5

1 0 0
                                    

"Ate anong oras tayo pupunta?" Tanong ko sa hipag ko, bibisitahin daw namin yung pinapatayo nilang bahay

"Mamaya pag natulog na si craige" sagot niya

"Isama na kaya natin?" Para naman makapasyal pa ako

"Sure ka?" Tanong niya

"Oo naman gagamitin naman natin yung sasakyan" nagpaalam na kasi ako kila mama kanina

"Oh sige nakapagayos kana ba?" Pumunta ako sa may salamin na malaki.

"Ok na to ate" nag powder lang ako tsaka tint

"San punta niyo ate?" Biglang sumulpot si rade

"Bibisitahin daw namin yung pinapatayong bahay nila ate sama ka?" Tanong ko

"Hindi maglalaro ako" dun ko lang napansin na may hawak siyang bola

"Tita Can I play basketball too?" Tanong sa kanya ni craige

"Ate ano yun english ng pag lumaki kana?" Natawa ako kay rade

"Bobo mo naman!" Tumawa ako ng malakas lumuhod ako para pumantay kay craige

"You can play basketball when you get big like him" turo ko kay Rade "ate tama ba?" Tanong ko

"Oo naintindihan niya yan" tumawa kami

"Maka bobo ikaw din naman!" Hinampas ko sa hita si rade "mapanakit ka talaga!" Sigaw niya

"Nakakaintindi naman yan ng tagalog" tumawa si ate Dina

"Naman pala eh! Ilang taon mo akong pinahirapan sa pag sasalita ng english!" Tinawanan ko si rade

"Practice mona yun! Pati ako ate sa tagal tagal di mo man lang sinabi?" Madalas kasi pag kausapin siya english

"Abay malay ko sa inyong dalawa si mama at papa naman kinakausap siya ng tagalog" tumayo na ako

"Hayst! Craige! Gusto mo bang lumaki na kagaya ni tito rade?" Testing ko sa bata

"Opo" tumawa ako sa sagot niya

"Nakakaintindi nga!" Sigaw ko habang tumatawa

"Nako simula ngayon dina kita kakausapin ng english!" Sigaw ni rade tumawa si ate Dina

"Ano yang ingay na yan natutulog palang ang tao eh!" Reklamo ni kuya na biglang lumabas sa kwarto nila

"Sorry po master!" Loko ko

"Daddy!" Niyakap aggad ni craige ang papa niya sa hita

"Good morning baby" yumuko siya para mahalikan ang anak.

"San punta niyo?" Tanong niya

"Tignan ko yung pinapatayo mong bahay kung papasa ba sa mga mala Architect kong plano" I chuckled

"Kapal ng mukha neto, wag kang pumunta dun" naglakad siya palayo

"Bakit nahihiya kabang ipakita sakin ang plano mong panget?" Tumawa ako

"Sige pumunta kana! Yabang mo, pag maganda yun wag kang magalala ako ang magiging engineer mo" uminom siya ng tubig

"Ayoko nga! Baka sa galit mo sakin dimo yun gandahan" I teased him

"Yabang mo ate!" Inirapan ako ni Rade

"Talaga! Pagtapak mo palang giba na" tumawa siya "Taba mona mag diet ka!" Sigaw niya

"Ate mataba naba ako?" Tanong ko kay ate Dina

"OO!" Sigaw ni rade sa tainga ko

"Aray ko masaket!" Hinampas ko siya. Tinawanan niya lang ako

The Stare  (senior high crush series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon