EPISODE 2

4 1 0
                                    


Nay , humanda kayo ,dumeretso agad kayo sa kotse " sinukluban ni carlus ang ulo ng babae para hindi makilala nakatingin lamang ang babae sa mukha ni carlus at inakay na agad ng ina nya, hinarangan ni carlus ang mga reporter at hinila ang medic ,para ipainterview at malibang ang mga ito , matapos ay may nakakita na pulis sa ina ni carlus at sa babae na papatakas na agad na tumakbo si carlus at itinulak ang pulis at agad na sumakay sa kotse, mabilis na pinaandar ni carlus ang kotse, nagulat ang mga pulis at agad na hinabol sila, nagkagulo ang mga tao ,

ilang oras mula sa pagtatago nila carlus pinadara nila ang kotse nila sa isang eskenita sa gilid ng mga lumang building , kung san patuloy silang hinahabol ng mga pulis, mabuti na lamang tumigil na ang mga ito sa paghahanap sa kanila,

Nanghihina ang babaeng nakuha nila carlus sa pand,habang hawak ito ng nanay ni carlus nagsign language ang nanay nya na kelangan makauwi sila para makapahinga ang babaeng kasama nila,

Alam ni carlus na mali ang ginawa nya ng kunin ang babae pero may kung ano na nagsasabi sa isip nya na kelangan nyang matulungan ang babae na hindi nya alam ang pinagmulan , natulog ang babae habang nakasandal sa ina ni carlus, nang gumabi na ay saka umuwi sila carlus sa inuupahang apartment building , binuhat nya ang babae at inakyat sa second floor kung saan nandoon ang tinitirhan nila , madilim na sa paligid at tahimik habang mabilis na inaalalayan sya ng ina,

Ipinasok ni carlus sa kwarto ng ina ang babae at inalapag sa maliit na kama nito , nagsign language ang ina nya na hahanapan nya ng damit ang babae para mabihisan , tumango lamang si carlus at agad na lumabas sa kwarto ng ina , agad na tumungo si carlus sa kusina at uminom ng tubig at umupo ,

Ano bang nangyayari sayo carlus bakit mo sya kinuha ?hindi mo sya kilala,pero kanina ano bang mga nangyari ? alam ko sigurado ako sa nakita ko mula sya sa liwanag na iyon bumagsak sya sa tubig, at ang mga tao ,ahhhhh" ginusot ni carlus ang buhok sa pagkagulo sa mga nangyayari at agad na tumayo at tumungo sa banyo at kumuha ng pangpakalma nya sa maliit na cabinet na nasa banyo ,dalawang tablet ang ininom nya ,

Nang sinilip sya ng ina na nakangiti sa kanya

Anak wag ka nang magalala , okay naman na sya, binihisan ko na sya at malalim ang tulog nya" sign language ng ina nya

Hindi naman po ako nagaala sa kanya, nay tama baa ng ginawa natin na kinuha sya pano kung may mga kamaganak na naghahanap sa kanya hindi sya pwedeng magtagal sa atin " sabi ng seryoso ni carlus, nang lumabas sa banyo at tumungo sa ina,

Pero pano kung wala syang kamaganak anak , mukha naman syang mabait ,baka may problema sya kaya tinangka nyang magpakamatay sa pand carlus, baka mabuting dumito muna sya ," sinyas ng ina na nagaalala sa babae,

Sige nay , bukas tatanungin natin sya kung may mga kamaganak sya ditto kapag meron ihahatid ko sya pero kung wala na papayagan ko syang dumit muna pero pansamantala lang dahil hindi sya pwedeng magtagal" sabi ni carlus ng seryoso sa ina, tumango lamang ang ina . sinilip ni carlus ang babae sa kwarto ng ina nya habang ang nanay nya ay nasa teres at nilalabhan ang damit ng babae, nakita nya na mahimbing itong natutulog ,

Walang ibang nasaisip ni carlus kundi ang pagtataka at maraming katanungan kung san at sino ang babaeng ito , pero sigurado sya sa sarili nya na hindi dapat magtagal ang babaeng ito sa tahanan nila,

Tumungo si carlus sa kwarto nya at natulog na , lumipas ang mahabang magdamag at mga kakaibang nangyari ng araw na iyon at sumapit na ang umaga, nagising si carlus mula sa ingay ng mga batang nagtatakbuhan at nagiingay sa kalsada ,sumakit ang ulo ni carlus dahil sa ingay ng mga batang tumatakbo , agad syang bumangon at umupo sa kama nya nakahawak sa sumasakit na ulo ,nanggigigil na tumungo sa bintana at tiningnan ang mga batang nagiingay , medyo malayo ang kinaroroonan ng mga ito pero tanaw nya ang magugulong mga batang lalaki ang babae na paikot ikot sa kalsada at nagtatawanan , padabog na lumabas si carlus sa kwarto at nakita sa kusina ang nanay na naghahanda ng almusal ,

