02-04-2019
10:32 AMThomas De Toro
Active NowGeorgia:
For the record, I don't like you ah.
Yung sabi ko kanina na nasasayang feelings ko, is about sa pag- aalala
Wala akong feelings sayo romantically ew, kinikilabutan tuloy ako
Thomas:
Di ko naman kasi tinatanong
Defensive mo naman masyado
Di din naman kita type ano
Georgia:
Alam ko type mo yung mga kunwari mahinhin pero bitchesa pala
Thomas:
Oh san naman yan galing?
Georgia:
Malay ko sayo
Tanungin mo dun sa babae mong nagalit sakin kanina sa labas ng clinic, pasalamat siya di ko pa mas pinapula yung cheekbones niyang makapal ang blush
Thomas:
Teka, sino si Margaret ba yang sinasabi?
Georgia:
Aba malay ko nga, aalamin ko pa ba pangalan niya eh ako tong pinagsasabihan niyang lubayan daw kita para di ka nadadamay sa "messed up life" ko
Like, haler? Tingin ba niya dikit na dikit ako sayo? Ginusto ko ba? Like HELLO????
Thomas:
Kumalma ka nga, bakit ka ba galit?
Georgia:
May Paulo na nga kasing nagpapasakit ng ulo ko, dumadagdag pa mga babae mong hate na hate ako!!!!
DI KA NAMAN GWAPO 😒
Thomas:
Oy medyo may mali ka dun, gwapo ako
Georgia:
Di ko tinatanong opinyon mo
Thomas:
Lam mo ang pangit ng ugali mo
Georgia:
Bakit feeling mo naman sophisticated ng personality mo?
Thomas:
Atleast di amazonang katulad mo, lokaloka
Georgia:
Mag- ingat ka nalang next time!!! Kapag talaga ako sinigawan na naman ng babae mo, sisipain ko cheekbones niya
Thomas:
Nag- iingat ako. Ikaw ang mag ingat may tangang obsessed sayo.
Georgia:
And fyi, stop getting yourself injured, mareklamo ka pa naman sa katawan
(Seen 11:03 AM)
Georgia:
1. Yang spinal cord mo
2. Yang pisngi mong nasapak ko
3. Yang pangang nasuntok ni Paulo
Ineenumerate ko na, may kulang pa?
Kailangan mo ba bodyguard? Apply na ba akong guard mo? I know taekwondo! 🥋
Thomas:
Para kang tanga, pumunta ka na nga sa klase mo! Panira ka ng araw
Georgia:
Pikon! Haha ble ble! 🤪
Thomas:
Kulang ka pala isa
4. Nasapok mo ulo ko nung binuhat kita non