Tumayo si amy at tumingin din sa mga ilaw ng building "kinuwento sakin ng iyong ina noon daw ng bata ka mayroon kang isang naging kaibigan brownie raw ang pangalan cute na tuta daw ito ,nakuha mo ito ng binabato ng mga nagaaral na bata habang ikaw naman ang nagtitinda ng candy , iniligtas mo raw ito mula sa kanila at hinayaan ang sarili moa ng mapuno ng sugat para lamang sa kaibigan mong iyon ,nagkasama kayo ng matagal , pero biglang nawala ang kaibigan mo at ng makita mo ito ay wala ng buhay , " sabi ni amy ng nagulat si carlus subalit nakinig lamang sya rito tila naging seryoso ang tono ng boses ni amy
"carlus ngayon na puno ng sugat ang iyong katawan alam kong may pinoprotektahan ka , at ang nanay mo iyon dahil mahalaga sya sayo tulad ng kaibigan mong nawala sayo , mabuti kang nilalang carlus .alam kong kakayanin mong mahanap ang katahimikan " sabi ng malalim ni amy kay carlus ngumiti sya at tila bumalik na isang bata , natigilan si carlus dahil sa unang pagkakataon na marinig ng magsalita ng ganoon ang babae na tila may kung ano sa puso nya ang kumirot na tila nakaalala ,
Habang nakatingin sya sa babae" bakit ganito ,parang nakita ko na sya dati tila may nagsabi narin sakin ng ganun dati .. hindi ko maalala ang dibdib ko bumibilis ang tibok nito , aray" sabi ni carlus ng ininda ang sakit ng dibdib at napayuko agad na nakita ni am yang nangyari at inalalayan nya si carlus , bumaba na sila sa hagdan at nagtungo sa ina ni carlus agad na inalalayan ng nurse si carlus at muling hiniga sa kama nito at tahimik na nagpahinga , nakiusap si carlus sa doctor at pare na wag na lang ipaalam sa ina ang sakit dahil ayaw nya itong mahirapan at madepress sa sakit nya ,ang alam lamang ng kanyang ina ay tb lamang ang sakit ni carlus na curable at hindi ang cancer , habang nasal abas ang ina at kausap ang doctor tungkol sa mga gamot nya si amy naman ay binabantayan habang natutulog si carlus tahimik at payapang natutulog
Hindi lamang ito ang pagsubok na haharapin ni carlus at may mas Malaki pang pangyayaring magpapabago sa kanyang buhay , sa paghahanap sa kanila ng kakaibang halimaw buong mundo ang mababago ang kapalaran na syang pagsisimulan ng kaguluhan
Sa malayong lugar ay hindi nila batid ang kaguluhang nangyayari sa isang maliit na bayan na tinatawag na billstreet pinuntahan ng nakakatakot na halimaw na syang sumapi sa isang lalaki napabalitang nilooban ang isang club sa lugar at pinagpapatay ang mga taong naroon, at nagiiwan ng simbolo gamit ang dugo ng tao sa sahig, tila isang simbolo ng paghahanap ng kasama .
Isang linggo na rin ang itinagal ni carlus sa ospital at nagpumilit na syang lumabas , kahit ayaw ng kanyang ina . sinundo sya ng kaibigang pare .
"sigurado k aba sa binabalak mo carlus nakausap ko na ang mga doctor may roon silang alam na pwede nating puntahan na foundation matutulungan ka nila para magamot ang cancer mo , " sabi ng pare ng sumasabay sa paglalakad ni carlus palabas sa ospital subalit tila buo na ang loob nyang hindi dumaan sa kemo dahil alam nyang wala ring kasiguraduhan kung mabubuhay pa sya at alam nya na nanghihina at halos mamatay na sa paghihirap ang mga dumadaan doon ,
"pakiusap pader nakapagdesisyon nap o ako , iinom nalamang po ako ng gamot para hindi ako sumpungin , at please po wag natin pagusapan ito ngayon na malapit ang aking ina pakiusap po " bulong ni carlus sa pare habang papalapit sa kotse kung saan nagaabang sila amy at ang ina nya
Bumalik muli ang lakas ni carlus at iniwasan ang magpahalata sa ina sa nararamdaman ,agad silang pumasok sa harap ng driverseat habang ang dalawang si amy ay nasa likuran ng kotse ,
Nagpahatid sila sa pare sa apartment na tinitirhan nila upang makapagpahinga , pagdating nila roon ay agad na sinalubong sila ng mga batang nakakausap ni amy at agad na niyakap sya , naiinis man si carlus ay wala syang magawa sa mga batang maingay at sa kanyang paglingon mula sa kanyang likuran ay nakita nya muli ang batang lalaking nagpapakita sa kanya na nakatayo sa likuran ng maraming bata at nakangiti lamang sa kanya,sinundan nya ang bata habang sila amy at ang ina nya ay pumasok sa building apartment kasama ang mga bata
" sandali lang bata " habol ni carlus sa batang lalaki na naglakad na papalayo sa kanya agad naman na naabutan nya ito sa isang maliit na playground malapit sa apartment nila nakangiti itong humarap sa kanya
"sabihin mo sakin sino k aba talaga bata bakit mo ko kilala , at bakit may mga nangyayaring kakaiba sakin ,naalala kong nakita kita mismo sa lugar kung san ko nakita si amy sabihin moa no bang nilalang ka ?" naguguluhang sabi ni carlus sa batang nakangiti sa kanya habang sumakay sa siso ,
" hindi mo ba talaga ako nakikilala carlus ,matagal na kitang binabantayan ? ''" sabi ng bata ng mapatingin si carlus ay agad itong nawala sa kinauupuan nito at hinanap nya ito at agad itong napunta sa duyan ,
"sabihin mo sakin multo k aba? Ano bang kelangan mo sakin ?"nalilitong sabi ni carlus ng magulat na agad nakalipat ng pwesto ang bata
"alam ko lahat ng nangyayari sayo carlus ,mula ng isilang ka at magpahanggang nagyon na kasama mon a si amy ,hindi ako isang multo carlus ,nakalimutan mo na ba talaga kung sino ako " sabi ng bata habang dinuduyan ang sarili
Nakatayo lamang si carlus na tila umeeko sa tenga nya ng sinasabi ng bata at wala syang nagagawa kundi ang pagmasdan lamang ito ,nang may isang tila balahibo puti ang nahulog sa kanyang paa , yumuko si carlus at dahan dahang pinulot ang balahibo , nakayuko parn sya ng makita nya sa hara pang batang kausap at nasa tapat nya na .
"carlus ...ako..............................bahagi .................mo ako ................ako ang natitirang ................kapangyarihan na meron ka...........ako.......ang lakas,kabutihan at katapangan mo carlus.......................................
"ako .............................at .........................ikaw........................ay ..............iisa........."
Sabi ng bata na tila umeeko sa pandinig ni carlus pagsabi nyang iyon ay tila naging isang usok ang bata at agad na pumasok sa katawan ni carlus,umiikot ang paningin nya na tila nanghina sya ng marinig ang sinabi ng bata at napalugmok sya sa lupa at nakahawak ang kamay sa lupa, at hinahabol ang paghinga at umuubo
BINABASA MO ANG
AMY CANDY - [COMPLETED] volume 3( ameresa )
FantasyNakilala ni amy si carlus isang cold hearted and serious guy na walang ibang pinagkakatiwalan kundi ang sarili nya , can yesa change him ? Darating ang mga ibat ibang halimaw na magtatangkang patayin si amy paano ni carlus malalabanan ang mga ito