It's been 2 months mula ng maging KAMI ni Ace.
Okay naman. He's just so inlove and sweet to me pero walang kaso saken. Lalo na't alam kong sa sarili ko ay hindi para sa'kin ang pagmamahal na binibigay niya because until now, I still don't believe that this body is mine, this life is mine, this position is mine. Ang labo parin talaga.
I'm just wondering, is this the final act? I mean, 2 months na ang itinagal ko dito and yet nothing is still happening. I'm expecting na baka maulet uli yung ganitong pangyayari na magigising ako but not in the same situation. It keeps on bugging me.
Yung work? Ayon nagagawa ko naman syang maayos yun nga lang nacu-curious parin ako dun sa lalakeng suki na ng coffee shop namin. I haven't talk to him mula noong last convo namin. He's Just smiling pag nagka-katama yung tingin namin. Di naman awkward pero I feel weird. But I just ignore it.
"Let's go? ", yaya na sa'kin ni Ace.
Sinundo niya kasi ako dito sa bahay which is daily routine na niya bago kame pumasok sa school. Ngumiti lang ako at sumakay na sa motor nya.
"Hug", sambit niya at walang alinlangang umakap sa kanya.
Medyo mabilis syang mag-patakbo lalo na't late na kami.
" Chelsea "
" Hmm? "
" Wala kabang naalala ngayon? "
" Ha? ", hindi ko siya masyadong marinig dahil nga maingay ang takbo ng motor.
"Ahh wala. "
" Mamaya mo nalang kwento, I can't hear you."
Hindi na siya umimik. Di niya rin siguro narinig. Naramdaman kong napahawak ang isa nyang kamay sa kamay kong nasa tyan nya. Eh?
" Nakayakap kana sa'kin pero bakit parang ang layo mo? "
" Ha? Ace? Mamaya mo na sabihin nga di kita marinig."
".....", nakahawak padin siya sa kamay ko. Ba't parang ang bigat ng pakiramdam ko bigla.
Napansin kong may tatawid na matanda pero huli na ng mag react ako. Sa di inaasahan.
*Beeeeeppp!! *
Na aksidente kame.
Ughh!! Masaket! Nadausdos kame sa gilid pero kaya ko pa naman kaya napa bangon agad ako, agad kong tinignan yung matandang tumatawid sa maling tawiran.
Pagtingin ko ay okay naman sya. Di naman siya natumba at nananatiling naka tayo. Si Ace naman? Agad kong nilapitan dahil naipit sya ng motor.
"Ace! Okay kalang? ", tarantang tanong ko.
Stupid Chelsea! Ikaw kaya ang iipit sa motor, okay ka pa kaya?!
"I-Iangat m-mo y-yung m-m-motor.", agad ko namang ginawa yon at success naman.
" Makakatayo kapa ba? "
Dahan dahan namang tumatayo si Ace at mukhang kaya naman nya konting alalay lang ang kailangan.
"Ace? Kaya mo paba? "
" Kaya ko pa naman.", he said and gave me an assurance smile.
Agad naming inalala si Lola. Tumakbo ako papalapit kay lola na naka tayo parin sa kinalalagyan nya. Hinawakan ko kaagad sya sa kamay .
"Lola, okay kalang po ba? "
"Lima."
" Po? "
YOU ARE READING
REALM
General FictionA story of a girl who is desperate to find her way back to her own world but the question is, does she have a world that she can call her own?