Sa pagubo nyang iyon nakita nya ang bahid ng dugong nanggaling sa bibig nya na pumatak sa lupa agad nyang pinunasan ang bibig at inayos ang sarili , nang may nakakita sa kanya na kapitbahay na matandang lalaki at tinanung kung okay lang sya ,agad syang umakyat sa tinitirhan nilang apartment at pilit na huminahon sa kabila ng mga nakita
Pagpasok nya sa tinitirhan ay nakita nya sa sahig si amy at ang ina nito na nagkwekwentuhan at habang sige sa sign language ang ina ni carlus , kumuha ng tubig si carlus at uminom at pinagmamasdan lamang ang ginagawa ng dalawa tinuturuan ng ina ni carlus si amy na magtahe ,
Nakangiti lamang si amy sa ina nya at tuwang tuwa sa ginagawa , kinagabihan ay agad nakatulog ang ina ni carlus katabi si amy na nakatulog narin habang si carlus ay umiinom ng beer at nakadungaw sa bintana na maliit na terece ng apartment na tinitirahan nila nakatingin sa madilim na kalangitan ,
Habang si amy naman ay nagising mula sa pagkakatulog nagitla sya ng may makitang isang magandang babae na may kakaibang kasuotan na tila sa diwata at may tatak ang kanyang leeg na tila sa sa buwan na may bituin , hindi bumubuka ang bibig nito subalit narrinig ni am yang pagtawag nito sa kanya ,
"ameresa bumangon ka halika sundan mo ako " sabi ng mahiwagang babae na may mahabang itim na buhok at itim na mahabang gown ang sout nito
"sino ka anong kailangan mo sakin" sabi ni amy ng umupo sa kama at tingnan ang kakaibang babae ,
" halika ameresa hindi ka na maaring magtagal sa lugar na ito halika" yaya sa kanya ng babae ng hawakan ang kanyang kamay at akayin sya tumayo si amy at sumunod lamang sa babae na tila hangin na nakalutang at tila umaalon ang buhok at kasuotan , bilog na bilog ang buwan at napakatahimik ng paligid , ng lumabas ng silid si amy at ang babae ,nagitla si carlus na gising pa at umiinom ng alak at nakatingin sa bintana nakita nyang unang lumabas si amy lalapitan nya sana ito ng makita nya na kasunod ang kakaibang babae na tila isang multo na lumulutang sa hangin subalit may magandang mukha at katawan agad na nagtago si carlus ng tila sunud sunurang naakay si amy ng babae, papalapit sa malaking bintana.
"halika ameresa malapit na tayo , dadalhin na kita sa lugar kung saan ka nararapat " sabi ng mahiwagang babae na dahan dahang may nabubuong itim na usok sa kamay nito na naging isang patalim at akmang sasaksakin si amy sa kanyang dibdib , subalit agad na tumakbo si carlus at hinila si amy at iniiwas sa mahiwagang babae ,agad na inilabas ni carlus ang baril nya at agad na itinapat sa mahiwagang babae.habang si amy ay tila nagulat ng makita si carlusat natauhan na humarap sa babae ,
"sino ka ?anong nilalang ka ?bakit mo gustong patayin si amy ?sigaw ni carlus habang nasalikod nya si amy at matapang na nakatingin sa babae , tila nagbago ang mahinahong mukha ng babae at agad na naging masungit ang itsura nito at tumawa ito ng malakas , "hahahaha akalain mo nga naman na hindi lamang si ameresa ang makikita ko rito , narito rin pala ang magiting na si caspin ,paano at nabubuhay ka pa ?"sabi ng mahiwagang babae ng tila nilamon ng anino nito ang liwanag sa paligid ng kanilang kwarto nila ,at tanging ilaw lamang ng poste sa labas ng apartment ang nagsisilbing liwanag nila, agad na naglaho sa paingin nila ang babae subalit naririnig parin nila ang boses nito ,
"anong magagawa ng isang mahinang tao na tulad mo sa kapangyarihan ng isang dyosang tulad ko ha caspin , is aka nalamang nilalang na laruan lamang " sabi ng boses ng babae habang umiikot si carlus at mahigpit na hawak si amy gayundin ang baril nya ,
"anong kaylangan mo kay amy , sinong caspin ang sinasabi mo ? wala akong paki kung ano ka man,,, o kung san ka nagmula ito lamang sasabihin ko sa nyo hindi nyo sakin makukuha si amy , "
sigaw ni carlus habang hinahanap ang babae sa madilim na apartmentMalakas na tumawa ang mahiwagang babae , " hahahaha di ka parn nagbabago caspin pinoprotektahan mo parin si ameresa , si ameresa na naging sanhi ng kaguluhan sa ating mundo , sya na may kasalanan kaya nagkaroon ng digmaan sa ating mundo , hindi ko sya mapapatawad caspin ...." Biglang nagalit na boses ng babae na syang nagpatakot kay amy na mahigpit na humawak kay carlus
"hindi ko alam ang sinasabi mo ,,, patawarin mo ako kung may ginawa man ako patawad " sabi ni amy ng lumuhod at nakikiusap sa babae,,..
"hahaha hindi kita mapapatawad ameresa ,,, mamamatay ka ..... sabi ng babae ng agad na lumakas ang hangin at pilit na hinihila si amy ng kadiliman subalit hindi ito binibitiwan ni carlus ,
"amy kumapit ka ,,,.."sigaw ni carlus na halos tila hinihila si amy sa isang madilim na hole at gumagapang sap aa nya ang isang madilim na anino ,
"carlus,,,.. nanginginig na boses ni amy sa takot ... at hirap ng pagkapit ni amy ..
Nang may gumagapang rin na anino sap aa ni carlus ,,"anong nangyayari , amy ... kahit sino pakiusap ,,,tulungan nyo kami iligtas mo si amy pakiusap "bulong ni carlus ng nahihirapan sa hawak kay amy , habang naririnig nya ang boses ng babae na walang tigil sa pagtawa ,
Nang may nakita si carlus na maliit na liwanag mula sa patak ng luha ni amy , nagliwanag ito hanggang sa tila naging yelo na gumapang sa itim na anino at hinigop ang lakas nito nawala sa pagkahila si amy gayundin si carlus at agad na lumayo ang anino na nabuo namuli na isang mahiwagang babae.
tila nanghihina ang babae na masamang tumingin sa kanila " ikaw ,hindi ka na dapat nakialam pa ferlepia , alam moa ng kahihinatnan nitong ginawa mo ,"
Biglang naglaho sa loob ng silid ai carlus at amy na nagteleport sa gilid ng dagat at bumagsak sa lupa , parehas Hirap sa pag tayo habang hinahabol ni Amy ang paghinga na napayuko sa buhangin agad na pinuntahan sya ni carlus at tiningnan ang mukha nito
Amy ?? Amy - okay ka Lang ba ? Pagaalala na natin sa mukha nito ng hawakan nya ito sa ulo at inalalayan mga bumangon
Tumango at napangiti si Amy na mabilis na yinakap ni carlus - " mabuti naman " humawak sa likod ni carlus si amy nang pumikit at kampante na ang mukha
The end - see next volume 4
BINABASA MO ANG
AMY CANDY - [COMPLETED] volume 3( ameresa )
FantasyNakilala ni amy si carlus isang cold hearted and serious guy na walang ibang pinagkakatiwalan kundi ang sarili nya , can yesa change him ? Darating ang mga ibat ibang halimaw na magtatangkang patayin si amy paano ni carlus malalabanan ang mga ito