"Aya! Na accept kana ba? Na follow back kana ba?" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko. Kagigising ko palang yan na bungad ni liya sakin
"Liya! Umagang umaga naman inaasar mo yang si aya" tumawa si mia
"Para magising siya" bulong ni liya
"I can hear you bitch" bulong ko
"Guess what? Hindi pa yan napapansin" tumawa si ash
Bumaliktad ako at mas lalong diniin ang unan sa may tenga
"Hoy! Bumangon kana jan! Dika ba uuwi?" Na paupo ako sa sinabi ni Mia
"Anong oras naba?" Kinusot ko yung mata ko
"11:00" nag eempake sila ng gamit
"Bat parang mawawala kayo ng ilang araw?" Uuwi din naman kasi kami bukas kasi may pasok sa monday
"Labahan this" ako din pala madaming hindi nalabhan, kaya naman tumayo ako kaagad at nag toothbrush.
Nagempake din ako ng mga labahan ko, 3hours and 25mins ang byahe depende pa kung gaano katagal ang sasakyan mo pauwi sa amin kaya medyo bored ang byahe. Pagkatapos kong nagayos ng gamit naligo na kaagad ako ang oras na ay 12:30 medyo mabilis kasi akong gumalaw.
"Tara na" naglakad na palabas si liya. Sumunod naman na kami kaagad. Sumakay kami ng jeep papuntang terminal tsaka kami ng Bus papunta sa amin. Pareparehas naman kami ng home town kaso ibat ibang Barangay. Natulog lang ako buong byahe.
Pagkarating ko sa bahay tumakbo kaagad sakin yung pamangkin ko.
"Tita!" Nagpabuhat siya
"Hi Craige" pinisil ko yung pisngi niya
"Craige pagod si tita sa byahe halika na muna dito" binaba ko si craige tsaka siya tumakbo sa mama niya
"Asan si mama?" Tanong ko sa hipag ko. Nagmano nadin ako bilang galang.
"Lumabas sila ni papa diko alam kung san sila pumunta" tinanggal ko yung sapatos ko at nilagay sa shoe rock.
"Eh si Rade?" Nakababata kong kapatid
"Nag basketball nanaman kilala mo naman yun" nadaanan ko siguro siya kanina sa court diko lang napansin. "Kumain kana ba?" Tumunog agad yung kalamnan ko
"Hindi pa nga ate anong ulam?" Tumayo ako at dumeretso sa kusina
"Merong Adobo jan" sigaw niya
Wow favorite ko! Agad akong kumuha ng plato at kubyertos at nagsimulang kumain
"Late ka ata nakauwi ngayon?" Tanong ng hipag ko
"Late kasi ako nagising ate kaya late din nakauwi" sagot ko "Asan nga pala si kuya?" Tanong ko bago sumubo ulit
"Inaasikaso niya yung pinapatayo naming bahay jan lang sa kabila" Kinuhanan niya ako ng tubig
"Thank you ate, so nagpapatayo na pala kayo ng bahay kailan pa?" Dalawang linggo lang ata akong di nakauwi ngayon nagpapatayo na sila ng bahay
"Last week pa, syempre kailangan nadin namin bumukod ng kuya mo" ngumiti siya, nalungkot naman ako dahil wala ng craige na sasalubong sakin pag umuuwi ako "Wag kang mag alala malapit lang kami jan lang sa kabilang kanto gusto mo puntahan natin?"
"Oo sige ate mamaya" uminom na ako ng tubig.
"Tita look at my new toys! Mama buy this to me" pinakita sakin nung pamangkin ko yung bago niyang lego.
"Binili na mama sa kanya nung pumunta silang manila" ngumiti yung hipag ko
"Kailan?" Di man lang nila ako sinabihan
BINABASA MO ANG
The Stare (senior high crush series)
FanfictionAya, Isang Senior High School Student transferee sa Isa sa pinaka sikat na paaralan sa Manila, Babaeng nangangarap na mapasakanya ang isang sikat at mayaman na si JM ngunit ang lalake ay may ibang kasintahan at mahal na mahal niya ito. Ngunit isang...