04-28-2019
6:54 PMGeorgina Aguirre
Active NowGeorgina:
Hi
Thomas:
Hello. Sorry
Galit ka pa ba?
Georgina:
Di naman ako galit. Grabe to, nakailang tadtad ka na sakin ng sorry.
Thomas:
I stood you up.
Georgina:
No, I understand naman. Margaret's part of your life. Okay lang naman na pumunta ka sa birthday niya.
Thomas:
No. I seriously was just dragged there. I was gonna stay there for only an hour. I told her I was going to see you
Georgina:
Okay lang nga hahaha, wag ka ngang tanga dyan hahaha
Thomas:
Sorry
I'm sorry I wasn't able to be with you that evening.
Georgina:
Okay lang nga bwisit naman to. Puro nalang sorry
Thomas:
You avoided me for a week. Kinabahan lang ako baka galit ka
Georgina:
Masama lang loob ko. Hahaha pero okay lang, naiintindihan ko naman
Kaya sasabihin ko kung bakit
Thomas:
Sasabihin mo na?
Georgina:
Saaabihin ko na kung bakit sumama ang loob ko, kesa naman sa clueless ka kung bakit ako umiiwas, diba? 😂
Thomas:
We can talk
Georgina:
Di ko nga kayang sabihin sayo ng personal eh. Nahihiya ako
Thomas:
That what?
Georgina:
Gusto kita
Thomas:
Ha?
Lasing ka ba?
Georgina:
Para namang tanga to
GUSTO KASI KITA
Di naman ako nag eexpect ng reaction sayo. Sinasabi ko lang na may gusto na ako sayo
Di ko naman narealize agad. Minsan dinedeny ko pa kasi, duh? Magkaaway tayo lagi? Pero kasi ayoko magkimkim. Kaya ayan na, gusto kita.
Hindi ko naman ineexpect na you'd like me back. Okay na yung sabihin ko sayo.
Thomas:
Lasing ka?
Georgina:
Hindi nga! My god, umamin na ako't lahat ganto pa reaction mo?!
Thomas:
Prank yan?
Georgina:
Eto talaga nakakapagtaka eh
Bakit ba ako nagkagusto sa bobong katulad mo! Nakakainis!
Dibale, naamin ko na. Baka I'll get over it soon. Nakakaturn off ka naman minsan kaya okay
Thomas:
What made you think you like me? Sabi mo friends lang tayo?
Georgina:
Pabebe ka ano? Tuwang tuwa ka siguro na kinain ko ying sinabi kong di kita type
Di talaga kita type, nagkataon lang talagang nagkagusto ako sayo
Thomas:
But you're telling me this because?
Georgina:
Kasi kaya masama loob ko nung hindi mo na ako nasipot. I was excited to atleast spend it with you kaso ayun nga nangyari
ANYWAY
Nothing changes, i still hate you. But sometimes kinikilig ako kapag nagiging astig ka
Kaya wag kang feeling dyan. NOTHING CHANGES, OKAY?!
And we're okay! STOP SAYING SORRY! Naiinis na ako sayo
Thomas:
But I'm really sorry. I had plans for us that evening.
Georgina:
May next time pa. Kapag wala na akong feelings sayo para hindi sumasama timpla ng mood ko kung sakaling meron na namang Marga 😂
Thomas:
Paano kung wala na talagang Marga
Georgina:
Kung wala na ngang Marga, ano na?
Thomas:
Ano na nga ba, Georgina?
Georgina:
May ginagawa pa ako. Sige bye hahaha