Sabi nila ang love daw ay kombinasyon ng lahat ng pakiramdam na maaaring maramdaman ng isang tao.SAYA.
LUNGKOT.
PAGKADISMAYA.
COURAGE.
SELOS.
KILIG.
GALIT.
At marami pang iba.
Sabi nila malalaman mo raw na IN LOVE ka kapag...
Tumigil ang mundo sa pag-ikot nito, o hindi kaya'y naramdaman mo iyong slow motion moment ng buhay mo.
Kapag nararamdaman mo iyong mga paru-parong naglalaro sa tiyan mo.
Kapag kasama mo siya, ganado ka sa lahat ng bagay. Interesado ka sa mga thoughts, objects and ideas na connected sa kanya.
At ang pinakamasaklap daw ay nagsisimula ka ng tubuan ng mga tigyawat sa mukha.
At oo, napaniwala ako rito. Sino ba namang kasing hindi? Halos lahat 'yan naramdaman ko kay Pee-Jay. Pero totoo rin na sobra-sobra niya akong nasaktan. At dahil sa kaniya nagsimulang mag-iba ang perception ko sa LOVE.
Para sa akin, ang love ay isang affection na maaaring magbago anytime, depende sa sitwasyon.
According to Heraclitus, change is the only permanent in this world. At naniniwala ako roon.
Ngunit mababago kaya ang pananaw kong ito ng isang lalaking tila hulog ng langit? Paglalapitin kaya ang aming mga puso ng mga nagungusap na himig?
------------
This is a work of fiction. Names, places, events and incidents are made of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual person, places and events are purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME.
------------
A/N: This part is dedicated to @Quietly_Yours. Opo, walang iba kun'di ako. Salamat self sa pagtitiwala sa sarili mo.
Fighting! Praying for more readers to come.
Feel free to leave your feedback on the comment box.
See you on the next part!
E R R O R S A H E A D !
YOU ARE READING
Lyrics On His Melody
Teen FictionLyrica, an 18 year-old stubborn girl who believed that the concept of 'Love' changes depending on the current life situation. And then, she suddenly met a guy whose more likely sent from the heaven's above. Who also believe that the right person com...