ibulgar ba naman kay Tristan kung gaano ako ka clumsy? Inaamin ko naman na madalas talaga akong makabasag pero not infront of Tristan! Mamaya niyan ma turn off siya saken. Wala na. Ligwak na.
"Don't worry tita I will take care of her." naka ngiti ito ng sabihin iyon habang nakahawak na sa mga kamay ko. Sunod sunod ang pag lunok ko sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
RED ✔
RomanceTaylor Swift Series no. 1 Losing him was blue, like I'd never known Missing him was dark gray, all alone Forgetting him was like trying to know Somebody you never met But loving him was red