3

0 0 0
                                    

"Nakakahiya!" Pinipilit ako ni Moarise na makipagkilala kay JM

"Ano kaba! Diba gusto mo siya edi dapat makilala ka niya!" Hinihila niya na ako ngayon papunta sa Soccer field

"Wag na nagbago na isip ko diko na siya gusto!" Tumigil siya sa paglalakad pero di niya binitawan kamay ko

Syempre joke ko lang yun para dina niya ituloy. Pero nagkamali ako

"Edi maganda kung dimo na siya gusto. Tara!" Hinila niya ulit ako

"Wait!" Sinubukan ko siyang pigilan sa paghila sakin kaso bigo ako

"Malapit na tayo wag kang malikot jan!" Di kalayuan nakikita kona nga si JM kasama niya yung mga kaibigan niya

Seryoso bato? Sa harapan ng mga kaibigan niya? Diko ata kakayanin! Nahihiya talaga ako

"Moarise? Sa harapan talaga ng mga kaibigan niya?" Tanong ko habang hinihila niya parin ako

"Oo" tipid niyang sagot

"N-nakakahiya!" Pinigilan ko ulit siya kaso mas malakas siya sakin

"Andun yung pinsan ko oh! Dali ayusin mo sarili mo"

"P-pwede bang cr muna retouch ganun?" Bumuntong hininga siya

"Ok dalian mo tara" hinila niya ako sa pinaka malapit na Cr. 

"Dalian mo jan baka aalis na sila dun oh!" Tanaw na namin si JM na nagtatawanan sa may field

Nag powder lang ako tapos tint naglagay din ako sa cheek ko ng kaunti tapos inayos ko ang buhok ko nilugay ko nalang ito.

"Antagal!" Reklamo ni moarise

"Wait lang taeng tae girl!" Nag spray ako kaunti ng Perfume ko para naman mabango ako.

"Ayan dali!" Hinila niya ulit ako pero ngayon mas maayos na ang pagkakahila niya sakin.

Habang palapit ng palapit mas lalo akong kinakabahan. Parang tumatambol yung puso ko, sobrang bilis ng tibok. 

Andito na! Tatlong hakbang nalang!

"Oh! Moureen pre nandito pinsan mo" sabi nung isang lalake. Napatingin tuloy sila sa amin

"Kuya!" Tawag ni moarise

Nanlaki aggad ang mata nung pinsan niya sa nakita, tsaka siya tumungin sakin.

"B-Bakit? A-Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng pinsan niya na nauutal tsaka umiwas ng tingin

"Bakit nautal ka pre?" Tinapik siya sa balikat nung isang lalake

"Bakit ikaw lang ba pwedeng pumunta dito?" Taas kilay na tanong ni Moarise

"Wohh!" Linoko si Moureen

"Uuwi kana ba?" Pagiiba ni Moarise

Napatingin ako kay JM kahit kailan talaga diko maiwasan ang hindi mapatingin sa kanya. Nakaupo siya sa kahoy na lamesa tapos nakapamulsa. Ang linis niya tignan sa uniform niya, yung sapatos niya wala man lang ka ali alikabok. Napatingin ako sa akin malinis pa naman.

"B-Bakit? N-Nako Moarise may pupuntahan ako di kita maisasabay" tumawa yung mga kaibigan ni moureen, nauutal parin siya at di makatingin ng deretso may sakit ba siya?

"Moureen may problema ba? Bat parang namumutla ka?" Tanong nila sa kanya. Nagalata ko rin kasi yun kanina pa.

"W-wala" kumunot ang noo niya

"Dumating lang pinsan mo ganyan kana ok ka lang kanina ah?" Tumawa sila

"Nanjan kasi yung crush niya kaya ganyan!" Umirap si moarise. Nanlaki naman ang mata nung si moureen

The Stare  (senior high crush series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon