Chapter 6

37 18 27
                                    

LYRICA's POV

Plano kong surpresahin si Pee-Jay, medyo matatagalan bago kami magkakasama ulit, dahil bukas na ang start ng CAT Training nila.

Sabi ko naman sa kaniya na hindi na necessary ang pag-attend niya do'n since lilipat 'din naman siya ng school, pero mapilit talaga. Kaya no choice, hinayaan ko na lang siya na gawin 'yong gusto niya.

Naririto ako ngayon sa palengke, katatapos kong bumili ng ingredients para sa gagawin kong graham cake, na ibibigay ko kay Pee-Jay.

Pauwi na sana ako, pero nakalimutan ko palang bumili ng mangga. Mas masarap kasi ang graham cake kapag may mango.

Paglingon na paglingon ko, tumambad sa aking harapan si Pee-Jay. And want to know what's the heartbreaking part? Kasama niya lang naman 'yong ex-girlfriend niyang si Kailee. Pero may mag-ex bang magkaholding-hands?

"Pee-Jay." mangiyak-ngiyak na sambit ko.

Ayaw kong mag-overthink. Ayaw kong manghusga na lamang nang basta-basta, pero tila ang puso't utak ko'y nagsanib puwersa. Tila sang-ayon sila na tama ang ideyang naglalaro sa isipan ko sa mga pagkakataong ito.

"Ah, Kailee, si Lyrica, churchmate ko." 

Ang huling dalawang salitang ibinigkas niya ang siyang tuluyang nagpaguho ng mundo ko. Ang siya ring tuluyang nagpatulo ng mga luha ko.

Yumuko ako at mahigpit na napahawak sa paper bag na dala-dala ko. "Sige, mauuna na ako." tumalikod ako agad pagkabigkas ko ng mga salitang iyon.

Nasasaktan ako nang sobra. Malabo na rin ang aking paningin dulot ng mga luhang inilalabas ng mata ko.

Gusto ko siyang murahin! Gusto ko siyang sampalin! Pero tila nanghina ako, tanging sakit lang ang siyang nararamdaman ko. Nawalan ako ng lakas ng loob na lumaban. Tila ang pagiging bitchesa ko ay nawala sa mga pagkakataong iyon. Kung kailan naman kailangang-kailangan kong maging tarantada, doon pa ako nanghina.

Tuloy-tuloy ang paglalakad ko. Maging ang mga sasakyang nagdaraan sa highway ay aking binalewala at nagpatuloy lang sa pagtawid ng kalsada.

Sari-saring lakas ng busina ang naririnig ko, ngunit parang ayaw iyong i-accept ng mga tainga ko. Wala akong pakialam kahit na masagasaan pa ako. Ang tanging nais ko lang ay magwakas na nawa ang letseng sakit na nadarama ko.

Hindi ko alam kung ga'no na kalayo ang narating ng mga paa ko. Ang tanging bagay lang na siyang sigurado ko ay hindi ako pamilyar sa lugar na ito.

Hinugot ko ang cellphone ko, nagbabaka-sakaling makakatanggap ng message na galing kay Pee-Jay. Ngunit tila ba pinapaasa ko na lang ang sarili ko. Pinaniniwalang baka mali lang ang pag-interpret ko.

Habang umaasa akong makakatanggap ng message mula sa kanya. Pasakit ng pasakit ang nararamdaman ko, dahil tuluyan lamang akong nabigo.

"Who could ever thought that even the sweetest person has their bitter side and could totally broke one's heart. I forgot, even the sweetest chocolate expires. Just like how's Pee-Jay sweetness ends."

Napasalampak na lamang ako sa sahig. Sobrang bigat na ng pakiramdam ko, hindi ko na mawari kung anong gagawin ko. Parang nais ko na lamang na mag-vanish bigla. Hindi ko na kaya!

After I posted a photo on my IG, inoff ko na ang phone ko. For sure marami nanamang tatawag sakin.

Umiyak ako nang umiyak hanggang sa magsawa na ang luha ko sa pagtulo. Wala sa sariling napatayo ako mula sa aking pagkakaupo. Nangangatog ang mga tuhod kong tumapak sa bakal ng tulay na kinaroroonan ko. Ngunit determinado na ako.

Lyrics On His Melody Where stories live. Discover now