"Aya?" Napapikit ako at napatigil sa paghakbang totoo ba to? Tinawag niya ako sa pangalan ko? Totoo ba?
Huminga ako ng malalim at mahigpit na kumapit sa Hand carry bag ko. Kalma aya kalma. Humarap ako sa kanya at mgumiti.
"Good morning" Nakangiti kong bati
"Same, I just want to know your answer" tinaasan niya ako ng kilay
"Ahm"
"Aya may teacher na!" Sigaw ni Moarise
"Lets talk later" tinalikuran kona siya at naglakad papasok ng classroom
"Late ka ata ngayon ah" bungad sakin ni moarise
"Late ako nagising eh!" Ngumiti ako
"Ngiti ngiti mo jan?" Nagtatakang tanong niya
"Bakit masama bang ngumiti sa umaga?" Tanong ko
"Hindi naman" nanahimik na kaming dalawa nung mag prayer na at nagsimula na ang klase. Medyo bored ako kaya naman kung ano ano nanaman ang kinuhanan ko ng litrato, meron yung notebook ko At ballpen tsaka ako nag Day sa IG
"Tuesday 8:21 am" napangiti ako
Nagpatuloy lang ako sa pakikinig. Major subject pa naman.
"Aya ano ng balak mo dun sa Photo photo na yan?" Tanong ni moarise
"Hindi ko alam" nagkibit balikat ako.
"Ok next meeting dapat lahat kayo may calculator na para masundan niyo ang lecture lalo na sa susunod na topic" tumayo na si Ms. Gabbao at umalis
"Bye Ma'am" paalam nung iba
"Aya halika dito" tawag kaagad sakin nung adviser namin na nasa labas agad naman akong tumayo at lumapit sa kanya
"Hi ma'am" ngumiti ako
"Good mood ka ata ah!" Pang asar niya
"Always po ma'am" sagot ko
"So andito nga pala si JM president ng photo journalist club mag usap kayo may next subject pa ako" tinapik ni ma'am yung balikat ko
"Ok ma'am" sagot ko aggad kong nilingon si JM at ngumiti
"All I want is your answer now asap!" Nakakunot ang noo niya
"Oh? Bat ka galit?" Medyo natatawa ako
"I'm not your wasting my time pwede bang sumagot ka nalang kaagad oo o hindi lang naman eh" napaka sunget naman netong mister ko!
"Hindi" I cross my arms on my chest
"What!?" Nanlaki ang mga mata niya
"How will I join your club if the president didn't treat me well?" Tinaasan ko siya ng kilay
"Psst aya!" Tawag ulit ni moarise sakin kasi dumating na next subject namin
"Sorry I need to go, you're wasting my time too so its a No Mr. Santiago" tinalikuran kona siya
Gusto ko lang siyang makitang ngumiti kahit sa pakikipag usap man lang sakin at pakiusapan ako pero ang cold niya napaka sungit pa! Pero kailangan kong tiisin ang ugali ng mister ko! Napakatawa nalang ako sa iniisip ko. Ngumiti ka lang bibigay na ako. Nakangiti akong umupo sa upuan ko
At dahil nasa good mood ako pa bibo ako sa klase namin ang ingay kopa pero atleast yung iniingay ko may kabuluhan.
Tapos na aggad ang klase bakit ang bilis naman ata o talagang nag enjoy lang ako?
"Anyare sayo?" Tanong ni moarise "oh!" May inaabot nanaman siyang chocolates
"Alam mo kung bat ako hyper? Siguro epekto nato ng kakabigay mo ng chocolates! Hinay hinay ka lang maging diabetic ako neto eh!" Inabot ko yung chocolate bar at kinain.
BINABASA MO ANG
The Stare (senior high crush series)
FanfictionAya, Isang Senior High School Student transferee sa Isa sa pinaka sikat na paaralan sa Manila, Babaeng nangangarap na mapasakanya ang isang sikat at mayaman na si JM ngunit ang lalake ay may ibang kasintahan at mahal na mahal niya ito. Ngunit isang...