Chapter 7 : Take this and stay away

198 5 3
                                    


Losing him was blue like I'd never known. Missing him was dark grey, all alone. Forgetting him was like trying to know somebody you never met but loving him was red.

***

"Jana!" Sigaw ko ng makarating sa isang mall kung saan kami magkikita ng bestfriend ko at ng makita itong nag aantay sakin. Five minutes pa bago ang eksaktong oras na mag kikita kami pero mukhang sobrang excited nito at maaga itong dumating.

Lumingon ito saka kumaway sa akin habang tumatakbo palapit.

"Finally! I miss you so much!" Saka ako nito niyakap ng mahigpit.

Oh, God! Na miss ko ang babaing ito ng sobra. Nag iisang kaibigan ko lang ito, siguro siya lang kasi ang naka tiis sa kakaiba kong ugali. Napaka classy ng dating nito at mas gumanda. Mahinhin itong kumilos at napaka elegante unlike me na kalog at funny kaya siguro nagkasundo kami dahil magkaibang magkaiba kami ng ugali. Ewan ko ba bakit naka sundo ko ito eh Hindi tumitigil ang bibig ko kakasalita samantalang siya ay nakikinig lang saken.

"I miss you too!" Humiwalay ako ng yakap dito and saw her crying. Natawa ako sa ginawa nito kaya naman natigilan ito.

"Why?" Habang pinupunasan ang luha na tumulo sa pisngi.

"Ang pangit mo pag umiiyak, seriously." Kahit pa hindi naman talaga ito pangit gusto ko lang talaga siyang asarin.

I saw her pout her lips and wipe her tears away.

"I'm just kidding, parang hindi mo naman ako kilala. Stop crying." Niyakap ko itong muli.

"I'm just kidding too, parang hindi mo din naman ako kilala."

"I know you. At Alam kong Hindi ka nag jojoke." I rolled my eyes to her.

"Shocks! I miss you a lot. Na miss ko ang pag irap mo saken and everything!"

"Na miss din kita okay? And stop this drama, you're not good at it." Reklamo ko. Pero alam naman nitong nag bibiro lang ako dahil pala biro naman talaga ako.

Dinala ko na ito sa isang botique where she can shop everything she wanted dahil gustong gusto talaga nitong mag shopping. She really loves dress and the way she wore different makes her stunningly beautiful. At Hindi na ako magtataka kung bakit inabot sila ng anim na taon ng boyfriend niya dahil napaka ganda naman talaga ni Jana. She's almost perfect.

"The Heck! Napakarami mong binili!" Tiningnan ko ang cart na tulak tulak namin at nakaka windang isipin na punong puno ito sa dami nitong kinuha. I wonder how much it cost?

"Na miss ko kasi ang mag shopping dito sa pinas. Alam mo na? Very cheap but very beautiful at the same time."

Naningkit ang mga mata ko ng umabot sa halos ninety thousand ang total ng pinamili nito. She's insane! Grabe gumastos! Well, unlike her matipid ako sa mga gamit. At masyado akong mapili sa mga binibili, i also made sure na magagamit ko ito hindi lang isang beses that's how my mother raised me.

"Hello? Napaka tagal kong nawala dito sa pinas at hindi ko hahayaang hindi makabawi sa ilang taon ko sa ibang bansa!"

Bumuntong hininga na lang ako dahil sa sinabi nito. Wala na nga akong magagawa.

Matapos makapag bayad at makapag shopping sa botique na iyon ay tumuloy kami sa movie house and watch three movies dahil iyon ay matagal na niyang request saken. Dumiretso din kami sa dati naming school at doon kumain ng street foods. I see how much she really missed living here in the Philippines at masaya akong nakikita siyang masaya.

"So what's your plan next?" Tanong nito saka nilingon ako.

I was driving her way to her home and I already told her about Tristan and Me. Simula pa noon alam na nito ang tungkol sa amin at ngayong nalaman niyang nandito na ulit si Tristan and that I'm already his girlfriend ay talaga naman na all out ang support nito. Sa pagkaka alam ko nga ay mahinhin at classy ang kaibigan kong ito pero ng ikwento ko sa kanya ang lahat mula ng dumating si Tristan sa flower shop ko ay nakakagulat ng mag titili ito dahil sa kilig. Nakaka gulat ang reaksyon niyang iyon.

RED ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon