LEINOEL's POV
Nandito na ako sa bahay ngayon. Iniisip pa rin kung tama bang hindi ko sinabi kay Teacher. Ang saya niya kasing nagku-kwento kanina, hindi ko maatim na sirain at ipagkait sa kanya 'yong ganoong pagkakataon.
Text message
From: Mico
I-check mo messenger mo, sinend ko 'yung details para sa seminar.
To: Mico
Anong seminar?
From: Mico
Seminar for song writing. Maswerte tayo dahil dito sa school campus natin gaganapin. Bihira lang 'to mangyari, you should take this opportunity.
One year ago. I was an 11th grader back then, first batch of Senior High School curriculum. Everyone compliment me for having such a gifted talent in terms of musical instruments. Sabi nila, I also have an ability to compose a song.
Binigyan nila ako ng task. They asked me to create a school hymn for Senior High School, which is exclusive only for our school.
Nang iparinig ko yung nagawa kong hymn, sabi nila hindi daw magmatch yung lyrics sa tono. And worst, hindi daw kaaya-ayang pakinggan.
Since then, they doubted my skills and abilities. I really felt so down that time, but I saw Kath. She smiles at me so sweetly and says, "You did a great job." Kaya mula noon, bukod sa pagtugtog ko sa church, sa kaniya ko na lang pinaparinig kung paano ako tumugtog ng instruments. Ngayong wala na siya, sino pa ang mangangahas na makinig at magcheer sakin?Maybe, I should overcome this fear of mine.
Nang i-check ko 'yung sinend ni Mico na picture, suddenly, a chat from Lyrica appeared. Kanina pang 5 pm niya 'to sinend. And as I looked onto the photo. Umiinom siya...
or maybe sila. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko and it's already quarter to eight.
[on chat]
LYRICA DAWN SANTIAGO
"I'm with Pee-Jay and his friends." Chat niya kanina pang 5 pm.
"Nanjan ka pa ba? Kasama mo pa ba siya?" I quickly replied, pero sineen niya lang yung message ko.
[end chat]
So I decide to call her phone number. Nakatatlong ring pa iyon bago niya tuluyang sinagot.
[on call]
"Hello. Hello Lyrica." agad na sambit ko nang sagutin niya ang linya.
"He-hello." sagot niya, naririnig ko naman ang mga boses na nagtatawanan sa kabilang linya. "Sino 'to?" tanong pa niya.
"Si Leinoel 'to. Nasaan ka? Pupuntahan kita!"
"Nandito sa ba---" bigla na lamang naputol ang linya.
[end call]
Naihagis ko pa ang cellphone ko sa sofa. Pee-Jay! What have you done? Mabilis kong tinungo ang kwarto ko at kinuha ang susi ng motor ko.
"Pa, pwede ko bang gamitin yung motor ko?" paalam ko kay Papa.
"Gabi na 'nak, delikado na sa daan."
YOU ARE READING
Lyrics On His Melody
Teen FictionLyrica, an 18 year-old stubborn girl who believed that the concept of 'Love' changes depending on the current life situation. And then, she suddenly met a guy whose more likely sent from the heaven's above. Who also believe that the right person com...