hindi na ina , mas mabuti na dumito muna sya , dadalwin na lang natin sya bukas " sabi ni carlus sa ina pero inisip ni carlus na ilayo na ang na kay amy dahil sa hiwagang nababalot sa babae na batid ni carlus na maging sya ay natatakot sa maaring mangyari .
Subalit nagpupumilit ang ina ni carlus at muling bumalik sa tabi ng nakahigang si amy at sumenyas ito ," dito muna ako babantayan ko si amy kelangan nya tayo carlus " senyas ng ina ni carlus sa kanya
Subalit muling inakay ni carlus ang ina sa braso at hinihila nya palayo kay amy
" ano bang problema carlus , nasasaktan na ang iyong ina" sabi ng madre na umaawat kay carlus
Nagalit si carlus at di na mapigil ang sarili " ano ba inay !!! hindi nyo po ba nakita ang nangyari sa kanya kanina , hindi sya ordinaryong tao , papano kung masam sya na sasaktan nya kayo , galing sya sa kung saang mundo hindi natin kilala ang pagkatao nya , bakit tayo magtitiwala sa kanya inay !! kaya halika na umalis na tayo dito !!! sigaw ni carlsu sa inay nya na pilit nyang hinihila subalit nagpumiglas ang ina ni carlus at agad na sinampal si carlus at naluluha ang mata nito
" carlus , nangako ka sa kanya na tayo muna ang mangangalaga sa kanya, anak hindi kita pinalaki ng walang awa " senyas ng maluha luhang ina ni carlus habang nanginginig dahil sa nagawa,
Natigilan si carlus sa naging reaksyon ng ina at mabilis syang tumalikod at umalis sa harapan ng ina at madre , nang makasalubong ng pare ay agad na hinabol sya at pinipigilan
"carlus carlus...maaring ito ang tadhana mo carlus .... Makinig ka sa iyong puso .. .. kung guisto mo pang may malaman tungkol sa simbolo na meron si amy at malaman ang totoo nyang pinanggalingan, hanapin mo si professor Winston cley sa university of st. rafhael baka matulungan ka nya . naniniwala ako sayo carlus ,kelangan ng tulong ni amy at maaring ang buong mundo . " habol na salita ng pare kay carlus na agad umalis at lumabas ng simbahan .
Iniwan nya ang ina na umiiyak habang yakap ng madre , habang ang pare ay nakatingin kay carlus habang papalayo sya ng simbahan
"carlus , gagabayan ka ng panginoon , bulong ng pare ng nasa pintuan ng simbahan at nakatingin sa papalayong si carlus at napatingin sa kalangitan , sa paglalakad ni carlus pilit nyang inaalis sa isipan ang mga nakita at sinabi sa kanya ng pare ,
Habang umiinom ng alak na tinago nya sa kanyang jacket naglakad lamang sya ng naglakad hanggang sa makarating sa makarating sa underground na sakayan ng train , malapit na magdilim ng mga oras na iyon sumakay sya sa train at hindi alam kung san ito pupunta unti unting tinatamaan na nang kalasingan si carlus , umiiwas sa kanya ang mga taong nasa loob ng train naang iba ay mukhang nagoopisina ,edukado at estudyante ,
Mayroong matandang babaeng nakatitig kay carlus sa mismong tapat nya katabi ang ilang babae at lalaking abala sa pagtetext at ang isa ay natutulog , napatitig si carlus sa matanda , ngumiti si carlus sa babaeng matanda
" o mam, gusto nyo rin po ba uminom hehe" tila lasing na sabi ni carlus sa matanda na tila wala na sa sarili , umiwas lamang sa kanya ang mga katabi at bumaba na sa tinitigang station at muling umandar ,mangilan ngilan na lamang ang tao sa loob at naiwan roon ang matandang babaeng nakatingin kay carlus ,
Nang mapasandal si carlus tila unti unti ng umiikot ang paningin nya at nararamdaman nya ang hininga nya ng mapatingin muli sya sa matanda ay nagiba na ang itsura nito na tila nanlilisik ang mata at naging halimaw ang itsura nito , inakala ni carlus na dahil sa pagkalasing nya kaya agad nyang hinawakan ang mata , subalit ganun parin ang nakikita nya , dahil sa epekto ng alak nahirapang tumayo si carlus at umiikot na ang paningin nya ng sinubukan nyang maglakad habang umaandar ang train ay pagewang gewang sya at nababangga ang ilang taong nasa tren na ang tingin nya ay nakakatakot na halimaw, mabilis ang tibok ng puso nya kasabay ng pagbagal ng naririnig nya ang hininga nya , hindi na nakaya ni carlus ang pagkahilo hanggang sa bumagsak sya sa sahig ng train at nakita na lamang ang mga sapatos ng mga pasahero sa loob nito , agad na nilapitan sya ng mga tao at tila bumagal ang oras ng paligid nya
BINABASA MO ANG
AMY CANDY - [COMPLETED] volume 3( ameresa )
काल्पनिकNakilala ni amy si carlus isang cold hearted and serious guy na walang ibang pinagkakatiwalan kundi ang sarili nya , can yesa change him ? Darating ang mga ibat ibang halimaw na magtatangkang patayin si amy paano ni carlus malalabanan ang mga ito