Thomas' POV
♥️
There was this girl.
She looked pretty. But she was... loud. And drunk.
"Buhatin mo na kaya?" sabi ni Ian sa'kin habang nakatingin lang ako sa mukhang bangkay na nakaupo.
Patay na ba to?
"Bakit ako?!" naiinis na sigaw kay Ian. Tangina kasing Claudio, bakit ba lasing yun. Wala tuloy kwenta.
The girl Ian was crushing on was looking at me- Ylona ata pangalan. I tried to smile a little, awkward naman. Mukha pa namang suplada to.
"Can you carry her? Please?" she asked. Tapos tinignan ang kaibigan niyang nakanganga na sa table.
Unbelievable.
Wala na akong ibang choice kundi buhatin siya. Putangina, pinabuhat pa ako nila kuya kahapon.
Masakit likod ko, pero kesa naman kaladkarin nila to palabas. Nakakainis, bakit ba ko sumama sa inumang to?
"Thanks." Ylona murmured bago kinaladkad palabas yung isa pang kaibigan niyang kanina pa kumakanta ng malakas.
"I'll carry you, okay?" mahinang bulong ko sa mukha netong babae. Nagmulat lang siya saglit ng mga mata niya, she looked daze. But she was able to smile at me.
Ganda sana neto, mukhang adik lang talaga.
'Nang umupo na ako sa harap niya para mabuhat na sa likod ko, she dropped without any notice kaya malapit nang sumubsob sa sahig ang mukha ko.
Putangina. Ang bigat.
"KUYAAAA!!! MAY JOKE AKO AHAHAHAHA"
Tangina talaga. Adik nga ata to, bakit ba sumisigaw?! Halos titigan ako ng lahat ng customer sa loob ng restobar.
Kahihiyan.
Lakas makademonyo ng tawa.
Sino bang babae to?! Bakit ko ba to binuhat?! Iwan ko na kaya?
"KUYA!!!!" Buti nakalabas kami ng building ng sumigaw pa siya ng malakas, itatapon ko na to! Bakit ba biglang nananapok ng ulo?!
"Bakit ka nananapak?!" gulat na sigaw ko sa kanya.
"Sabeeh koh kashe may joke ako eh!!!" she screamed and I almost, ALMOST threw her out of my back.
Tangina. May ilalala pa ba ang gabing to?!
"Oh ano?!" naiinis na sabi ko. Nasan na ba ying sasakyan ni Kuya Theo?! Itatapon ko na talaga tong babaeng to.
"Knock knock!!!"
"Who's there?!"
"Galet ka ba?!!!! Wag na nga. Galit ka naman."
"Tumahimik ka na nga, ang bigat mo!"
"Dito!" narinig ko na sigaw ni Ian. Nakita kong nasa pinakagilid nakapark yung sasakyan ni Kuya.
Putangina talaga. May isasama nga talaga ang gabing to.
"Nasusuka ako." narinig kong bulong ng babae.
"Ha?!"
This is stupifying. I was ready to let her go so she can go barf her insides away from me, kaso ang adik, mas linapit pa ang bunganga sa tenga ko. It was hust seconds, but her lips touched the tip of my ear.