Hinarang sya nito pero pinahintay nya at agad syang tumungo sa teres para sigawan ang mga batang nagtatakbuhan

Hoy !!!!! di ba sinabi ko na sanyo wag kayong maingay dyan , dun kayo maglaro sa park hindi dyan sa kalsada!!!!!! Bulyaw ni carlus sa mga bata , nagulat ang mga bata " naku gising na si kuya incredible huck tara na alis na tayo " sabi ng isang batang babae, nang humahabol sa mga ito ang babaeng nakuha nila carlus sa pand ,tila isa itong batang nakikipaglaro sa mga bata at nakikipaghabulan , napansin ni carlus ang babae ,suot na nito ang damit na bestidang puti na suot nya ng makita nya ito sap and,nakapaa at walang pakialam sa mga makakakita sa kanya,.

Nagulat si carlus sa asal ng babae na tumatalon at tuwang tuwang umiikot at nakikipagtawanan sa mga bata, minamasdan lamang ito ni carlus ng biglang lumapit sa kanya ang ina

Anak yan nga ang gusto kong sabihin sa iyo , kaninang pagkagising nya nakipaglaro na sya sa mga bata , para bang ngayon lang sya nakakita ng mga tao " sinyas ng ina ni carlus, habang si carlus ay nakatingin sa babae,

Subalit tila nainis si carlus sa kinilos ng babae at nagmadaling bumaba sa kalsada , agad naman na sumunod sa kanya ang ina,

Nay , hindii ko alam kung bakit ganun ang kilos nya pero , hindi sya pwedeng lumabas labas ng ganun papano kung may makakilala sa kanya" sabi ni carlus na galit na bumaba sa kalsda,

pagkakita ng mga bata kay carlus agad itong nagtakbuhan naiwan naman ang babae na tumatawa at hinahabol ang mga bata,

sandali, wag nyo ako iwan " sabi ng babae na tila batang humahabol sa kalaro , hinawakan sya ni carlus sa braso at agad na humarap ang babae kay carlus sa pagtataka nito ,

ano bang ginagawa mo ah? Baliw k aba ? tingnan mo nga sarili mo nakapaa ka pa, pinagtitinginan ka ng mga tao , " galit na sabi ni carlus ng tumingin sa babae,

nagtataka lamang ang babae sa reaksyon ni carlus at tumingin sap aa nya ng itinuro ni carlus ito , tumingin ang babae sa suot na tsinelas ni carlus at yumuko ito at hinawakan ang paa nya

gusto ko rin magkaroon ng ganyan " sabi ng babae na umupo at hinawakan ang madumi nyang paa, nagtaka si carlus sa kinilos nito at tumingin sa mga taong nakapaligid sa kanila at nagtataka sa kilos ng babae, agad na hinawakan ni carlus sa braso ang babae at hinila papasok sa building at paakyat sa hagdan ,

nay , wag mo syang papayagan na lumabas ng magisa" sabi ni carlus habang hinihila ang nagtatakang babae papasok sa tinitirhan nila.

Padabog na isinara ni carlus ang pintuan at sumigaw"ano bang pinaggagawa mo ha!!!!? Hindi ko alam kung san planeta ka galing o may tama ka sa utak , sabihin mo nga sakin kung san ka galing ha!!!" para maihatid na kita!!!"sigaw ni carlus sa babae matapos ibagsak ang pintuan , nagitla ang babae at tila batang takot na agad na nagtago sa likuran ng ina nya

"carlus tumigil ka nga sa asal mo bisita natin sya , natatakot sya sa ginagawa mo " sinyas ng ina nya , habang nakayakap ang babae ditto at nakaiwas ang mukha at di matingnan si carlus sa takot ,

"Nay naman nakita mob a ang inasal nya baliw ata ang babaeng yan mabuti pa ihatid ko na sya sa mga pulis, para sila na ang bahala magpagamot sa babaeng yan" inis na sabi ni carlus habang padabog na pumunta ng kusina

Pinaupo ng ina nya ang babae at sumunod naman kay carlus ang ina

"Anak , hindi ko alam kung bakit ganyan ang kilos nya pero sigurado akong wala syang sakit , pwedeng may takot lang sya o kaya dahil lang sa pagkahulog nya sap and kung bakit sya nagkakaganyan pero baka mapano sya kung ibibigay natin sya sa mga pulis, ako na lang magaalaga sa kanya, " sinyas na mabilis ng ina habang seryoso ang mukha nito ,

Hindi pwede nay , tingnan nyo nga po sya , hndi sya normal ni hindi nya alam ang tawag sa tsinelas at kung kumilos sya para kapapanganak palang sa kanya , para syang bata na walang alam ," sabi ni carlus na umiwas sa ina at galit na pumasok sa kwarto at naghahanap ng damit ,

Habang ang babae ay nasa sahig at nakaupo at inosenteng tinitingnan ang lamesa na may dyaryo,

AMY CANDY - [COMPLETED] volume 3( ameresa )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon