Chapter 9

52 12 42
                                    

LYRICA's POV

Makalipas ang isang buwan ay gano'n pa rin ang pakikitungo namin ni Leinoel sa isa't sat. It was such a relief dahil hindi na rin naulit 'yong something close to confession na conversation namin. At isa pa meron na raw siyang babaeng nagugustuhan, kaya masaya ako para kay Leinoel.

Honestly, hindi pa ako nakakaget-over sa two-timer na Pee-Jay na 'yon. Hindi ko alam kung dahil ba sa sakit na dulot niya o sa galit na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kasi sariwa pa 'yong mga pangyayari. Hindi na nga pala siya umaattend sa Y.O. gatherings, at 'pag Sunday Devine Service naman nandoon siya sa pinakalikod pumipwesto. Wala rin siyang pinapansin kahit sino sa amin. Para bang ina-isolate niya 'yong sarili niya.

Sabi ni Faith, siguro raw kahit papaano ay nakaramdam siya ng hiya. Napairap na lang ako nang maisip kong muli iyon.

Nakaramdam ng hiya? Sino? Si Pee-Jay?

Kung nakaramdam talaga siya ng hiya, sana noon pa lang nakipag-reconcile na siya. Hindi lang sa amin ni Leinoel, kun'di pati sa mga kasama naming kabataan.

On the way ako ngayon sa bagong Milk Tea Shop dito sa lugar. Kasama ko ang mga fellow girls ko sa church. Just us, girls. Nang makarating na ako sa shop ay bumungad na agad ang malakas na bati nina Sharmaine at Bria.

"Nakapag-order na ba kayo?" tanong ko.

"Oo, inorderan kana rin namin." wika ni Faith.

"Thank you." wika ko, habang naglalakad patungo sa kinaroroonan nila.

Maya-maya lang ay ready na 'yong order namin.

"Kami na po ni Bria ang kukuha ng order." wika ni Sharmaine.

Halaghag niyang inilapag 'yong cellphone niya, agad ko naman itong nahawakan kaya naman hindi ito natuloy sa pagkakalaglag. Then, I accidentally saw her wallpaper. Picture nila ni Leinoel. Gulat man, ngunit umakto ako na parang wala lang. Good thing at hindi nila namalayan na nakita ko iyon. 

So, si Sharmaine 'yong babaeng tinutukoy ni Leinoel? Bahagya pang bumilog ang bibig ko dahil sa pagkagulat.

Pedophile? Sharmaine is just a Grade 7 student, while Leinoel is currently on his first year in college. Hindi ako makapaniwala sa nadikubre kong ito.

Mula nang umalis si Sharmaine sa kinauupuan niya, maging sa pagkuha niya ng milk tea hanggang sa makabalik siya sa pwesto niya ay hindi ko nagawang alisin ang aking mga mata sa kaniya. Ngunit nang dumako ang tingin niya sa akin ay mabilis kong inilihis ang aking ulo patungo sa kung saan. What's wrong with me? I'm making her and me uncomfortable. Ngumiti na lamang ako nang pilit sa kaniya. Hindi ko na muling ibinaling ang mata ko sa kaniya, baka kung ano pa ang isipin niya.

Hindi naman sa nandidiri ako, pero I didn't expect na si Sharmaine ang babaeng tinutukoy niya. Of all people, si Sharmaine talaga? Alam niya naman na wala pa sa tamang age 'yong bata para sa pakikipagrelasyon. Pwede namang si Faith. Nang lingunin ko si Faith na tutok sa cellphone ay umiling ako. Nakalimutan ko yatang si Chris nga pala ang tipo niya. Muli pa akong napailing ng maraming beses bago ko inumin ang milk tea ko.

Hinugot ko ang cellphone ko para i-text si Leinoel.

To: Leinoel

   Hoy! Mag-usap nga tayo mamaya.

Himala! Ang tagal niyang magreply ngayon. Dati-rati'y wala pang isang minuto ay nakatanggap na ako ng reply mula sa kaniya. 

Muli kong sinipat 'yong last message niya kahapon. Naka-schedule raw sila ngayon ni Mico for his Song Writing Lesson. Si Mico ang nagtuturo sa kaniya since hindi niya natapos 'yong seminar nila noon dahil sa kagagahan kong taglay. Malamang nasa school sila ngayon, maybe I should go there directly.

Lyrics On His Melody Where stories live. Discover now